CHAPTER 3: Savior

52 3 0
                                    

Artemis POV

"You can't die...not yet"

"Sino ka?"

"Malalaman mo din."

"Sandali..."

"Magkikita ulit tayo"

Nagising ako sa madilim na silid.

Dim light lang ang bukas giving the room a little light.

Umupo ako sa kama. A king sized bed, with blue bed sheets and four pillows.

Nalaglag ang bimpo pagkasalo ko ng ulo ko. I squint my eyes to see the whole interior of the room.

It's not the hospital.

Naamoy ko sa tabi ko ang mainit na tsaa. Chamomile. Katabi nito ang gamot.

Anong oras na ba?

Bumaba ako sa kama para buksan ang bintana. The curtains cover a floor to ceiling window.

Sunset...

I need to get home. Immediately!

Bago ako makatakbo ay pumasok ang isang matanda.

He's in his 60's. Wearing a formal suit he uses his wooden cane.

Binuksan niya ang ilaw na lalong sumilaw sa akin. "Gising ka na pala."
Bago ito umupo sa sofa na katapat ng kama.

"Nasaan po ako?"

"Nasa bahay ko."

"Bahay niyo?"

"Dito ka dinala ng apo kong kasama mo."

Naupo ako sa dulo ng kama. I feel dizzy.

"Inumin mo muna ang gamot bago ang tsaa."

It is rude but tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Walang lason yan." he firmly state.

Ininom ko ang tsaa at gamot. The tea calmed my berves down.

"Uuwi na po ako."

"Magpahinga ka muna."

"Hindi na po."

"Dito ka na maghapunan, nilalagnat ka ng dalahin ka dito."

Tinignan ko ang suot kong damit.

The pyjama is too large for me nagmukha itong dress shirt. May suot naman akong short sa loob.

Namula ang pisngi ko.

"I know you have questions."

"Kanino po itong damit? Sino pong nagpalit sa akin? Did he—?"

"Sa apo ko. No, may pinapasok kong maid para bihisan ka."

"O-oh"

"Nasan po yung—"

"In the laundry. Masyadong madaming dugo."

Tumango-tango ako.

Nakakahiya na dito pa ako dinala. Tinotoo ng kung sino man ang tumulong sa akin na huwag sa hospital.

Magtataka ang mga nurse kung bakit mabilis gagaling ang mga sugat ko.

Di nagtagal ay pumunta kami sa hapag.

Naunang bumaba ang matanda. Pinasundo na lang ako sa maid dahil nagbihis pa ako.

The dress they gave me looks new.

The pink short sleeve floral dress fits in me.

Pababa na kami ng mapansin ko ang malaking family portrait sa harap ng grand staircase.

Nakilala ko agad ang matanda sa litarato. His hair here is black. Then there's a couple in a formal attire and a little boy in the age of four.

His round doe eyes is the color of a hazel brown, red lips and narrow nose. Brown hair almost red in color.

Napansin ng katulong ang paninitig ko sa painting.

"Si Senorito yan. Minsan lang umuwi dito. Tara na baka hinihintay ka na sa hapag."

True enough I am the one his waiting for.

"Magpapadala na lang daw po si Senorito sa kwarto" nahagip ng pandinig ko ang sinabi ng isang katulong.

Tumango ang matanda "Kain na hija. Ihahatid ka na lang ng driver ko."

"Thank you po."

Madami ang nakahain sa hapag. A weatlhy family indeed. Nakaupo siya sa kabiser ng pang labing dalawang taong lamesa.

I eat with grace. Namana ko kay Mama.

"Kamusta ang pakirandam mo?"

"Mas bumuti po"

"Maigi kung ganun."

Dinampi ko ang table napkin sa gilid ng labi ko.

"Kumain ka pa" muwestra niya sa pagkain.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Busog na po ako."

His staring at me.

May dumi ba sa mukha ko? Maayos naman ako kumain ah.

"Yung mga mata mo hija..."

"P-po?"

"Kanino mo namana yan?"

"Sabi po nila sa Lola ko yung isang kulay. "

Sabi na nga ba may kulang sa akin eh.

Inubos ko ang natitirang juice sa baso bago uminom ng tubig.

Ang chandelier na nakasabit sa itaas ng dining hall ang nagsisilbing liwanag sa kusina.

They really spend millions on this property. Estimated from the furnishings and finishing touches na ginawa sa bahay. Even the marble floor looks shiny like a mirror.

Hinatid din ako ng driver sa bahay namin.

It's almost 8 pm nang marating namin ang bahay namin. Nakasindi ang wall lamp sa labas ng pinto.

Gising pa sila.

Bumaba ako sa sasakyan bago nagpasalamat sa driver.

He looks young actually, siguro bagong hire lang.

Pumasok ako sa loob ng bahay dala ang paper bag at bag ko. I'll wash the pyjama myself nakakahiyang ginamit ko na ibabalik ko pa.

"Andito na po ak—"

Sinalubong ako ng yakap ni Mama.

Kinapa niya ang mga pisngi ko. Namumula ang mga matang puno ng pagaalala.

Yumakap ako pabalik sa kanya.

I miss her scent.

Newly bloomed flowers and citrus.

"Saan ka ba galing? Alalang - alala ako sayo."

"Sorry po. May binisita po ako kaya natagalan."

She kissed my head bago ako pinagpahinga. Humalik din ako sa pisngi ni Papang nakatutok sa balitang pinapanood.

Mist and Moonlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon