Chapter 8

9.3K 430 0
                                    


Niyakap naman ako ni Jenna at ni Meyon kaya tuloy-tuloy na ang pag agus ng luha sa aking mga mata.

Palagi ko nalang napapanaginipan ang aking masalimuot na nakaraan.

"Shhhh, tahan na sigurado akong makakamit mo rin ang hustisya at magantihan ang mga taong pumatay sa iyong mga magulang." Pang -aalo sa akin ni Jenna.

"Nandito lang kami, hindi ka namin iiwan." Tugon naman ni Meyon.

Pinunasan ko na ang aking mga luha at kumalas na sa kanilang pagkakayakap sa akin.

"Salamat sa inyong dalawa." Sabi ko sa kanila at nginitian sila.

Ngumiti rin sila pabalik at niyakap na naman ako.

Pagkatapos ng aming dramahan ay bumalik na kami sa aming pagkakatulog.

-

"Class dismissed."  Sabi ng aming huling guro at lumabas na ng silid.

Lumapit agad sa akin sina Angel at Alice.

"May susuotin na ba kayo sa darating na party ngayong Friday?" Biglang tanong sa Amin ni Alice.

Tumingin naman sina Jenna at Meyon sa kanila na at makikita mo sa mukha nila ang pagtataka.

"Party? Anong party?" Nagtatakang tanong ni Jenna sa kanila.

"Hindi niyo Alam? Kada anniversary kasi ng unibersidad na 'to ay may gagawing party para sa pagdiwang ng nadagdag na taon dito." Paliwanag naman ni Angel.

Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Jenna at parang may naisip na plano.

Tiningnan Niya si kaming dalawa ni Meyon at halata sa kayang mukha ang pagka excite sa magaganap na party.

"Ganon ba?! Omg ! Matagal-tagal narin simula nung pumunta ako sa isang party." Sabi ni Jenna at halata parin sa kanyang mukha ang excitement.

"Kayo may masusuot na ba kayo ?" Baling naman ni Meyon kina Alice at Angel.

"Oo naman!" Sabay na sabi nung dalawa.

Hindi ko nalang sila pinansin at niyaya ng kumain sa cafeteria.

Kanina pa kasi ako gutom na kasi ako.

Habang naglalakad kami ay biglang may limang lalaking humarang sa aming daraan.

"Ano na naman ba ang sadya niyo.?" May inis na tanong sa kanila ni Jenna habang nakataas ang kanang kilay.

" Chill! Nandito kami para itanong sa into Kung may mga escort na ba kayo ngayong friday." Sabi ni Sam. Ang mukhang chickboy sa kanilang lima.

"Bakit niyo naman matanong aber?" Mataray ring tanong ni Angel.

Wow! Hindi ko Alam na mataray rin pala ang isang to.

"Gusto kasi naming naging escort niyo ngayong Friday." Nakangiting sabi naman ni Brent. Ang mukhang jolly sa kanilang Lima.

"Paano Kung ayaw namin?" Sabi naman ni Jenna.

" Limang lalaking gwapo na sikat sa unibersidad na ito ang magiging escort tapos aayaw pa kayo?" Mayabang na balik naman ni Mateo. Ang mayabang sa kanila.

Pansin Kong kanina pa nakatingin sa akin si Leonard
,Yung nakabanggaan ko ngunit hindi parin nawawala ang pagkaseryoso sa mukha nito.

Hindi ko Alam pero parang may iba Yung tingin Niya sa akin, di ko ma explain Kong ano.

Hindi ko nalang siya pinansin at iniwas ko Yung tingin ko sa kanya.

"Would you like it or not ,kami ang magiging escort niyo ngayong Friday and that's final." Biglang sabi ni Leonard sabay alis.

Sumunod naman agad sa kanya yung apat.

"Ano kayang nakain ng mga Yun at naisipan nilang naging escort natin ngayog Friday?" Nagtatakang tanong ni Alice.

"Baka pinagtitripan lang tayo ng mga yun, at baka may masama na naman silang gagawin." Sabi ni Angel.

"Wag niyo na Yung isipin . Halina  na kayo at kanina pa ako nagugutom." Sabat ni Meyon kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa cafeteria.

Hindi parin mawala sa isip ko Yung mga tingin ni Leonard sa akin.

Hindi ko Alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan Kong bakit.

Arggg! Ano ba to?

Bat ko ba sya inisip?

Tsk!

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon