Gusto ko ring siya mismo ang magsabi sa akin kung ano yung nakita ko sa mall at ang ginawang pagsisinungaling niya sa akin."Ah ganon ba? Nasaan ka ngayon? Nakauwi ka na ba? " Tanong nito sa akin.
"Oo kanina lang, sige na magpapahinga na muna ako at hindi pa ako nakakapagpahinga mula kaninang dumating ako dito dahil napasarap ang kwentuhan namin ng mga pinsan ko." Pagpapaalam ko dito.
Rinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong hininga niya.
"I miss you and I love you, sige good night ." Hindi ko na siya sinagot at pinatay ko na ang tawag.
-
Naglalakad kami ngayon nina Jenna at Meyon dito sa pathway ng University patungon sa classroom namin.
Habang naglalakad kami ay may narinig ako sa grupo ng mga babae sa gilid na nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.
Napahinto rin ang dalawa kong kaibigan tsaka nila ako tiningnan ng may pagtataka.
Hindi ko sila pinansin at lumapit pa ako ng kunti sa grupo ng mga babae.
" Oo nga, siguro nagkabalikan na talaga si Leonard at Shantal nakita ko sila kanina sa may gate na sabay silang lumabas ng sasakyan ni Leonard tsaka hinatid pa siya ni Leonard hanggang sa classroom nila and take note! Hinalikan pa ni Shantal si Leonard sa pisngi bago ito nagpaalam." Sa mga narinig sa kanila ay tila nabato ako sa kinatatayuan ko.
Nakaramdam na naman ako na parang pinipiga ang puso ko ng marinig ko ang mga yun.
Si Leonard at Shantal magkasabay na pumunta dito sa unibersidad tsaka hinatid pa niya ito hanggang sa classroom nito at hinalikan pa siya sa pisngi?
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa mga narinig ko.
Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko lang na wag kumawala ang luhang nagbabadya ng tumulo sa aking mga mata.
Ayaw kong ipakita sa ibang tao na umiiyak ako.
Nagkabalikan na ba sila ni Shantal?
Maraming katanungan na nabubuo sa utak ko na nais mahanap ang mga sagot.
Nang tingnan ko ang mga kaibigan ko ay kita ko sa kanila ang pag-aalala sa akin.
Alam kong narinig din nila ang mga narinig ko.
Walang lingon-lingon ay tumakbo ako ng mabilis patungo sa kung saan.
Rinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na umaakyat sa hagdan patungo sa rooftop ng lumang building kung saan ko sinagot si Leonard.
Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.
Nang buksan ko na sana ang pintuan sa silid kong saan ko sinagot si Leonard ay napahinto ako dahil may naririnig akong ingay at mahinang ungol dahil sa loob.
Nakabukas rin ng kunti ang pinto kaya rinig na rinig ko ang mahinang ungol na nagmumula sa loob.
Dahil narin sa kuryosidad ay binuksan ko ng kunti ang pinto at nag-iingat na hindi makagawa ng anumang ingay.
Nang sumilip ako sa loob ay doon na bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Bakit?
Bakit nagawa sa akin ni Leonard ito?
Kitang-kita ko sa loob ang ginagawang paghahalikan ni Shantal at Leonard sa loob.
Klasi-klasing emosyon ang nararamdaman ko nang masaksihan ko ang ginawang pagtataksil sa akin ni Leonard.
Sakit,lungkot,galit at puot.
Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi nila marinig ang aking paghikbi.
Dahan-dahan akong tumalikod tsaka tumakbo palababa upang makalabas sa lumang building na iyon.
Walang hiya siya !
Manloloko!
Sinungaling!
Sinisiguro kong hindi na niya ako maloloko pa.
Dapat pala hindi ako nagtiwala sa manlolokong lalaking iyon.
Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawang panloloko sa akin.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.