Chapter 33

6K 304 2
                                    


"Handa na ba ang lahat para sa gagawin nating pagsugod?" Tanong ko sa kanila.

Tango lang ang naging sagot nila.

Nagsimula na kaming bumyahe patungo sa campo ng Whiteshadow Gang.

Hindi na ako makapaghintay na mapatay ang demonyong yun.

Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagpatay sa mga magulang ko.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami ngunit hindi kami hunminto sa mismong campo nila.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagulat ako sa aking nakita.

Anong ginagawa nila dito?

Tiningnan niya ako at tiningnan ko rin siya.

Hindi ko mabasa ang halo-halong emosyon sa kanya mga mata.

Ako na ang unang umiwas sa titigan namin at hinarap sina Jenna.

"Sinong nagpapunta sa kanila dito?" Galit kong tanong sa kanila.

Nakita ko si Jenna na nginitian ako ng pilit.

"Ah eh . Hehehe tinawagan ko sila kanina para pasamahin sa atin dahil sigurado akong malaki rin ang maitutulong nila." Alanganing sagot sa akin ni Jenna.

Binaling ko kina Leonard ang tingin ko at sa mga ka gang niya.

" Makakaalis na kayo. Hindi namin kailangan ng ano mang tulong niyo." Madiin kong sabi sa kanila.

"Ngunit Tony malaki ang maitutulong nila sa atin!" Sambit naman ni Kuya Aljon.

"Oo nga Tony,  mas marami mas malaki ang chansa nating matalo ang kalaban. Isantabi muna ninyo ang personal niyong problema . Mamaya niyo na yan pag-usapan pagnatapos na ito ." Pagsang- ayon naman ni Meyon.

Siguro tama siya.

Mas marami mas malaki ang chansa naming manalo.

Napabuntong nalang ako ng  hininga tsaka nagtungo na ang bag na may lamang mga bomba.

Isinukbit ko na ito sa aking likod tsaka binalingan si Meyon.

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo." Seryosong tanong ko dito.

Tinanguan ako nito bilang sagot kaya binalingan ko sina Kuya Aljon, Kuya Alfed at Jenna.

" Kayo Kuya Alfred at Kuya Aljon don sa kaliwa , kami naman ni Jenna ay dito sa kanan. " Sabi ko sa kanila tsaka tinitingnan ang iba naming kasama maliban kina Leonard.

"Maghintay muna kayong sumabog ang bombang itatanim namin sa loob bago kayo sumugod." Sabi ko sa kanila.

Bigla naman nagsalita si Leonard.

"Ako nalang ang sasama sayo Tony , mas kailangan si Jenna dito para may assistant Meyon dito kung sakali mang magkaproblema." Sabi niya sa akin.

Tatanggi pa sana ako ng magsalita si Meyon.

"Tama si Leonard , kailangan ko si Jenna dito." Sabat naman ni Meyon kaya wala na akong nagawa kung hindi sumang ayon.

Nauna na ako sa kanila at naramdaman ko namang nakasunod lang sa akin si Leonard.

Nang makarating kami sa mismong kampo nila ay seninyasan ko si Leonard na mag-ingat .





____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon