Pagkauwi ng bahay ay dumaretso agad ako sa bathroom para magbabad sa bathtub. Nakakawala ng pagod ang tubig at nang kung ano pang kamalasan sa katawan. This is my solitude and peace. How i wish i could stay like this for awhile. Iyong tipo na walang pinoproblema. But who i am kidding? Marami pa akong obligasyon.
Kaya nga ako napasok sa pagiging escort dahil kinakailangan ko nang pera para maipadala sa pamilya ko sa probinsya at para sa pagpapagamot ni Ivy. Kung hindi lang dahil sa kanila ay hindi ako magtitiis dito sa Maynila.
Pabagsak akong nahiga sa kama na medyo mamasa masa pa ang buhok. Tahimik lang akong nakatingin sa kisame at iniisip ang pamilya ko para naman kahit paano ay sumaya ang puso ko dahil siguradong katakot takot na sermon ang aabutin ko kay Mr. Lee bukas.
"Mia!" Boses ni Hazen mula sa labas ng kwarto ko. "Anong nangyari? Okay lang ba? Sinaktan ka ba ng chekwa na yon?"
Bumukas ang mata ko sabay buntong hininga. "Hindi nya ako sinaktan Hazen." I wanted to tell her everything though pero alam kong pagod din sya. "Kaya wag kang mag-alala."
"Are you sure?" Paninigurado ni Hazen. One thing i like living with her parang may instant kapatid ako na pwede masabihan. "Baka..."
"Okay lang ako." Natahimik ako saglit.
"Masasabon ka ni Mr. Lee nyan, kilala mo naman ang matandang yon." Inis na sabi nya. "Siraulo kasi yang chekwa na yan eh. Alam nya namang may condition ka."
Mabait naman si Mr. Lee pero pagdating sa negosyo ay sobrang istrikto nya. Kaya as much as possible ay bawal magkamali.
"Ako na ang bahala." Kahit na wala akong ideya kung ano ang magiging kapalit ng ginawa ko kanina. "Magpahinga ka na."
"Hay.." Parang si Hazen pa ang sobrang problemado sa nangyari samin ni Mr. Cheng. "Okay sige, bukas nalang. Magpahinga ka na din."
Tumagilid ako ng higa at pinatay ang ilaw sa bed side table. "Goodnight."
Pero wala nang sumagot.
Agad din naman akong nakatulog dahil sa pagod. Mabuti nalang din ay day off ko sa bar bukas kaya pwede akong malate magising at matulog pa ng mas mahaba. I need energy, I need the strength to be okay.
Pero hindi parin nasunod ang plano kong matulog ng buong araw dahil alasais palang ay nagising na ako. Ganito nga ata talaga kapag nasanay na ang katawan mo na magising ng maaga. Kaya naglaba nalang ako ng mga damit, kurtina even bedsheets para malinis lahat.
Nagsasampay na ako ng mga damit nang magising si Hazen. "Minsan iniisip ko kung robot ka ba."
Kumunot ang noo ko bago sya harapin. "Ha? Bakit robot?"
"Napakasipag mo kasi." Ngumiti si Hazen habang nakahilig ang ulo sa pintuan. Gulo gulo pa ang buhok nya at naniningkit pa ang mata dahil sa antok. "Maswerte ang taong mamahalin mo Mia——"
Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Hazen at nagfocus sa pagsasampay. "Wala pa sa isip ko yan."
"Or ayaw mo lang?"
Isinampay ko na ang huling damit. "Hindi pa ako ready sa kahit anong commitment Hazen. Alam mo naman ang pinagdaanan ko diba?" Kinuha ko ang palanggana at naglakad papasok ng bahay. "Nakaluto na ako ng pananggalian, kumain ka nalang kaysa kung ano ano yang sinasabi mo."
Natawa si Hazen. "Baka lang maconvince kita."
Dumaretso kami sa kusina. Kumuha ako ng mga pinggan at si Hazen naman sa pagpupunas ng lamesa. "That's not going to happen Hazen. Hindi na ako magmamahal——"
"Don't say that." Pagkontra ni Hazen sakin. "Ikaw din Mia." Nagtitigan kaming dalawa. "Baka kainin mo yang sinasabi mo."
Pero bago pa man ako makasagot ay sya namang pagpasok ni Mr. Lee sa bahay. "Mia!" Halatang iritable ang boses nya. "Ano itong isinumbong ni Mr. Cheng sakin ha? Why did you do that?"
BINABASA MO ANG
Ladies' Night (Lesbian)
RomanceWhy do we keep secrets? Is it to protect yourself from pedantic society? Or it is your fear of consequences? But Mia didn't care. She works for a living and will do everything for money. Nakaplano na ang mga susunod nyang gagawin hanggang sa makil...