Chapter 32

6.1K 320 0
                                    


" Okay so ganito iyon, mamayang alas dose ng hating gabi tayo susugod para naman hindi tayo masyadong mapansin dahil madilim, ikaw naman Meyon ay e hack mo ang kanilang security system lalong lalo na ang mga CCTV nila , ikaw ang magsisilbing mata namin para sa gagawing pagtanim ng bomba sa kanilang campo, at sa oras na sumabog na ang bomba ay tsaka natin gagawin ang ating pagsugod sa kanila dahil sigurado akong maraming mababawas sa mga tauhan nila at ang iba ay manghihina na dahil sa matatamong pinsala.  Alam kong nag-aalangan kayong sumugod mamayang hating gabi dahil masyadong madali ngunit wala na tayong oras pa dahil alam kong sa mga oras na ito ay nagpaplano na rin sila Arnold sa gagawin nilang pagsugod sa atin. Kaya habang maaga pa ay kikilos na tayo bago pa nila tayo maunahan." Sabi ko sa kanila.

Kita ko naman sa mga mukha nila na sang ayon sila sa aking  plano.

"Ang galing mo talagang mag-isip ng mga plano pagdating sa mga ganitong sitwasyon Tony!" Puri sa akin ni Jenna.

"Hindi ka lang sa pala sa pakikipaglaban magaling bunso kundi narin sa pagbuo ng mga ganitong plano. Kaya proud na proud kami ng kuya Alfred mo sayo." Segunda naman ni Kuya Aljon .

Ngitian ko lang sila tsaka sinabihan na maghanda na sa gagawing pagsugod namin mamaya.

Pansin ko namang kanina pa tahimik na walang imik si Thoper habang nakikinig.

Hmmmm. Mukhang alam ko na ang dahilan.

Kaya nung nag-sialisan na sila para maghanda ay pasimple kong sinundan si Thoper.

Nang makarating siya sa likod ng bahay nila Jenna ay kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa.

Hindi niya alam na nandito ako sa likod niya.

Nang aktong e da-dial na niya ang number na tatawagan niya ay hinablot ko ang kanyang cellphone na siyang nagpagulat sa kanya.

Kita kung bigla siyang natakot at kinabahan kaya napaatras siya ng kunti.

"Maaari ko bang malaman kung sino ang tatawagan mo Thoper?" Nangisi kong tanong sa kanya.

Kita ko ang panginginig ng mga tuhod niya dahil sa pinaghalong kaba at takot na kanya naramdaman.

"T-tatawagan k-ko lang s-sana y-yung ano y-yung mga m-magulang ko sa p-probensya para k-kumustahin." Pa utal-utal niyang sagot sa akin.

"Sa pagkakaalam ko , wala kanang mga magulang at mga kapatid dahil namatay sa nangyaring aksedente, tinakwil ka na rin ng mga kumupkop sayo kaya sinong pamilya ang tatawagan mo sa probensya?" Mas lalo pa siyang kinabahan sa mga sinabi ko.

"Alam mo namang alam ko ang naging buhay at ang mga nangyari sa buhay mo bago Kita pinasali sa gang ko diba?" Malamig na sabi ko sa kanya habang unti-unting lumalapit habang siya naman ay napapaatras.

Nakita kong pasimple niyang kukunin ang baril sa likod niya ng mabilis kong nahawakan ito.

Mas lalong nadagdagan ang panginginig ng katawan dahil sa takot at kaba.

Unti-unti Kong nilapit ang bibig ko sa may tenga niya tsaka bumulong.

"Alam mo naman siguro na sa lahat ng ayaw ko ay yung tatraydorin ako hindi ba?" Bulong ko tsaka unti-unting kinuha ang baril na nakaibit sa likod niya.

"Kaya kailanganan mong harapin ang magiging kaparusahan mo sa ginawa mong pagtatraydor sa akin."dagdag ko tsaka ko siya hinarap at itinutok sa kanya ang baril.

Hindi parin sa nakapagsalita dahil siguro sa takot na lumukob sa kanya.

Kaya naman binaril ko ang kanyang dalawang tuhod na naging dahilan upang mapasigaw ito sa sakit na naramdaman.

Bigla namang nagsidatingan yung ibang mga ka gang ko pati narin ang dalawa Kong kuya at sina Jenna at Meyon.

Halata ko sa mukha nila ang gulat dahil siguro sa nakita nila.

Binaling ko ang tingin ko sa harapan kung saan nakahandusay ang namimilipit sa sakit na si Thoper.

"Hindi naman ako ganon kamasa para patayin ka." Sabi ko bago binalingan ang mga ka gang ko.

"Ikulong niyo ang traydor na yan at wag niyong hayaan na makatakas." Sabi ko sa kanila tsaka umalis doon.

Hindi ko na pinansin pa ang pagkatulala nila kuya at nila Jenna at Meyon.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon