Chapter 19

6.9K 349 0
                                    

"Babe." Tawag sa akin ni Leonard.

"Hmmmm?"

"Bakit parang napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay lagi kang busy?" Biglang tanong nito sa akin.

Nandito kami ngayon sa condo Niya ,nanonood ng movie.

Naisipan kasi naming mag movie marathon.

Tsaka nitong mga nagdaang araw ay may inaasikaso ako.

Tungkol ito sa Whiteshadow Gang.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin sinasabi sa kanyang may gang rin ako.

Ayaw kong madamay pa siya sa gagawin Kong paghihigante.

At tsaka isang buwan na rin kaming magkasintahan nitong si Leonard.

Ayaw Kong sabihin sa kanya na Kaya lagi akong busy ay pinasusubaybayan ko ang Whiteshadow Gang .

Natagil ako sa aking pag-iisip ng may malambot na bagay ang biglang dumikit sa labi ko.

"Tulala ka na naman, sabihin mo nga sa akin. May problema ka ba?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.

Pilit ko siyang ngitian tsaka ako umiling.

"Pagod Lang siguro ako sa training namin kanina sa volleyball." sabi ko sa kanya.

Tama kayo ng narinig, nagtry out  noong nakaraang linggo sa volleyball at nakuha naman agad ako.

Namiss ko na kasing maglaro ng volleyball.

Inaya ko nalang siyang ihatid na ako sa amin, sinabi ko sa kanyang inaantok na ako at gusto  ko ng magpahinga.

Kahit ayaw niya ay napilitan nalang siyang ihatid ako sa Amin.

Gusto pa sana niyang sa condo na Niya ako matulog pero hindi ako pumayag.

Sinabi ko sa kanyang walang kasama si Tita sa bahay Kaya hindi narin Niya ako pinilit, sinabi ko nalang sa kanya next time nalang.

-

"Sige pasok kana. Good night! Iloveyou!" Sabi nito tsaka hinalikan ako sa labi.

"Iloveyou too, ingat ka sa pagmamaneho." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Lumabas na ako ng kotse Niya at kumaway pa ako bago Niya paandarin ang kotse siya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, hindi ko na naabutan pa si tita sa sala Kaya dumiretso na ako sa kwarto upang matulog. siguro natulog narin Yun si tita.

-

"Hoy mga bes! Alam niyo bang bumalik na si Shantal at dito na daw siya muli mag-aaral sa University natin." Biglang sabi nitong si Alice sa Amin.

Nandito kami ngayon sa classroom,total Wala pa naman ang Prof namin Kaya nagchikahan muna kami.

Kumunot naman ang noo naming tatlo Nina Jenna at Meyon sa sinabing iyon ni Alice.

"Shantal? Sino siya?" Tanong naman ni Jenna sa kanila.

Pagkakasabing iyong ni Alice ay halatang sikat ang babaeng sinasabi Niya dito sa unibersidad na namin.

"Duh! Siya Lang naman ang ex-girlfriend ng jowa nitong si Tony." Dahil sa sinabi ni Angel ay napalingon ako sa kanya.

Ex-girlfriend ni Leonard?

Sa narinig Kong Yun Kay Angel ay bigla akong kinabahan.

Bakit naman ako kinabahan?

Alam Kong hindi ako iiwan ni Leonard at sinabi Niya sa aking ako Lang ang Mahal Niya at hindi Niya ako sasaktan.

Tsaka ex naman na Niya Yung Shantal na Yun eh!

Ako na ang Mahal Niya ngayon.

"Alam mo bang Mahal na Mahal ni Leonard yang si Shantal nung sila pa, halos hindi siya humihiwalay sa babaeng Yun at lagi Lang nakadikit." Pagkukwento pa ni Angel sa amin.

"Ngunit naghiwalay sila dahil napagdesisyonan ng parents ni Shantal na doon na siya pag-aaralin sa states. Nang dahil Don ay naging masama ang ugali nitong si Leonard at palagi nalang nakikipag-away sa kung Sino at  nambabully sa mga taong napagtitripan niya. Kaya Mula noon ay marami ng natakot sa kanyang mga estudyante at iniiwasang nakabangga siya."pagpapatuloy ni Angel sa kanyang kwento.

Ganon ba Niya kamahal ang babaeng Yun at ganon nalang ang epekto sa kanya ng hiwalayan siya nito?

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon