Chapter 25

6.1K 321 1
                                    


"Bunso!" Rinig Kong sigaw ng dalawang lalaki pagpasok ko sa loob ng bahay.

Napangiti ako ng makita sila Kuya Aljon at Kuya Alfred na tumatakbo papunta sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap Kaya niyakap ko Rin sila pabalik.

"Namiss ka namin bunso!" Masayang sabi sa akin Nina Kuya Alfred at Kuya Aljon ng naghiwalay kami sa aming yakapan.

"Namiss ko Rin kayo mga Kuya." Sagot ko sa kanila at muli laming nagyakapan.

"Oh sya! Tama na Yan at kumain na tayo, mamaya na kayo magkwentoha ." Saway samin ni tita NG makita Niya kaming hindi pa naghihiwalay sa pagyayakapan.

"Ang laki mo na Tony ah, mas lalo kang naging maganda at nagmukhang babae." Sabi sa akin ni Tito Arman habang nagsasandok ng kanin.

"Sinabi mo pa dad! Siguro nga marami nang manliligaw Yang si Bunso ngayon eh!" Segunda naman ni Kuya Aljon.

Manliligaw? Hahahah.

Kung alam niyo Lang na Wala akong manliligaw dahil boyfriend Ang meron ako.

"Anong manliligaw ka Jan? Eh may boyfriend na nga yang si Tony eh." Pagsabat naman ni Tita.

Kita ko ang gulat sa mukha ng dalawa Kong Kuya at ni Tito Arman at sabay nila akong tiningnan Kaya napayuko ako habang namumula Yung mga pisngi ko.

Tung si tita talaga pahamak.

"Totoo ba yang sinabi ni Mommy bunso." Seryosong tanong sa'kin ni Kuya Aljon.

Nahihiya naman akong tumango nang hindi parin tumitingin sa kanila.

"Gusto naming makilala Ang lalaking ito." Seryoso namang segunda ni Kuya Alfred.

Pa'no nato?

Hindi ko pa kayang harapin si Leonard.

"Ahmm, sige po kuya." Pagsang ayon ko nalang kahit labag sa kalooban ko.

Alangan namang sabihin kong 'hindi pwede kasi nag-away  kami'.

Tsk!

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna akong aakyat muna sa kwarto ko at magpahinga.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay hinubad ko agad ang saplot ko sa aking katawan saka pumasok sa loob ng banyo upang maligo.

Habang ninanamnam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa aking katawan habang nakapikit ay biglang pumasok sa isip ko Yung nakita ko sa mall.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko sa tuwing naaalala ko yun.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kong anu-anong mga negatibo.

Napikit ako ng mariin at pilit inalis sa isip ko yung mga bagay-bagay na gumulo dito.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako tsaka nahiga sa kama.

Nang ipipikit ko na sana ang aking mga Mata ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag dito.

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay unknown number ang nakalagay.

Kumunot naman ang na noo ko dahil maliban sa mga kaibigan ko at kina tita ay wala na akong ibang binigyan ng number ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay sinagot ko padin.

Hinintay kong magsalita ang taong nasa kabilang linya ngunit wala yatang planong magsalita ito kaya naglita na ako.

"Hello? Sino to?"tanong ko sa taong nasa kabilang linya.

"Tony." Sabi ng isang baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya na sobrang pamilyar sa akin.

"Leonard." Yan ang salitang lumabas sa aking bibig.

Saan niya nakuha ang number ko?

Hindi naman siguro ang mga kaibigan ko ang nagbigay dito dahil sinabi ko sa kanilang huwag ibigay ang number ko kahit kanino lalung-lalo na kang Leonard kaya nakakapagtaka kung saan niya nakuha ang number ko.

"Nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin? Kung hindi pa ako dumalaw diyan sa inyo at kung hindi pa sinabi sa akin ni tita na nagbakasyon ka kasama ang mga kaibigan mo ay hindi ko malalaman." Mahabang sambit nito nito.

Si tita Rin siguro ang nagbigay sa kanya ng number ko kaya siya nagkaroon nito.

"Ahmm ehh-, hindi na ako nakapagpaalam sa iyo dahil biglaan ang naging payaya sa aki. Ng mga kaibigan ko , hindi rin kita matawagan dahil nasira yung cellphone ko pati yung sim card ko tsaka wala ding signal doon sa pinagbakasyonan namin." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ako nagparamdam sa kanya nitong mga nakaraang araw.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon