Chapter 15

8.5K 374 1
                                    

Simula nung nangyaring halikan sa Amin ni Leonard nung gabing hinatid Niya ako galing sa party ay madaming nagbago, tinutoo nga ni Leonard ang sinabi Niya sa aking liligawan Niya ako simula nung gabing maganap ang party.

Aaminin Kong may nararamdaman narin ako sa kanya.

Hindi ko pa naramdaman ang ganitong pakiramdam sa tanang buhay ko.

Yung feeling na walang mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman mo sa tuwing kasama mo Yung taong dahilan nito.

Ito na siguro Yung tinatawag nilang 'love'.

Ngayon ko Lang to naramdaman sa isang tao.

Pero kahit ganon ay hindi ko parin maiwasan ang matakot sa tuwing naiisip Kong sasaktan Niya ako.

Yung tipong iiwan Niya nalang ako bigla at maghanap ng iba.

Hindi ko narin nakita sa sarili ko Yung dating ako.

Yung walang pakialam sa mga taong nasa paligid Niya at ang gusto Lang ay maghigante sa taong pumatay sa mga magulang ko.

Kahit hindi ko sila totoong magulang ay inalagaan at inaruga nila ako at tinuring na parang totoo nilang  anak.

Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis ang galit sa puso Kung matagal ko ng kinikimkim.

Pero sa tuwing nan Jan si Leonard sa tabi ko ay nakakalimutan ko saglit mga isiping makakapagpasakit lang ng kalooban ko.

Marami narin akong nalaman tungkol kang Leonard. Silang Lima pala Yung gang na nag-aaral sa unibersidad na pinag-aaralan namin, inamin Niya Yan sa akin nung minsang nag date kami.

Pero hindi ko sinabi sa kanya na may sarili din akong gang.

Hindi nila Alam na may gang din kaming binuo nila Jenna at Meyon.

Nitong mga nakaraang araw ay mas lalong naging possessive si Leonard.

Yung kahit may titingin Lang sa aking lalaki ay pinagbabantaan Niya agad ito kaya halos Wala nang lalaking lalapit sa dahil sa takot na mabugbog Niya.

Alam narin nang mga kaibigan ko ang ginawang panliligaw sa akin ni Leonard at masaya naman sila para sa Amin.

Alam ko namang nagkakamabutihan narin sila ng mga makaibigan ni Leonard Kaya masaya rin ako para sa kanila.

Kahit hindi nila sinasabi sa akin ay alam kung may namumuong pag-ibig na sa kanila.

Natigil ako lalim ng aking pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Napangiti ako ng makita ko kung sino yung tumawag.

Sinagot ko rin naman agad ito.

"Hello babe, nasaan ka ngayon?" mas lalo pa akong napangiti ng marinig ko ang boses ni Leonard sa kabilang.

Sanay na akong tawagin niyang'babe' kahit hindi pa kami .

"Nandito sa bahay, bakit?" Sagot at tanong ko sa kanya.

"Wala Lang, gusto ko Lang sabihin sa na susunduin Kita bukas at sabay tayong pumasok." Tsk! Akala mo naman kung ano eh palagi Niya nga akong sinusundo at sabay na pumasok sa paaralan.

"Tsk! Palagi mo naman akong sinusundo dito at sabay na papasok sa eskwelahan eh." Narinig ko naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Hahaha , sige na babe matulog kana at para maaga kang magising bukas." Sabi niya parin sa kabilang linya.

"Okay sige, goodnight."

"Goodnight din babe, goodnight ! I love you." Napangiti na naman ako sa huling sinabi Niya.

Hindi na ako sumagot at ibinaba na ang tawag.

Humiga na ako sa kama ko habang nakangiting nakatutok sa kisame.

Habang nasa ganon akong posisyon ay unti-unti ng bumigat ang talukap na aking mga mata hanggang sa akoy makatulog.

-

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon