Chapter 24

6.1K 327 0
                                    

Kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga taong nakasaksi sa aking ginawa.

Hindi nila lubos akalain na ganon ako kabilis.

Well, deserve naman ng taong Yan Ang ginawa ko sa kanya.

Minaliit Niya ang kakayahan ko without knowing na ano Ang kaya Kong gawin.

Matapos Kong gawin sa kanya Yun ay lumabas na ako sa loob ng silid na Yun.

-

Nandito ako ngayon malapit sa harap Kung saan gaganapin ang Labanan ng Poison Snake at Demons Fire.

Sa labanang ito ay ang gang mismo nila ang pipili Kong Sino ang maglalaban.

Hindi kasi pwedeng sa sabay na maglaban ang dalawang gang.

Pipili Lang sila tapos Yung pinili nila ay siya ang lalaban.

Sigurado naman akong Yung mga leader Niya ang siyang maglalaban dahil ito Lang pinakamagaling sa kanila pagdating sa bakbakan.

Marami ring mga gang ang nandito at nanunood.

Yung iba pa ngay nagpupustahan Kung kaninong gang ang mananalo.

Nang magsimula na ang Laban ay rinig ko ang sigawan ng mga tao sa loob at sinisigaw nila ang gang na gusto nila.

Tinuon ko ang pasin ko sa panunood sa labanan nila at masasabi kong mahuhusay din sila pagdating sa larangan ng pakikipagbakbakan.

Nagdaan pa ang ilang sandali ay Kita Kong nanghihina na sila pareho ngunit mas nanghihina ang leader ng Poison Snake Gang.

Kita mo sa mukha nito na nahihirapan siyang patumbahin ang Leader ng Demons Fire Gang.

Ilang sandali pa ang lumipas at napatumba na ng Leader ng Demons Fire Gang Ang Leader ng Poison Snake Gang.

Tinalikuran naman Niya ang leader ng Poison Snake Gang at hinarap ang mga manunood sabay taas ng kanang kamay Niya na nagpapahiwatig na siya ang nanalo sa Laban.

Maya-maya pa ay hindi Niya napansin na bumunot ng patalim ang kalaban Niya at aktong sasaksakin siya nito Mula sa likod ng mabilis Kong kinuha sa bulsa ko ang isang maliit na karayom sabay pitik patungo sa dereksyon ng leader ng Poison Snake Gang.

Sapol naman ito sa leeg Niya at bigla nalang napatumba tsaka nawalan ng malay.

Kita ko ang gulat sa mukha ng leader ng Demons Fire Gang ng makitang natumba sa likod Niya ang kanyang nakalaban at ang mas lalong nagpagulat sa kanya ay may hawak itong patalim.

Pati Rin Ang mga manunood ay nagulat sa nangyari.

Tsk! Kahit naman galit ako sa kanya ay hindi ko naman gusting mamatay siya.

Natuon sa akin ang atensyon nila dahil Alam nila na ako Ang dahilan Kong bakit natumba nalang bigla Ang Leader ng Poison Snake Gang.

Napatingin Rin sa akin ang Leader ng Demons Fire Gang pati narin ang mga kasama Niya.

Kita ko sa mga Mata nila ang pagtataka kung bakit ko ginawa Yun.

Ang Alam kasi ng lahat ay ako Yung tipo ng tao na walang pakialam sa iba kahit pa ito ay mamatay sa harap ko.

Nakita ko ring tumingin sa dereksyon ko si Dexter na may ngising nakapinta sa kanyang mga labi.

Hindi ko nalang pinansin Ang mga tinging ipinukol nila sa akin at umalis nalang doon.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon