Chapter 17

7.2K 360 2
                                    

Hanggang sa matapos ang klase namin ngayong umaga at lunch time na.

Hindi parin nawawala sa isip ko Yung sinabi nina Jenna kanina sa akin.

Bigla na naman lumukob ang galit sa puso ko.

Talagang hindi na namin sila kailangan pang hanapin dahil sila na mismo ang lumalapit sa Amin.

Alam kung may balak na naman sila kaya bumalik sila dito sa Pilipinas.

Natigil ako sa lalim ng aking pag-iisip ng kabitin ako ni Jenna.

"Hoy! Tulaley ka jan! Wag mo munang problemahin Yung sinabi namin kanina, mamaya na natin pag-usapan ang tungkol Jan." Sabi ni Jenna sa akin pero nandon padin sa mukha niya ang pangamba.

Tinanguan ko nalang siya at tumungo na palabas ng classroom.

Paglabas namin ay Kita ko agad ang gwapong mukha ni Leonard na nakangiti nang makita ako, kasama niya rin ang kanyang mga kaibigan.

"Tara na babe! Kain na tayo, Alam Kung gutom kana."nakangising sabi nito sa akin Kaya inirapan ko Lang siya at hindi pinansin tsaka nauna ng naglakad sa kanya.

" Hoy teka Lang! Joke Lang naman Yun eh!" Sigaw ni Leonard habang hinahabol ako.

Rinig ko payong hagikhikan ng mga kaibigan ko kaya irapan ko rin sila at nagpatuloy Lang sa paglalakad.

Ng mahabol ako ni Leonard ay inakbayan Niya agad ako.

Hindi ko parin siya pinapansin at pilit na inaalis ang pagkakaakbay Niya sa akin ngunit hinihigpitan Lang Niya ito para hindi ko matanggal.

"Sorry na kasi babe, biro Lang naman yun eh." Sabi ni Leonard sa akin na nagpapa cute pa.

Tsk! Kala mo naman ang cute Niya.

Nang makarating kami sa cafeteria ay ang mga boys na ang nag-order nang kakainin namin.

Habang hinihintay namin sila ay biglang lumapit sa Amin sila Lucy kasama ang mga alipores niya.

Remember Yung nakalaban namin nung first of pa namin dito.

"Well,well,well tingnan mo nga naman tong mga malalanding to, nagsama-sama pa talaga! Mga higad! Mga malalandi!"sabi sa Amin ni Lucy at tumawa na parang demonyita.

Eh? Kami malandi ?

Hindi na muna ako kumibo at hinintay Kung ano ang gagawin ng aking mga kaibigan.

"Malandi? You mean kayo? Hahaha, look at your self! Kulang nalang mag panty at bra kayo dahil Jan sa mga suot nito! So tell us now sino sa atin ang malandi?" Nakangising  sabi sa kanila ni Jenna.

Kita ko namang nagalit sila sa sinabing Yun ni Jenna.

"Kayo ang mas malandi ! Nilalandi niyo sila Leonard lalo kanang bakla ka!" Duro sa akin ni Lucy.

Nagpantig naman sa tenga ko ang sinabi Niya sa akin

Ako? Nilalandi si Leonard?

Tumayo ako at tingnan sila ng blankong tingin.

"Oh? Bat napatayo ka ? Natamaan ka guro sa sinabi ko? Hahaha!" Pang-aasar pa sa akin ni Lucy habang tumatawa, ganon din ang mga kasama Niya.

Bigla namang dumating ang mga lalaki at aktong aawatin na kami ni Leonard nang pigilan siya nila Meyon at Jenna.

Nginisihan ko muna sila Lucy bago nagsalita.

"Bakit naman ako matatamaan sa mga sinabi mo eh lahat ng yun  sarili mo Lang din naman ang natamaan. ."nakangisi ko paring sabi sa kanila.

Kita ko ang pagbago ng kanyang ekspresyon at napalitan ng galit na mukha.

Aktong sasampalin na Niya ako ng maunahan ko siya.

Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng cafeteria.



____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon