Anong ginagawa ni Leonard dito?
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami.
Paglabas namin ng kotse ay Kita ko agad ang napakalaking gym.
Kung titignan mo ito Mula dito sa labas ay para itong isang Luma at abandunado.
Bago kami pumasok sa gym ay sinuot muna namin ang aming mga maskara.
Kailangan namin ito upang hindi kami makilala.
Nang makalapit na kami sa entrance ng gym ay agad kaming pinapasok ng mga nagbabantay na mga lalaki dito sa labas ng makita nila ang suot naming uniforme.
Talagang kilalang kilala na nila gang.
Nang makapasok kami sa loob ay Kita ko agad ang iba't ibang grupo ng gang na nasa loob.
Yung ibang gang ay naglalaban na si Stage.
Kita ko pa yung gulat sa mga mukha nang mga gang na makakakita sa Amin.
Sino bang hindi magugulat?
Isa sa pinakamalakas na gang na matagal ng walang paramdam ay makikita mo nalang bigla dito sa loob ng Blood Hall Gang.
Napangisi ako sa nakitang reaksyon sa mga mukha nila.
Talaga ngang hindi pa nila kami nalilimutan.
Dumiretso kami papunta sa kwarto Kung saan para lamang sa may pinakamataas na rango
Ng gang ang pwedeng pumasok.Kita ko pa Yung gulat sa mukha ng nagbabantay sa labas ng kwarto ng makita nila kami.
Hindi nalang sila pinansin at inutusang buksan na ang pinto.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay sa Amin agad napunta ang atensyon ng mga tao sa loob.
Kita ko ang gulat sa mga mata nila kahit nakamasra sila.
May iba pang napapaatras sa ng makita kami na tila ba hindi makakapaniwala.
Pansin Kong completo na sila dito sa loob at kami nalang ang kulang.
Kita ko si Leonard at ang mga ka gang Niya sa may gilid na nakatitig sa amin.
"Wow! Hindi ko inaasahan na darating ngayon ang Isa sa pinakamalakas na gang! Ang Blood Moon Gang!" Rinig ko pang sabi nung isa sa mga members ng Purple Cat Gang.
Lahat nang nandito sa loob ay kabilang sa mga kasali sa top 5 ng malalakas na gang.
Top 5 ay ang Black Tiger Gang.
Top 4 ay ang Poison Snake Gang.
Top 3 ay ang Demons Fire Gang.(Gang nina Leonard)
Top 2 ay Ang Whiteshadow Gang.
Top 1 ay ang Blood Moon Gang which is kami.Hanggang sa makaupo kami sa pwesto namin ay saamin parin sila nakatingin.
Nagkunwari naman si Jenna na naubo siya Kaya natauhan sila tsaka nagsiiwasan ng tingin sa Amin.
Ramdam ko na may nakatingin sa akin sa pasimple Kong nilibot ang patingin ko at nakita ko Kung Sino ito.
Nangmagtama ang aming mga mata ay nakipagtitigan ako sa kanya.
Bumalik na naman sa isip ko Yung nakita ko sa mall nung nakita ko siya sa mall na may kasamang babae.
Nakaramdam na naman ako ng tila parang may tumutusok na naman sa akin puso.
Ako na ang unang umiwas ng tingin.
Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
Sa pag iwas ko ng tingin ay tsaka naman dumako ang mga mata ko sa taong kanina parin pala nakatitig sa akin.
Walang iba kundi ang Leader ng Whiteshadow Gang.
Si Dexter.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.