Chapter 2

7.6K 317 15
                                    

Madilim ang kalangitan habang naglalakad ako sa kapitbahayan na hindi alintana ng mga tao ang nagbubugsong ulan. Masyado silang busy sa pagchichismisan at meron ding nakatingin sakin na pasimpleng pinag-uusapan ako. I just simply ignored them. Sanay na ako sa pagiging judgemental nila. Wala din naman akong mapapala kung papatulan ko sila.

"Miss beautifu!" Pagtawag sakin ng kapitbahay ko na si Mang Pilo na laging lasing, maging umaga man o gabi. "Tumagay ka muna."

Pero hindi ko ito pinansin.

"Suplada." Pahabol nito.

Dinedma ko lang.

"Tumagay ka na kasi." Pagrerkelamo ng kainuman ni Mang Pilo. "Wag mo pagpapansinin ang mga ganyang babae."

It still hurts me when i hear people think bad of me kahit na wala naman akong pinakita o ginawa sa kanilang masama. They just simply judge me dahil sa pinili kong trabaho.

Nang biglang umulan ng napakalakas na may kasamang kulog at kidlat. Nagpulasan ang mga tao at sumilong sa kani-kanilang bahay. Habang mabilis akong tumakbo pauwi. Mabuti nalang ay malapit na ako.

"Kapag minamalas ka nga naman." Basang basa ang damit ko. "Gutom ka na nga, naulanan ka pa."

"Mia?" May sumigaw mula sa kusina. "Ikaw ba yan?"

"Oo." Pasigaw ko na sagot sabay hagis ng bag sa sofa.

Dumaretso ako sa kusina and there i found my best friend Hazen na abala sa paghihiwa ng gulay habang nakataas ang isang paa sa upuan. Nakatira kami ni Hazen sa iisang bahay para makatipid ng bayad sa upa.

She looks up at me with a slight amusement written all over her face. "What happened to you?"

"Ang lakas ng ulan sa labas." Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang sarili ko. I look like a mess. "Buti nga at malapit na ako dito sa bahay kundi baka stranded ako sa kalsada ngayon."

Tumayo si Hazen at lumapit sa niluluto nya. "Maligo ka muna Mia, baka magsakit ka pa."

"Okay sige." Tumango ako pero mas agaw pansin ang napakabangong amoy ng niluluto ni Hazen. "Anong ulam?"

"Sinigang na hipon." Sabay tingin nya sakin.

Tumaas ang kilay ko. "Seriously?"

Natawa si Hazen. "Baboy."

"Desperate ka na ba na mamatay ako?" Pabiro ko na tanong sa best friend ko.

Hazen smirked without breaking an eye contact with me. "Para sakin na ang Rank 1 Mia."

Dinampot ko ang tissue at binato kay Hazen. "Sira ka talaga."

"Para ako ang reyna." Natawa si Hazen.

At nailing malang ako. "Sayong sayo na."

Naligo ako habang nagluluto ng hapunan si Hazen. Kinuskos ko ang bawat bahagi ng katawan ko, bawat sulok para malinis. After almost an hour ay magkasabay na kaming kumakain ni Hazen. Napakasarap nya talagang magluto ng sinigang na paborito ko. Nakakawala ng pagod at nakakabusog ng tiyan.

"Tumawag si Mr. Lee." Anang ni Hazen sa kalagitnaan ng kwentuhan habang kumakain. "Kailangan nating makarating sa party ng 7pm mamaya Mia."

Napahinto ako sa pagkain. "Saan daw?"

Uminom muna si Hazen ng tubig bago sumagot. "Sa Manila Hotel."

At saktong alas siete ay nakarating na kami ni Hazen sa Manila Hotel. Naghintay kami sa lobby ng almost thirty minutes pero wala parin si Mr. Lee. May pailang ilang tao din dito na mukhang may sinabi sa buhay. Pero hindi naman kami magpapakabog dahil nag-ayos kaming mabuti ni Hazen. Sinigurado namin na hindi kami mapag-iiwanan sa labanan.

Ladies' Night (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon