Chapter 11

8.3K 427 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko inaayusan para sa gaganaping party mamaya.

Siguro inaayusan narin Yung mga kaibigan ko ngayon.

"W-wow! A-ang g-ganda mo sis! " Sabi nung mga baklang nag ayos sa akin.

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin at masasabi ko ngang humanda pa ako at lalo pa akong nagmukhang babae.

Pilabas ko muna sila para suotin ang gown ko.

Yung napili kong gown ay pareho ng design nung gown ni Katriona Grey ang pinagkaiba lang ay kulay black ito na may pagka dark green.

Pagkatapos Kong magbihis ay expose na expose ang maputi at makinis Kong hita.

Lalo pa akong nagmukhang babae sa suot na Kung hindi mo talaga ako kilala ay mapagkakamalan mo talaga akong babae.

Pagkakita sa akin nung mga baklang nag ayos sa akin ay lalo pa silang namangha at medyo nakanganga pa Yung mga bibig nila kaya medyo napatawa ako.

"Graveh ka ghorl! Kinabog mo pa Yung mga tunay na babae jan sa ganda mo!" Sabi nung isang bakla.

"True ka jan sis! Pati Yung katawan niya ay babaeng babae talaga! Huhuhu sana mabiyayaan din ako ng ganyang kagandahan.!" Nag aasume na sabi naman nung isa.

Pagbaba na pagbaba ko ay nakita ko ang nakangangang si tita Andy ng makita ako.

Bigla naman siyang natauhan sa ng  nagkunwari akong umubo.

" G-graveh! ang g-ganda m-mo Tony !" Namamanghang sabi ni tita.

Ngitian ko lang siya at nagpaalam na aalis na dahil rinig ko na ang busina ng kotse sa labas, sigurado akong sina Jenna at Meyon na ang mga yun.

Paglabas na pagkalabas ko ng gate ay nakita ko agad ang mga kaibigan kong nasa labas ng kotse habang hinihintay ako.

Halata ang pagkamangha sa mga mukha nila ng makita nila ang hitsura ko.

Well, masasabi kong maganda rin naman talaga sila katulad ko.

"Wow! Ikaw ba yan Tony?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jenna sa akin.

"The one and only." Sagot ko at binigyan sila ng isang ngiti.

"Graveh! Ang ganda mo!" Namamanghang sabi naman ni Meyon.

"Kayo din." Sagot ko.

Pumasok na kami sa kotse at nagsimula ng bumayahe patungong school.

-

Pagbaba na pagbaba namin ng kotse ay kami agad ang naging center of attraction.

Babae man o lalaki ay nakatingin sa Amin.

Hindi na gaya nong tingin nila sa Amin na may halong pandidiri.

Yung tingin nila ngayon ay may pagkamangha sa Amin.

Marami ring mga nag flash sa Amin.

Nakita namin sila Angel at Alice sa may gilid at nakatingin rin sa Amin na may pagkahangha sa kanilang mga mukha.

Medyo nagulat pa silang dalawa ng lumapit kami sa kanila.

" Hi Angel and Alice." Nakangiting bati sa kanila ni Meyon.

"A-ahmm kilala niyo po kami?" Nahihiyang tanong sa amin ni Alice.

Napatawa naman sila Jenna at Meyon ng mahina ngunit ako ay naka fierce face parin.

Masasabi kong magaganda rin sila.

"Hahaha ! Ano ba kayo! Kami to! Si Jenna, Meyon at Tony.!" Natatawang sabi ni Jenna sa kanila.


😲
____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon