"Eh sa gusto ko, anong paki niyo." Pasusungit ko sa kanila.
Magsasalita pa sana si Alice ngunit dumating na ang prof namin kaya nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan.
Nagulat rin ang professor namin ng makita niya ang ayos ko at napatulala pa siya ng ilang segundo.
Kung hindi pa siya tinawag ng isang kaklase ko ay hindi pa siya magigising sa pagtitig sa akin.
Nang dumating ang lunch time namin ay sabay-sabay kaming magkakaibigan pumunta sa cafeteria upang kumain.
Nganon parin ang nakikita kong reaksyon ng maestudyanting madadaan namin.
Mapapatig sa akin na may pagkamangha sa kanilang mga mukha.
Nang makarating kami sa cafeteria ay nakaagaw agad kami ng atensyon or should i say ,NAKAAGAW AKO NG ATENSYON.
Nakita ko rin ang lalaking nanloko sa akin na nakaupo sa mesang nasa gilid kasama ang mga kaibigan niya at nakatingin sila sa dereksyon namin.
Kita ko rin na titig na titig ang mga kaibigan niya sa akin lalong lalo na ang lalaking nangloko sa akin. Si Leonard.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagkunwaring hindi ko sila at nagpatuloy nalang sa bakanting mesang malapit sa may bintana hindi kalayuan sa pwesto nila Leonard.
Sina Alice at Angel ang nag-order ng kakainin namin at hindi nagtagal ay nakabalik agad sila dala ang mga pagkaing enorder nila.
Habang nagkukwentuhan kami habang kumakain ay may biglang nagsalita sa likod.
"Tony." Sabi ng isang baritonong boses ng lalaking kilalang-kilala ko.
Bigla akong nakadama ng galit ngunit hindi ko pinahalata sa kanila.
Hinarap ko si Leonard at ang mga kasama niya.
"Yes?" Patanong kong sabi habang nakangiti sa kanila.
"Pwede ba tayong mag-usap?" May pakikiusap na sabi sa akin ni Leonard.
Nakatingin lang sa amin ang mga kaibigan ko at kaibigan niya habang nakikinig.
"Sure." Nakangiti ko paring sagot sa kanya.
Kita ko ang pagliwanag ng mukha niya ng pumayag ako.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kaibigan ng tumingin ako sa kanila ngunit ngitian ko lang sila na parang sinasabing ako na ang bahala.
Dinala sa niya ako sa hindi mataong lugar.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsalita.
"May problema ba Tony? May problema ba tayo?" Bigla niyang tanong sa akin.
Napatiim bagang ako sa kanyang tinanong sa akin.
"Problema? Siguro sa akin wala pero sayo meron." Walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Anong sa akin? Tan* ina naman Tony bakit sa akin ang may problema?! Eh ikaw nga tong umiiwas sa akin!" Medyo malakas na pagkakasabi niya sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.
"Ha.ha.ha , alam mo Leonard ang galing mo rin palang magpanggap no ? Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo?! Noong nag text ka sa akin na umuwi ka sa inyo dahil pinapauwi ka ng daddy pero bakit nakita kita sa mall na may kasamang babae? Nakaakbay ka pa nga dito ngunit alam mo kung ano ang pinakamalalang nakita ko?! Yung nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano mo ko lokohin at pagtaksilan! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginagawa niyong kahayupan kahapon ng ex mo!!" Hindi ko maiwasang ibuntong lahat galit at sakit na kikimkim ko sa loob dahil sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita pagkatapos kong masabi ang mga salitang yun .
Halatang nagulat siya sa mga binitawan kong mga salita.
" Alam mo kong ano ang malaking pagkakamaling nagawa?" Tanong ko sa kanya ngunit nanatiling nakayuko lamang ang ulo niya at nakita ko pa ang pamamasa ng mata niya.
What a best actor? Hahaha.
Pero hindi na niya ako madadala pa sa paiyak-iyak.
"Yun ay ang mahalin ka." Matigas kong pagkakasabi sa kanya.
"Tony nagkakamali ka, magpapali- " hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng pinutol ko siya.
"Tama natong kahibangang ito Leonard. Tapusin na natin to." Nang sabihin ko yun ay lalong naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Kahit ako ay hindi ko rin mapigilang mapaluha.
"Tony wag mo naman gawin sa akin to oh. Please hayaan mo akong magpaliwanag, please wag mong gawin to." Pakiusap niya sa akin habang umiiyak ngunit hindi na ako nagpadala pa sa emosyon ko.
Tinalikuran ko na siya at tumakbo na ako.
Narinig ko pang tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Paalam Leonard.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.