Napasinghap naman yung mga estudyante sa paligid namin pati narin si Alice at Angel sa nangyari.
Pagtingala ko sa lalaking nakabanggaan ko ay nanlilisik na mata niya akong tiningnan.
May kasama din siyang apat na lalaki.
Well mga gwapo naman sila, kaya siguro sila pinagkakaguluhan ng mga babae at mga beki dahil sa angkin nilang kagwapuhan.
"Bulag ka ba?!!! O sadyang TANGA kalang talaga! Nerd na nga TANGA pa!" Bulyaw niya sa akin.
Binigyang ko lang siya ng blankong tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Halatang nagulat siya sa inasal ko pati narin Yung kasama Niya at Yung mga estudyanteng nakapaligid sa Amin.
Sumunod naman Yung mga kaibigan ko habang sila Alice at Angel ay hindi parin maka recover sa nangyari.
Sino ba sila at ganon nalang ang reaksyon ng mga estudyante?
Well,wala akong pake Kong Sino mn sila.
-
Ng makapag- order at makaupo na kami ay biglang ng nagsalita si Alice.
"Omy God! Tony bakit hindi ka nag sorry sa nakabangga mo? Hindi mo ba sila kilala?" Biglang kuda Niya.
"So?" Walang emosyon Kung sabi sa kanya at tinuon nalang sa pagkain Yung pansin ko.
"Bakit Sino ba ang mga yun? Empernes ang gagwapo nila ha lalo nayung nabangga ni Tony." Interesadong tanong ni Jenna.
"Sila lang naman ang heartrob na mga lalaki at pinakasikat dito sa Feldon University at isa rin sila sa kinatatakutan dito sa school natin dahil talagang Wala silang awang bugbugin Kung Sino mang bumabangga sa kanila." Paliwanag ni Angel sa amin.
Eh? Mukhang nagkaroon ako ng interest sa kanila matapos marinig Yun.
" Talaga?! Mukhang makakapagpawis na naman ako nito!" Excited na sabi ni Jenna at makikita mo talaga sa mukha niya na excited talaga siya, ganon rin si Meyon na nakangisi ng marinig Niya Yun.
"Patay ka talaga Tony sa nagawa mo sa kanila, mukhang pinasok mo na ang kamatayan mo." Kinakabahang sabi sa akin ni Alice.
Eh? Kamatayan? Hahaha .
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi pinansin Yung sinabi Niya.
Habang kamakain kami ay biglang may tumamang itlog sa ulo ko dahilan upang matigilan ako sa pagkain.
Nakita ko agad ang grupo ng kalalakihan na bumato sa akin ng itlog na nagtatawanan .
May tumama na namang itlog sa ulo ko at this time parang nakaramdam na ako ng galit.
Nakita ko pa sina Alice at Angel na tatayo sana para lapitan ako pero pinigilan sila nina Jenna at Meyon na parang wala lang sa kanila ang nangyayari .
Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang tatlong lalaki na bumato sa akin ng itlog at binuhusan ng juice ang ulo ko habang tumatawa.
Hmmm?
"Hahahahahaha! Tingnan niyo tong baklang nerd na ito oh ?! Parang kabayo na bagong panganak hahahaha!" Tumatawang sabi nito.
Biglang hinila nung isang lalaking kasamahan nila yung buhok ko pataas sabay suntok sa sikmura kaya napasalampak ako sa sahig.
Pinagsisipa pa nila ako habang tumawa.
Nang huminto sila sa ginagawa nila ay unti-unti na akong bumangon at tumayo.
"Done?" Malamig na tugon ko at sabay tingin sa kanila ng nakangisi.
Ramdam ko pa na napaatras sila sa nakita pero Wala pang limang sigundo ng hawak ko na ang leeg ng lalaking sumuntok sa akin kanina , halata naman ang gulat at takot Niya ng mabilis Kong sakalin ang leeg Niya, ganon rin ang mga kasama Niya.
Mas lalong lumawak payong pagkakangisi ko at bigla ko siyang sinuntok sa sikmura dahilan para mapapuhod siya sa sakit kaya sinapa ko yung mukha niya dahilan para mahagis siya sa isang mesa at nawalan ng malay.
Tsk! Wala pa sa Kalahari Yung naibuhos Kung lakas pero nahimatay na agad siya sa sipa at suntok ko lang?
So weak.
Bigla akong sinugod ng dalawa at akmang susuntukin nila ako ng sabay kong mahawakan ang kamao nila.
"Eh?" Malamig ko paring turan habang natingin sa kanila ng nakangisi.
Sabay Kong pinilipit ang kamay nilang nahawakan ko patalikod tsaka ko tinuhod Yung isa tiyan Niya dahilan para mapaluhod din siya kaya sinipa ko ang mukha niya habang hawak ko parin Yung isang kamay ng kasama nila.
Napasalampak siya sa sahig at nawalan rin ng malay.
Binaling ko ang atensyon ko sa isa nilang kasama na natira na ngayoy nanginginig na sa takot.
Bigla Kung pinatid Yung mga paa niya kaya napahiga siya at namilipit sa sakit .
Tinapakan ko Yung leeg Niya at diniinan dahilan para mahirapan siya sa kanyang paghinga.
"Kilalanin niyo muna Yung kakalabanin niyo bago kayo sumugod." Huling sabi ko bago ko sinipa ng malakas Yung mukha niya dahilan para nawalan siya ng malay.
Pinagpag ko Yung damit ko tsaka tumingin sa paligid Kita ko Yung gulat at takot ng ibang estudyante sa nasaksihan nila.
Napansin ko Yung lalaking nakabangga ko kanina pati Yung mga kasama Niya na nakaupo malapit sa gilid at nakatingin sa akin ng namamangha sa ginawa ko.
Iniwas ko nalang Yung tingin ko sa kanila sabay yaya sa mga kaibigan ko.
Sina Alice at Angel ay nakatulala parin at parang hindi makapaniwalang tiningnan ako habang sina Jenna at Meyon ay nakangisi lang.
Patikim palang Yan.
Kaya wag silang magkakamaling banggain ako.
Dahil baka sa susunod ay hindi na sila kailanman masisikatan pa ng araw.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.