Chapter 14

8K 400 3
                                    


"Ang ating magiging Queen of the Night is no other Ms......................................Mr. TONY RAIN EMBASIO!"Nagulat naman ako sa sinabi ng MC.

A-ako? Ang Queen of the Night ?

Seriously?

Dahil sa sinabi ng MC ay nagsimula ng magbulong-bulongan ang mga tao sa loob ng gym sa sinabi ng MC.

Of course! Sino bang hindi mabibigla Kung ang magiging Queen of the Night ay isang lalaki, or should I say isang bakla.

"Well, sigurado akong nagtataka kayo Kung bakit gay ang napili naming Queen of the Night. Base kasi sa mga judges natin ay may makikita sila sa gay na ito. Hindi naman daw porket bakla siya ay hindi na siya pwedeng maging Queen of the Night. Alam niyo namang open sa mga kasali ng LGBT tong University natin? Walang pinipiling kasarian. Hindi ko Alam Kung bakit siya ang pinili ng mga judges Kung bakit siya ang piniling Queen of the Night pero sigurado akong may dahilan sila." Pagpapaliwanag ng MC kaya natahimik na Yung mga taong kanina lang ay parang bubuyog na nagbubulungan.

"So may we call the presence of our Queen of the Night here in stage para sabay kayong koronahan ng ating King of the Night."muling sabi ng MC sa stage.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at ginitian nila ako sabay tango na para bang nagsasabing 'go lang'.

Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dahan-dahan na akong tumayo at naglakad patungong stage.

Kita ko pa yong mga babaeng nadadaan ko na ang sama ng tingin sa akin na para bang gusto nila akong patayin.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy Lang naglakad papuntang stage.

Nang makarating ako sa stage ay Kita ko ang napakalaking ngiti sa sa mukha ni Leonard habang nakatingin sa akin.

Nang napansin Niya akong nakatingin sa kanya ay kinindatan Niya ako kaya inirapan ko Lang siya.

Sabay gaya nga ng sabi ng MC, sabay kaming kinoronahan ni Leonard.

Nang pababa na kami ng stage ay biglang pinulupot ni Leonard ang kanyang kanang kamay sa aking baywang.

Aktong tatanggalin ko na sana ang kamay ng higpitan Niya ito at tiningnan ako ng masama.

Hinayaan ko nalang siya.

Nang makarating kami sa aming table ay agad kaming nag 'congrats' sa amin ang aming mga kaibagan.

Tinutukso pa nila kami kaya hindi ko maiwasang mamula.

Pati sina Jenna at Meyon ay nakisama rin sa pagtukso kaya sinamaan ko sila ng tingin dahilan para matigil sila.

-

"Hatid na kita sa into."nakangiting alok sa akin ni Leonard.

"Wag na, kina Jenna nalang ako sasakay." Pagtanggi ko sa kanya.

"No! Ihahatid Kita and that's final." Final na sabi Niya sabay hila sa kamay ko papuntang parking lot.

Siya narin ang nagsabi sa mga kaibigan ko na sa siya na ang maghahatid sa akin pauwi.

Para namang bulating kinikilig ang mga kaibigan ko tsaka sila pumayag.

-

"Dito nalang ako." Sabi ko sa kanya ng makarating kami sa harap ng bahay ni Tita.

Huminto naman siya tsaka bumaba at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Wow ! Gentleman.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumaba.

"A-ahmmm salamat sa paghatid , Mauna na akong pumasok sa loob." Paalam ko sa kanya at aktong tatalikod na nang bigla niyang hinila ang kamay ko paharap sa kanya at naramdaman ko ang isang malambot na bagay na nakadikit sa aking labi.

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shit!

For the second time.

Naramdaman ko uli ang natikman ko uli ang labi Niya.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon