"Order para sa table 4!" Sigaw ni Mr. Cruz, ang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan ko bilang isang waitress. Since wala pang lumalapit kaya ako na ang nagkusang kumuha ng order. Mr. Cruz is a middle aged man but until now ay single parin. "Mia.." His face lighten up when he sees me. "Pakidalian dahil kanina pa yan hinihintay."I just gave him a nod and tight smile. As much as possible kasi ay ayaw ko makikipag-interact kay Mr. Cruz dahil ilang beses na nya akong inalok ng indecent proposal at tsinansingan.
Alam ko na mahirap ang buhay pero hindi ako desperada na patulan si Mr. Cryz. I still have a dignity at kaya ko naman magtrabaho.
Kaya ako nalang ang umiiwas sa tigang na matandang yon.
Tatalikod na sana ako nang tinawag ulit ako ni Mr. Cruz. "Ah teka lang Mia.."
Hinarap ko ulit sya without any expression. I just want to get over this shift para makapagpahinga ako bago magduty sa umisa ko pang sideline. "Bakit boss?"
Kakamot kamot sa kilay si Mr Cruz na tila napakakomplikado ng sitwasyon nya. "May gagawin ka ba mamaya?"
But i just look at Mr Cruz coldly like ice.
"Pagkatapos ng shift mo dito? Alam mo na, kakain lang or kung may iba ka pang gusto."
Double meaning ang sinabi ni Mr Cruz pero hindi narin ito bago sakin. He used to invite me——like every day and I always deny him.
"May duty po ako mamaya boss." Pero magalang ko parin syang sinagot.
"I see." Malungkot nyang sabi. "Pero ano ba yang dyinudutihan mo Mia? Ang tagal mo nang nagtatrabaho sakin pero hanggang ngayon palaisapan parin kung ano ba talaga ang trabaho mo sa gabi."
Napatawa ako na may kasamang pag-iling. Alam ko naman na halos lahat ng kasama ko dito sa bar ay curious about me. For them, I'm kind of mysterious. "Call center po boss."
Tumaas ang kilay ni Mr. Cruz as if hindi sya naniniwala sakin. "Call center ka pala?"
"Sa Accenture po." Matipid ko na sagot.
"Saan yan——"
Pero biglang sumigaw ang customer. "Napakatagal ng order namin!"
"Oh sya dalhin mo na yan." Pagdidimissed sakin ni Boss.
Kaya agad kong pinuntahan ang table 4 na may dalawang lalaki na lasing na lasing pero sige parin sa pag-inom. Minsan napapaisip nalang ako kung saan ba nila inilalagay ang alak.
"Pambihira." Pag-angil ng lalaki na medyo mahaba ang buhok na parang si Dj loonyo. "Kanina pa kami naghihintay."
"Pasensya na po." Paumanhin ko habang inilalapag ang mga bote ng alak sa lamesa.
Padabog na hinampas ng lalaki ang lamesa, umalog naman ang mga bote at umagat ang pinggan. Pero nanatili akong kalmado. "Napakabagal nyo eh!"
"Pare, tama na yan." Pag-awat ng kasama nyang kalbo. "Wag ka ng magalit kay Miss beautiful."
Agad napaikot ang mata ko. "Wala na po ba kayong i-oorder?"
As if on cue ay napatingin naman si Mr Longhair sa direksyon ko at tila kuminang ang mga mata habang nakatingin sakin. "Abay napakaganda nga." At ibinaling nya ang pansin sa kasama nya. I just stood there patiently, very patient. "Parang may kamukha sya."
Agad naman akong napaiwas ng tingin.
"Oo nga eh." Pagsang-ayon ng kasama nya. "Iniisip ko nga kung sino iyon."
Maingat kong kinuha ang mga walang lamang bote at inilagay sa tray.
"Yung nanalo sa beauty contest." Tuwang tuwa na sabi ni Mr. Long na parang nakajackpot. "Sino nga yon?"
Kakamot kamot naman sa kilay ang isa habang malalim na nag-iisip. "Si ano.." Pagkalagay ko sa tray ng mga bote ay tumalikod na ako. "Yong Grey apelido." Muntik na akong mapatalon ng may humawak sakin. "Kinakausap ka pa namin."
Agad namang akong humarap. "May trabaho pa ako pogi."
Hindi na bago sakin ang ganitong senaryo. Kaya alam ko na kung paano ito ihahandle. Wag na wag iprovoke ang mga lasing na tao dahil lalo lang sila magwawala.
"Oh pare pogi daw ako." Proud na sabi ni Kalbo na sumusuray suray sa pagkakatayo. Pero natawa lang si Longhair. "Ikaw ba si Grey?"
Umiling ako sabay ngiti. "Hindi ako yon."
Matamang akong pinakatitigan ni Kalbo bago umatras. "Ah, okay.."
Sinamantala ko na ito para makaalis at makalayo from them. Agad akong dumaretso sa kusina at lumabas sa back door. Finally i found my peace and solitude. Nakakarelax naman talaga na makakita at mapalibutan ng mga naggagandahang bulaklak. Nakakawala ng problema. Maingat akong naupo sa swing at nagduyan habang lumalanghap ng malamig na hangin.
I closed my eyes and thought so hard. Wishing from deep inside my heart na sana matapos na lahat ng problema ko. Nakakapagod magsideline sa kung ano anong trabaho.
"Mia?" May tumawag sa pangalan ko. At kahit hindi ko sya lingunin ay kilala ko na ito. Si Lexi. Close friend ko sya dito sa bar. "Hindi ka pa uuwi?"
Bigla akong napatingin sa suot kong orasan. Alas tres na pala. Kailangan ko ng umuwi pero mas gusto ko munang magpahinga. "Maya maya Lex." Tumingin ako sa direksyon nya. "Kanina ka pa?"
Ngumiti si Lexi sakin. "Karating ko lang." Actually, Lexi is pretty, fashionista din at simula ng magsideline ako dito sa bar ay nakakailang beses na syang palit ng kulay ng buhok. Last time it was blue pero ngayon ay red na. "Hinanap nga agad kita."
"Bakit?" Pag-uuisa ko.
Sumandal si Lexi sa pader habang nakatingin sakin. "Ah wala naman Mia." Ngumiti sya sakin. "Nakasimangot kasi si Boss eh." Natawa ako habang inuunat ang mga binti ko. "Dineny mo na naman ba?"
Natawa ako. "Lexi kahit mahirap lang ang buhay ko eh hindi ako papatol sa taong hindi ko gusto."
"Pero diba nagtatrabaho ka sa——"
"Yes." Agad kong pagputol sa sinasabi ni Lexi. She knows everything about me. Kailangan ko din namang mag-open up para gumaang ang dinadala ko sa buhay. "But it doesn't mean na papatol ako sa kung sino sino."
Heck, they can't even kiss me.
But i let them touch me as long as without malice.
"Really?" Taas kilay nyang kwestyon sakin. "Wala bang namimilit sayo sa work mo sa gabi? Like sex?" Inabsorb ko ng sobra ang sinabi nya. "Because Mia you are too irresistible."
Pinagmasdan ko si Lexi. "I have rules Lexi."
"Rules.." Natawa si Lexi. "What if nainlove ka sa customer mo. Paano na ang rules na yan?"
Natahimik ako at ibinalik ang pansin sa mga halaman na nagsasayaw dahil sa lakas ng hangin. "Wala pa sa isip ko yan Lexi." Sabay buntong hininga. "As much as possible ay ayaw ko munang magkaroon ng kahit anong relasyon sa kung sino, attraction——lalong lalo na ang magkaroon ng commitment."
Bumagsak ang mga kamay ni Lexi sa tagiliran nya. "Or baka hindi mo pa natatagpuan ang taong para sayo Mia kaya mo nasasabi yan."
Lalong humigpit ang pagkakamay ko sa taling nagsusuporta sakin sa swing. "Siguro nga."
I could have say no pero mahirap kainin ang mga salita. Sa ngayon hindi pa ako handa sa kahit anong relasyon.
I just can't...
BINABASA MO ANG
Ladies' Night (Lesbian)
RomanceWhy do we keep secrets? Is it to protect yourself from pedantic society? Or it is your fear of consequences? But Mia didn't care. She works for a living and will do everything for money. Nakaplano na ang mga susunod nyang gagawin hanggang sa makil...