Chapter 37

5.9K 304 2
                                    

Bumungad sa aking paningin  ang isang pamilyar na kwarto.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nalaman kong nandito ako sa kwarto ko sa aming bahay nina tita.

Tiningnan ko ang oras sa aking study table na malapit sa kama at nakita kung alas 10 na ng umaga.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa banyo.

Pagbukas ko ng pinto sa aking banyo ay dumeretso ako sa sink upang maghilamos.

Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin at bumalik sa aking alaala ang nangyari nong sumugod kami kina Arnold kagabi.

Nung oras na yun ay naramdaman ko nalang na bigla akong nilukob ng matinding galit at parang hindi na ako ang komokontrol sa aking katawan.

Nakikita ko ang mangaginawa ko ngunit di ko makontrol ito.

Parang may komokontrol nito at para bang nagkaroon ng  sariling buhay ang aking katawan at gawin ang mga yun.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha aking mga luha .

Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang ganon karumaldumal na pangyayari.

Hindi ko makilala ang sarili ko non.

Ang nararamdaman ko nalang sa mga oras na yun ay ang matinding galit na matagal ko ng kinikimkim.

Hinubad ko ang abuong saplot sa aking katawan tsaka nagtungo sa may shower.

Unti-unti kong dinadama ang lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko.

Bigla kong naalala si Leonard.

Nakita kaya niya yung ginawa ko?

Malamang  e nandun siya eh.

Pumikit ako ng mariin tsaka pilit iwinaksi ang mga isiping iyon.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo upang magbihis.

Nang matapos akong makapagbihis ay lumabas na ako sa aking kwarto upang bumaba.

Bumangad sa pagbaba ko sina Jenna, Meyon, Alice at Angel na may mga benda, si Kuya Aljon at kuya Aljon, sina tita at Tito.

Na nakatingin sa akin ng nakangiti lumapit sa akin sina Jenna,Meyon,Alice at Angel tsaka nila ako biglang niyakap.

"Happy birthday Tony." Sabay nilang sabi sa akin ng kumalas sila sa pagkakayakap.

Gosh! Nakalimutan kong kaarawan ko pala ngayon.

Kaya pala busy yung mga bagong kasambay namin sa pag-aayos dahil siguro sa may maliit na party ang magaganap mamaya.

Nilapitan din ako ng dalawa kong Kuya slash pinsan tsaka niyakap rin Ko.

"Happy birthday Bunso." Sabay rin nilang sabi sa akin.

Hindi ko mapigilang mapaluha.

Lumapit narin si tito at tita sa akin tsaka niyakap din ako at binati.

Ang swerte ko.

May mga kaibigan akong mga mababait na hindi ako iniwan kahit anong mangyari. Nandyan sila palagi sa tabi ko at hindi ako iniwan.

May dalawa akong Kuya na makukulit minsan ngunit mababait din naman. Kahit hindi nila ako totoong kapatid ay minahal nila ako at tinuring na parang tunay na kapatid.

At syempre may magand at gwapo rin akong mga tita at tito na siyang nag-alaga sa akin at tumayong mga magulang ko. Ramdam ko rin hindi nila ako tinuring na iba sa kanila.

-

Sumapit ang alas 7 ng gabi at nagsimula na ang simpleng party na hinanda nila tita para akin.

Wala namang ibang tao kundi ang mga kaibigan ko at ibang mga kakilala.


____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon