Chapter 23

6.2K 337 0
                                    

Matapos sabihin ng Head nitong Blood Hall Gang ang mangyayaring labanan sa pamamagitan ng gang ng Poison Snake at Demons Fire ay lumabas na siya ng silid kasama ang mga boddy guards at iniwan kaming limang gang dito sa loob.

Maya-maya pa ay lumapit sa amin ang leader ng Black Tiger gang.

"Himala at nagpakita pa ang gang ng Blood Moon , akala ko ay patay na ang gang na ito." Nakangising sabi Niya sa harapan naming apat.

"Hindi ko Alam na may sapi pala sa utak ang leader ng Black Tiger at kinakausap Niya Yung sarili niya ng walang dahilan." Natatawang sabi ni Jenna.

Rinig ko pa yung iba na natawa sa sinabing Yun ni Jenna.

Kita ko naman ang pagtiim bagang ng leader ng Black Tiger tsaka Niya nilapitan si Jenna.

"Anong sabi mo?!" Galit na tanong nito kang Jenna habang nakatingin siya Tito ng matalim.

"Tsk! Hindi ko Alam na bukod sa may sapi sa utak ang leader ng Black Tiger gang ay bingi Rin pala ito." Pang aasar ni Jenna dito at hindi alintana ang nakitang galit sa mukha ng leader ng Black Tiger Gang.

Napangisi ako sa nakitang reaksyon sa mukha ng leader ng Black Tiger Gang.

Mabilis na sinugod ng leader ng Black Tiger Gang si Jenna at aktong susuntukin na Niya ito ng magsalita ako.

"Subukan mong ituloy yang kamao sa katawan ng ka gang ko at sisiguraduhin kong pagsisisihan mong binuhay kapa." Malamig at may banta na sabi ko sa kanya habang tiningnan siya ng blankong tingin.

Kita ko ang paglitaw ng kaba at takot sa kanyang mukha ng sabihin ko ang mga katagang yun pero pilit niyang tinatago ang mga ito at taas noong tiningnan ako.

"H-hahaha ! Tinatakot mo ba ako." Matapang na sabi nito sa akin at pilit parin niyang tinatago ang kaba at takot na kanyang naramdaman.

Napangisi ako sa kanyang tinuran.

Mukhang hindi talaga ako masyadong kilala nang isang to at kung makaasta ay akala mo kayang-kaya niya lang Yung kaharap Niya.

Kita ko sa gilid ng mga mata  ko na nakatitig sa Amin Ang mga  gang na nandito sa loob lalong lalo na ang gang ni Leonard at Dexter.

Tumayo ako at hinarap siya ng hindi parin inaalis ang ngisi na nakapaskil sa mukha ko.

Napaatras naman siya ng kunti ng naramdaman niyang unti-unti akong lumalapit sa kanya.

Kitang kita ko ngayon na medyo nanginginig Ang mga tuhod Niya sa pinakita Kong presensya sa kanya.

Kita ko naman sa gilid ng mata ko na napangisi si Dexter sa aking tinuran habang si Leonard naman at ang mga ka gang Niya ay nakatutok parin sa amin ang atensyon habang hinihintay Ang mga susunod na mga mangyayari.

"Ayaw Kong sayangin ang lakas ko sa taong walang ka kwenta-kwenta."walang ganang sabi ko at tinalikuran na siya.

Naramdaman ko sa likuran ko na parang may tatama sa Kaya bago pa dumapo ang kamao Niya sa akin ay nakasalampak na siya sa sahig.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon