Chapter 7

9.6K 448 1
                                    

"Sino kaya ang nag utos sa mga lalaking sumugod sa atin kanina? Sigurado akong isa sa mga kalaban nating gang ang nag utos sa kanila na dakpin tayo."biglang sabi ni Meyon.

Nandito kami sa bahay ngayon.

Naisipan kasi ng dalawang to na mag sleep over dito.

Okay lang naman kay tita na dito matulog yang mga yan lalo pa't Wala sya ngayon dahil may pinuntahan siya sa Baguio.

Wala naman kaming kasama bukod sa mga maid.

"Hindi kaya si Arnold Yung nag-utos sa kanila na dakpin tayo?" Seryoso namang sabi ni Jenna.

Nang marinig ko yun ay biglang nagtagis ang aking bagang.

Bigla na naman sumiklab ang aking galit na matagal ko ng kinikimkim.

Si Arnold Baldesco ang anak ng taong kinamumuhian ko, ang taong naging dahilan ng matinding galit na matagal ko ng kinikimkim, ang taong pumatay sa mga magulang ko.

"Hoy Tony! Nakikinig ka ba?" Bigla akong natauhan ng nagtanong  sa akin si Jenna.

Binigyan ko lang siya ng tingin na parang nagsasabing 'hindi ko narinig' at madali rin naman niyang na gets ang ibig sabihin ng tingin Kong Yun.

"Ang sabi ko ano ng plano mo ngayong nagsimula ng kumilos ang kabilang gang."sabi nito sa akin.

"Sa ngayon, huwag muna tayong kumilos at hintayin muna natin Kung ano ang susunod nilang gawin." Sabi sa malamig na tono.

"Pero paano Kung bigla silang susugod pag nasa school tayo?" Tanong naman ni Meyon.

"Alam Kung hindi nila gagawin Yun, hinding-hindi sila susugod sa school lalo pa't Alam nilang karamihan sa mga estudyante na nag-aaral sa unibersidad ay anak ng mga maimpluwensya at mayayamang tao." Sagot ko naman sa malamig parin na tuno.

Nagets naman nila ang ibig sabihin ng mga sinabi.

Subukan lang nilang sumugod don at sigurado akong lahat ng magulang ng mga estudyanteng madadamay ay magtutulungan para malaman Kung Sino ang kagagawan non at pag nangyari Yun. Patay sila.

-

"Elina ! Parating na sila ! Itago mo na si Rain!" Sigaw ng kanyang tatay kaya naman nagmadali nilang tinungo ang malaking aparador at doon itinago ang kanyang anak.

Mula sa loob ng aparador ay sumilip ang Bata sa isang maliit na butas na gawa sa sirang tarangkahan ng aparador.

"Nasaan ang Bata?!"sigaw ng isang nakaitim na lalaki sa kanyang mga magulang.

"Hindi namin sasabihin Kong nasaan siya kahit patayin niyo man kami !"sigaw na balik ng kanyang ama.

Biglang itinutok ng lalaki ang kanyang baril sa mga magulang ng Bata at ganun din ang ginawa ng kanyang mga kasama at walang awang pinagbabaril ang kanyang mga magulang.

Kitang-kita Niya Kung paano pinagbabaril ang kanyang mga magulang hanggang sa silay malagutan ng hininga , patuloy lang sa pagluha ang bata habang itinakip Niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bigbig para hindi makagawa ng anamumang ingay.

"Tony!"

"Tony!"

"Tony gumising ka!"

"Tony!!!!"

Napabangon ako bigla sa aking kinahihigaan at tiningnan  sila Jenna at Meyon.

Makikita sa mukha nila ang pag-aalala sa akin.

"Napanaginipan mo na naman ba ang Yung masalimuot na nakaraan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Meyon bang hinahagod ang aking likod.

Tumango lang ako at hindi ko na napigilan ang luhang kusa nalang tumulo sa aking mga mata.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon