Chapter 35

6K 302 1
                                    


"Owh! Nasurpresa ba ang leader ng Blood Moon Gang sa aming hinandang surpresa?" Parang demonyong sabi ni Arnold sa akin habang sabunot ng dalawa ng kamay ang mga nina Alice at Angel.

Kita ko sa mukha nila ang hirap na kanilang dinanas sa kamay ng demonyong kaharap ko ngayon.

Hindi ko lubos maisip na kaya niyang idamay ang mga inosente kong kaibigan para lang gawing pain sa akin.

Ano pa bang aasahan ko sa demonyong Arnold nato?

Pinatay niya ang mga magulang ko ng walang kalaban-laban pano pa kaya ang dalawa kong kaibigang hawak niya ngayon.

Ilang sandali lang ay dumating din sina Jenna,Meyon , Ang dalawa kung kuya ,si Leonard at ang mga apat niyang kaibigan.

"Tony ano-" hindi na natuloy ni Jenna ng dapat niyang sabihin ng mapatingin siya sa harapan ko.

"Omygosh! Alice! Angel." Lumuluhang sabi niya ng makita niya ang kalagayan ng dalawa naming kaibigan.

Kita ko rin ang gulat sa mga kasamahan ko ng mapatingin sila sa harapan.

"Putang *na mo Arnold! Pati ang mga inosenteng kaibigan namin dinamay mong demonyo ka!"galit na sigaw ni Meyon habang umaagos sa mata niya ang kanyang mga luha.

Ngayon ko lang narinig siyang magmura ng ganyan at alam kong sa mga oras na'to ay galit na galit na siya ganon din si Jenna na sobrang galit na nakatingin kang Arnold at sa mga kasama niya.

Tamawa lang si Arnold na parang demonyo talaga.

"HAHAHA! Ang ganda niyong tignan sa ganyang hitsura niyo! Umiiyak dahil sa sakit at galit! Hahahahaah!!!!" Tumatawang sabi nito na lalong nagpadagdag sa galit namin.

"Hindi ko lubos maisip na ganito ka demonyo ang ama ni Dexter na leader ng Whiteshadow Gang, hindi maipagkakailang mag ama nga sila." Rinig ko pang sabi ni Kuya Aljon.

Third Person Pov

Nakaramdam sila ng kakaibang kilabot ng makadama sila ng kakaibang lamig sa paligid.

Lahat ng tao sa silid na yun ay nakaramdam ng kaba at kunting takot ng maramdaman nila ang nakakakilabot na lamig.

Naagaw ang kanilang atensyon ng makadinig sila ng mahinang tawa.

Tawa na nakakapanindig balahibo dahil sa nakakakilabot na tono nito.

kaya napabaling sa isang tao ang kanilang mga tingin pati narin sina Arnold,Dexter at ang iba pa nilang kasamahan.

Ang mahinang tawa ni Tony ay unti-unting naging malakas na siyang naging dahilan kung bakit nadagdagan ang kanilang takot at kaba.

Parang hindi si Tony ang nakikita nila ngayon dahil sa nakakatakot at nakakapanindig balahibo nitong presensya.

Nang tumigil sa nakakakilabot na pagtawa si Tony ay unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at tumingin sa harapan niya.

Mas lalong nadagdagan pa ang kaba at takot nina Arnold at mga kasama nito ng makita ang punong galit na mga mata ni Tony.

Parang nag-aapoy ito sa galit habang nakatingin sa kanila.

Kahit ang mga kasamahan ni Tony ay nakaramdam din ng takot ng makita nila ang ganitong ekspresyon ng mukha ni Tony.

Unting-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang harapan.

Nakatutok lang sa isang tao ang kanyang mga matang puno ng galit habang hindi parin naaalis ang ngisi sa mga labi nito.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon