"Guys may plano ako sa darating na party ngayong Friday!" Na e-excite na sabi ni Jenna sa aming dalawa ni Meyon.
Nandito kami ngayon sa bahay.
Kakauwi lang namin galing school.
"Ano na naman ba yang binabalak mo?" Tanong naman ni Jenna sa kanya.
Tumayo naman so Jenna at pumunta sa harapan na para bang mag rereport.
Tsk! Kailangan ba talagang pumunta pa sa harap para sabihin Yung binabalak Niya?
Pwede naman niyang sabihin kahit nakaupo lang siya.
Tung babae talagang to.
" Okay guys makinig kayo sa akin.... Sa darating na party ngayong Friday ay gugulatin lahat ng tao sa school... Hindi na tayo magpapanggap bilang nerd , ipakita natin sa kanila kung ano talaga ang totoo nating itsura." Pagpapaliwanag sa Amin ni Jenna.
"Agree ako Jan sis! Mukhang maganda yang naisip mong plano!" Excited namang turan ni Meyon.
O tingnan mo tong isang to.
Palagi talaga siyang sang ayon sa mga balak nitong si Jenna.
Haixts!
Tiningnan naman ako ni Jenna na may pagtatanong sa kanyang mukha.
"Ikaw Tony? What do you think my plan?" Tanong Niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya tsaka tumango.
Sabay naman silang napa 'yes' ni Meyon.
Ayaw ko kasing maging ganito.
Ayaw ko na ng magbihis nerd.
Pinagplanuhan namin Yung sususotin naming gown ngayong Friday.
Yes, magga-gown ako.
Okay Lang naman sa akin dahil gusto ko rin naman makapagsuot ng ganon.
-
Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant .
Dito kasi namin napiling kumain pagkatapos naming makabili ng mga gown.
Habang kumakain kami ay naramdaman Kong parang may nakatingin dito sa dereksyon namin.
Pasimple Kong inilibot yung paningin ko at nagtama ang tingin namin ni Leonard na nasa kabilang mesa sa may gilid kasama Yung apat na lalaking barkada Niya.
Bakit naman kaya siya nakatingin sa dereksyon namin?
Or should I say , sa akin mismo.
Ganon parin Yung mga tingin Niya sa akin.
Kakaiba parin.
Yung tipong hindi ko maexplain Kong ano.
Bigla na naman bumilis ang pagtibok ng aking puso habang nagkatitigan parin kami.
Ano naman ba to?
Bakit sa tuwing magkakatitigan kami ay bigla-bigla nalang bumibilis ang pagtibok nito.
Hindi ko mawari Kung bakit pero ngayon ko lang to naranasan.
Yung pakiramdam na hindi ko mapaipaliwanag Kung ano.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Ficção AdolescenteBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.