Chapter 18

7.2K 353 1
                                    


Halatang nagulat sila sa ginawa kung pagsampal sa babaeng to.

Aktong susugurin narin ako ng mga alipores Niya ng tiningnan ko sila ng nakakatakot kaya napatigil sila at nanginig sa takot.

"Wag mo Kung itulad sa mga binully mo. At sa oras na kakalabanin mo pa ako." Tumigil muna ako sa pagsasalita at nilapit ko sa tenga Niya ang bibig ko tsaka bumulong.

"Hindi lang sampal ang matitikman mo sa akin, ipapatikin ko sayo Kung pa'no sumapak ang baklang nasa harap mo." Bulong ko sakanya tsaka lumayo ng kunti sa kanya.

Kita ko ang takot at panginginig niya sa sinabi kong bago siya tumakbo palabas ng cafeteria kasama ang mga alipores Niya.

Umupo na ako sa katabing upuan ni Leonard at Kita ko sa mukha niya na gulat parin siya sa ginawa pati narin ang mga kaibigan Niya.

Napahagikhik naman sila Jenna sa nakitang reaksyon nila Kaya bigla silang natauhan.

"Graveh babe! Hindi ko Alam na amazona na ka pala." Nakangiting sabi sa akin ni Leonard.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid muna nila kami sa aming classroom bago sila umalis.

-

"Ano ba saan niyo ba ako dadalhin!" Inis Kong sabi kina Jenna,Meyon,Angel at Alice na ngayon ay hila-hila ako.

Matapos ang aming klase kanina ay bigla nalang nila akong hinila palabas ng classroom at ngayon ay hila-hila na nila ako patungong rooftop.

Ano na naman ang gagawin namin doon?

Tsk! Patay talaga sa akin tung mga to pag hindi ko magustuhan ang gagawin nila.

Matapos nila akong maihatid sa harap ng isang ay sinabi nilang pumasok ako tsaka sila umalis.

Ang we-weird naman nila.

Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa aking nakita sa loob.

Ang daming nagkalat na mga pitals ng mga roses , may mga balloons, at iba pa.

Mas lalo pa akong nabigla ng makita ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga kaibigan ni Leonard na nasa harap at may mga bitbit na mga litra.

C A N   YOU  BE  MY BOYFRIEND

yan ang nubuong mga salita sa mga litrang hawak-hawak nila.

Mula doon ay nakita ko si Leonard na nakangiting lumapit sa akin.

Tulala parin akong nakatingin sa kanya, hanggang sa lumuhod siya sa aking harapan.

"Tony, Alam Kung naging mabilis ako sa desisyon Kung to. Ayaw ko Lang kasing maagaw ka pa ng iba sa akin. Ayaw Kong maunahan nila ako sa 'yo. Unang Kita ko palang sayo Tony ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kahit na naka nerd look ka pa non ay nakuha mo na agad ang puso ko, Kaya Mula no'n ay lagi na kitang inaasar para Lang makalapit ako sa iyo. Nung dumating ang party ay lalo pa akong nabihag sa iyo ng makita kitang magbihis babae, Kaya ko nasabi saying liligawan Kita sa ayaw at gusto mo. Sa mga nagdaang araw na nagdaan ay mas lalong tumindi ang nararamdaman ko sayo, mas lalo pa kitang minahal. Tony sana tanggapin mo ang pag-ibig ko sayo." Mahabang sabi nito Kaya hindi ko na mapigilan ang mapaluha.

"Tony.........Can you be my Boyfriend?" Kinakabahang tanong nito sa akin at hinintay ang magiging sagot ko.

Nginitian ko bago tumango.

"Yes!" Sabi ko.

Bigla namang nagsitilian ang mga kaibigan ko.

Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you! Promise hinding-hindi Kita sasaktan." Sabi nito at kumalas sa yakapan namin at hinalikan ako sa labi.

Ang saya ko ngayong kami na talaga ni Leonard.

Sana Hindi na matapos ang pangyayaring to.

Mahal na Mahal ko ang lalaking to.

Nang kumalas siya sa aming halikan ay nginitian Niya ako.

"I love you babe." Puno ng pagmamahal na sabi nito sa'kin

"I love you too." Punong pagmamahal ko ring sabi at ako na mismo ang humalik sa kanya.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon