Chapter 34

6K 308 2
                                    


Kumuha ako ng mabaho tsaka ko ibinato sa kaliwa na naging dahilan upang gumawa ng kunting ingay na sapat lang para marinig ng mga tatlong bantay tsaka nila ito nagmadaling nilapitan kaya nagkaroon kami ng chance para makapasok.

Dahan-dahan kaming naglakad papasok at nag-iingat na makagawa ng kahit na kaunting ingay.

Nang makapasok kami sa pintuan ay nagpalinga-linga muna ako at ng masigurado kong walang bantay ay senenyasan ko si Leonard na pumasok na kami.

Nang makarating kami sa may dulo ay may dalawang armadong lalaking nagbabantay.

Tiningnan ko si Leonard at madali rin naman niyang nagets ang ibig iparating ng mga tingin kong yon.

Saktong pagtalikod ng dalawang tsaka namin sila dahan-dahan na nilapitan at binali ang at ayon knock out.

Hindi ko na tingnan si Leonard at binuksan na pintuan sa harap ko.

Bumungad sa akin ang ibang mga taong busy sa pagre-repact ng parang asin at yung iba naman ay may bitbit na karton .

Sigurado akong drugs ang mga iyon.

Hindi nila kami napansin kaya dahan dahan kaming pumunta sa may gilid ko saan may maraming karton na nakalagay.

Nang nasa likod na kami ng mga karton ay agad kong kinuha ang bag na nakasukbit sa bag ko tsaka binuksan ito at kinuha ang isang bomba.

Hindi lang ito ordinaryong bomba.

Idinikit ko ito sa may pader tsaka may pinindot don.

Nakatingin lang sa aking ginagawa sila Leonard.

Nang matapos ako ay sinabihan ko na siyang lumabas at humanap ng iba pang mapagtaniman ng bomba.

Nang maubos ang bomba na naitanim namin ay lumabas na kami.

"Nakalabas naba sila kuya Meyon?" Tanong ko sa taong kausap ko ngayon sa isang maliit na gadgets na nasa aking tenga.

"Oo, natanim narin nila ang mga bombang hawak nila." Sagot naman nito saakin.

"Sige sabihan mo silang pasabugin na ang mga ito." Sabi ko sa kanya.

"Masusunod Tony."  Sabi niya.

Maya-maya lang ay biglang may sunod-sunod na pagsabog ang nangyari at alam kung sila kuya ang may gawa non kaya pinindot ko narin ang remote na hawak ko tsaka sunod-sunod rin na pagsabog ang naganap sa loob.

Matapos nun ay nakita ko na ang iba kong kasama na sumugod na kaya wala narin akong inaksayang oras at sumugod narin.

Nakalimutan kasama ko pala si Leonard kaya nilingon ko ang likod ko kung nakasunod ba siya sa akin ngunit wala akong nakita ni anino niya kaya nagpatuloy nalang ako.

May dalawang lalaking nakasabong kong may hawak na baril at aktong babarilin nila ako ng mabilis kong mabunot ang baril na nasa may hita ko at pinapaputukan sila.

Tsk! Ang babagal.

Matapos kong mapatumba ang mga yun ay nagpatuloy na ako sa pagpasok.

Ngunit hindi paman ako nakahakbang ay may sumipa sa likod ko dahilan upang matumba ako at mabitawan ang hawak kong baril.

Mabilis naman akong tumayo at hinarap kung sino ang sumipa sa akin.

Nakita ko ang tatlong lalaking may tattoo sa mga balikat nila na simbolo na isa sila sa miyembro ng Poison Snake Gang.

So magkasabwat pala ang dalawang na yun ha.

Biglang sinugod ko nung isa at sinuntok ngunit nakaiwas ako tsaka ko hiniwakan ang kamay niyang ginamit sa pagsuntok sana sa akin tsaka ko ito pinilipit patalikod at sinipa ang mga binti nito dahilan upang maluhod siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na baliin ang leeg kaya ayon ,patay.

Sabay naman akong sinugod nung dalawang natira tsaka nila nagpalitan kami ng mga suntok at sipa.

Hindi rin nagtagal ay napatumba ko rin sila.

Nagpatuloy na ako sa pagpasok at may nakita akong pinto tsaka ko ito binuksan ngunit nagimbal ako sa dalawang taong nagapos at may busal ang mga bibig.

Halata mo rin dito ang mga pasa at sugat na natamo dahil siguro sa ginawang pagbugbog sa kanila.








"Ililigtas ko kayo Alice at Angel."

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon