Chapter 38

6K 300 6
                                    

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa sala habang yung  ibang bisita naman ay nasa labas kung saan dinaraos ang simpleng party ko.

Masaya kaming nagkekwentohan ng iba't-ibang bagay tungkol sa kung anu-ano.

Nga pala, humingi na rin ako ng patawad kina Angel at Alice dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi na sana sila nadamay pa.

Naindihan naman nila ako at mabilis na napatawad.

Hindi naman daw sila galit sa akin eh at sinabi nilang kalimutan nalang daw ang nangyari.

Ilang sandali pa ay may dumating na hindi ko inaasahang bisita.

Sina Leonard at ang apat niyang kaibigan.

Hindi lang yun.

Kasama pa niya ang babaeng naging kahalikan niya noon sa rooftop. Ang ex niyang si Shantal.

Napayuko ang babae ng makita niyang nakatingin ako sa kanya ng seryoso.

Binaling ko ang tingin kay Leonard ngunit agad din akong nag-iwas ng makitang nakatingin rin pala siya sa akin.

Unti-unti naman silang lumapit sa gawi namin.

"Ehemm! Mukhang kailangan nila ng privacy upang makapag-usap guys kaya kailangan muna natin silang bigyan ng oras para ayusin ang dapat na ayusin." Biglang sabi ni Jenna tsaka tumayo.

Ganon din sina Meyon,Alice  at Angel.

"Kayo naman ay sumunod sa amin." Baling niya sa makaibigan ni Leonard at umalis na sila.

Nang kami nalang tatlo ni Leonard at Shantal ang natira ay walang nagsalita sa amin at nanatiling tahimik.

Parang wala silang balak magsalita kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Anong ginagawa niyo dito? Nandito ba kayo upang ipamukha sa akin ang relasyon ninyong dalawa?" May galit sa tono kung tanong sa kanila.

" Nagkakamali ka Tony. Nandito kami upang magpaliwanag sayo para maayos natin ito." Sabi naman ni Leonard.

"Magpaliwanag? Ano naman ang dapat niyong ipaliwanag? Yun bang ginawa mong panloloko sa akin?" Puno ng sakig kung tanong sa kanya.

"Hindi kita niloko Tony , mahal na mahal kita kaya please makinig ka sa paliwanag namin. Dinala ko dito si Shantal upang ipaliwanag sa iyo kung bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon." Pakiusap sa akin ni Leonard.

Hindi na ako sumagot at tumingin sa katabi niyang babae na nakayuko ngayon.

Maya-maya pa ay nagsalita na ito.

"I'm sorry Tony sa nagawa ko. Walang kasalanan si Leonard sa lahat. Ako . Ako ang dapat na sisihin mo. Inakit ko para bumalik siya sa akin. Nagsinungaling ako sa kanya na may ilang araw nalang ako para mabuhay dahil sa sakit ko. Sinabi ko sa kanyang samahan ako kahit sa ilang araw na pamamalagi ko dito sa mundo. Pero hindi ko ginusto yun. Ginawa ko lang yun dahil pinagbantaan ako ni Arnold na papatayin niya daw ako at ang mga magulang ko pag hindi ko ginawa ang gusto niya.  Dahil ang gusto niya ay saktan ang damdamin mo." Nagulat ako sa mga nalaman ko.
So pakana pala ni Arnold ang lahat ng to. Kaya siguro sinagud nila kami sa bahay ni tita dahil alam nilang wasted ako that time.

"Planado ang lahat Tony, yung nakita mo kami sa mall na magkasama at yung nakita mong halikan namin sa rooftop. Inutasan ko ang mga babaeng yun na tumambay muna sa pathway at   pagdadaan kana ay iparinig sayo ang usapan nila. Alam kong ang una mong pupuntahan ay ang rooftop dahil nalaman kong doon mo sinagot si Leonard at hindi nga ako nagkamali. Ng makarinig ako ng mga yapak ay sinadya kong gumawa ng kunting ingay tsaka hinalikan si Leonard. Patawarin mo ako Tony. I'm sorry." Pagkatapos niya tapos humagulgol ng iyak.

Nilapitan ko siya tsaka niyakap.

"Wala kang kasalanan , biktima ka rin dito kaya wag kang mag-alala. Pinapatawad na kita." Malumanay kong sabi sa kanya . Yumakap din siya sa akin pabalik at nagpasalamat.

"Bakit ako walanv yakap?" Nagtampo-tampuhang sambit ni Leonard.

Pareho kaming natawa ni Shantal ng mahina dahil sa inasal niya.

Pumunta naman ako sa pwesto niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko ng yakapin niya rin ako pabalik.








"I love you too." Sabi ko tsaka ko siya hinalikan sa labi.

____________________________________
Vote and Comment 🙏


Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon