Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Leonard.
Hinihintay ko siyang matapos maligo sa banyo.
Inisip ko parin yung ginawa niyang pagpapakilala sa akin kanina kaya kami nandito sa bahay nila.
Sobrang kinabahan ako no'n ng nasa may hapagkainan na kami para kumain ng dinner.
Flashback:
"So ikaw ang boyfriend ni Leonard?" Seryosong tanong sa akin ng mommy ni Leonard.
Napulunok muna ako ng laway bago sumagot.
"O-Opo m-ma'am."utal kung sagot dito dahil sa kabang nararamdaman ko.
Tahimik lang nakikinig sa amin ang daddy ni Leonard at si Leonard.
Pansin kong kanina pa nagpipigil ng tawa si Leonard habang pasulyap-sulyap sa akin.
Anong nakakawa?
Kinakabahan na nga ako dito tapos nagagawa pa niyang pagtawanan ako.
Mamaya ka sa akin.
Maya-maya pa ay hindi na napigilan ni Leonard ang tawa niya .
Narinig ko ring natawa ng mahina ang daddy ni Leonard.
Nagtataka ko silang tiningnan.
Anong nakakatawa.
"Hahaha! Ikaw talaga mom ! Tinatakot mo tong babe ko." Tumatawa paring sabi ni Leonard kaya pasimple ko siyang kinurot.
"A-arayyyy! Babe! Ba't mo ko kinurot?" Nagmamaktol nitong tanong sa akin.
Pinandilatan ko lang siya ng pero ang gago ,mas lalo pang natawa kaya nakaramdam na ako ng inis sa lalaking to.
Tiningnan kong muli ang mommy ni Leonard at ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng nakingiting mukha.
"Ramdam kong mahal na mahal ninyo ang isa't-isa kaya hindi na ako tututol sa inyo. Ayaw ko namang hadlangan ang kaligayahan ng anak. Hindi ako namimili sa kung sino man ang magiging karelasyon niya as long as masaya siya. Ang maging maipapayo ko lang ay pagtibayin niyo ang pagtitiwala sa isa't-isa . Sabay niyong harapin ang problemang kakaharapin niyo at wag na wag kayong bibitaw." Sabi sa akin ng mommy ni Leonard na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin ganon din ang daddy.
"Ganon din ako, susuportahan ko ang anak ko kung saan siya masaya kaya tanggap ko ang relasyon ninyo." Nakangiti ring sabi ng daddy ni Leonard.
I never thought na ganito pala kabait ang mga magulang ni Leonard.
"Maraming salamat po ma'am and sir sa pagtanggap ng relasyon namin." Nakangiti ko ring pagpapasalamat sa kanila.
"Walang anoman yun ijo ,and don't call as ma'am and sir . Just call us tito and tita." Sabi sa akin ng mommy ni Leonard.
"Sige po t-tita." Sagot ko dito.
Masaya kaming kumain ng dinner namin.
Madali ko lang din nakapaggaanan ng loob ang kanyang mga magulang dahil sa kaibaitan ng mga ito at ipanakita talaga nila sa amin na masaya sila sa relasyong meron kami ni Leonard.
End of Flashback.
Natigil ako sa pagbabalik tanaw ko sa mga nangyari kanina ng bumukas ang pinto ng banyo tsaka inilabas nito ang isang nilalang na kaakit-akit.
Napatingin ako sa malapad niyang mga dibdib pababa sa kanyang 6 packs abs at kita ko pang may mga munting tubig na tumutulo dito na naging dahilan upang mas lalo siyang naging kaakit-akit sa paningin.
Parang bigla akong nakaramdam ng init sa katawan ko at nadagdagan pa ito ng mapatingin ako sa boxer shorts niya at kita ko ang pagbukol nito na kahit natutulog pa ay mahahalataan mo talagang malaki ito.
Napalunok ako ng ilang beses bago ko itinaas ang tingin ko sa mukha niya na ngayon ay nakangiti.
"Enjoying the view?" Nakangising tanong nito sa akin.
Ramdam kong nag-iinit ang aking mga pisngi dahil sa sinabi niya.
Gosh! Nakita niya akong natulala sa katawan niya.
Sino ba namang hindi matutulala sa aking kakisigan ng lalaking ito.
Inirapan ko nalang siya tsaka nagmadaling pumasok sa loob ng banyo.
Rinig ko pa ang tawa niya sa labas ng banyo ng makapasok na ako.
Shit! Nakakahiya.
Hinubad ko na ang aking mga saplot tsaka ako naligo.
Ilang minuto rin ako sa banyo bago ako lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya.
Napatitig sa akin si Leonard ng makita niya akong lumabas galing sa banyo.
Naka boxer parin siya at wala pang suot na pang- itaas.
Napatitig siya simula sa dalawa kong makinis at maputi na hita pataas sa aking dibdib at nagtagal ang tingin niya sa aking mga nipples.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya naman pumunta ako sa closet niya upang maghanap ng susuotin ngunit nagulat ako sa ginawa niya.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.