Chapter 5

10.1K 467 8
                                    

"Kain na muna tayo , gutom na ako eh." Pagmamaktol ni Jenna sa amin.

Tsk! Makamaktol kala mo maganda.

Nandito kami ngayon sa mall , bonding time daw namin kasi naging busy nadaw kami sa pag-aaral nitong mga nakaraang araw.

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos yung insedenteng nangyari sa cafeteria.

Mula no'n ay wala ng magtangkang kalabanin o bullyhin kami maliban lang sa Groupo ni Dora the pokpoker.

Alam niyo ba Kung sino yang Dora the Pokpoker?

Sino pa ba? edi Yung limang babae na nakaaway namin nung first day of school.

Ito pa. Pati Yung limang famous na mga lalaki sa campus ay palagi rin kaming inaasar, nandyan Yung papatirin nila kami, yung babanggain nila kami tapos sila Yung magagalit.

Pero pinigil ko parin Yung sarili kong patulan sila.

Ayaw ko silang patulan hindi dahil sa natatakot ako sa kanila. Ayaw ko muna silang patulan dahil may nakalap kaming impormasyon na isa sa pinakamalakas na gang ay nag-aaral sa unibersidad Kung saan kami nag-aaral.

Baka kasi malaman ng gang na iyon na doon din kami nag-aaral sa unibersidad Kung saan sila nag aaral.

Kaya Kung maaari ay iiwas muna kami sa gulo.

-

"Alam niyo ,parang may nararamdaman akong kakaiba?"biglang mahinang sabi ni Meyon sa Amin habang kumakain kami ngayon dito sa Jollibee.

"Ako rin, parang kanina pa may nagmamatyag sa atin dito." Tugon rin Jenna.

Tahimik parin ako at patuloy lang sa pagkain.

Akala ko ako lang Yung nakapansin na parang may nagmamanman sa Amin.

Kanina ko pa napapansin simula nong pumasok kami sa mall.

Hindi ko lang pinahalata sa kanila at umaktong okay lang.

"Ikaw Tony, wala ka bang napapansin na parang may nagmamasid sa atin?" Baling sa akin ni Meyon.

"Kanina ko pa napapansin Yan."sagot ko sa kanya na para bang Wala lang sa akin kahit pa alam ko na may nagmamasid sa amin.

"Kung ganon bakit di mo sinabi sa amin.?" Takang tanong ni Jenna.

Tinignan ko lang sya ng blankong tingin pagkatapos ay ibinalik ko na Yung tingin ko sa aking pagkain.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nila at nagpatuloy nalang din sa pagkain .

Nang matapos na kami sa pagkain ay nag ikot-ikot pa kami sa mall .

Marami narin silang nabili at parang bodyguard lang nila  ako at tagabitbit ng mga pinamili nila.

Ng mapagod na ang dalawa ay napagsya na namin umuwi.

Buti naman at nakaramdam na sila ng pagod.

Kanina pa nangangalay tung kamay ko sa kabibitbit ng mga pinamili nila.

Ang sarap pag uuntugin ng mga ulo.

Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot at ramdam ko na naman yung parang may nakatingin sa Amin at nagmamasid.

At Alam Kung napansin narin ng dalawa yon.

Nagkatinginan kaming tatlo at para bang nag-uusap kami gamit ang aming mga tingin.

Sa halip na ituloy namin ang aming paglalakad patungo sa parking lot ay bigla kaming nag iba ng daan at tumungo  sa likod ng mall.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon