Naia's POV
Nakahilig ako sa veranda ng kwarto ko nang magring yung cellphone ko sa study table
Artemis calling...
I press the loudspeaker button bago bumalik sa labas.
"Hello!"
"Bakit di ka sumama kila Dan?"
"Alam mo naman na naghigpit sila Daddy."
"Hindi ka pinapalabas?"
"Pinapalabas pero may bodyguards."
"Body guards?"
"Hindi lang si Daddy ang nakakatanggap ng death threats."
Biglang tumahimik ang kabilang linya.
I sighed. Katulad niya din akong nakatanggap ng death threats na hindi pa siguro alam nila Tita Min.
"Should we tell them about this?"
Basag ko sa katahimikan.Nahihimigan ko ang pagdadalawang isip niya sa isasagot. She doesn't take time to answer as much as possible.
"Let me think about it..." she sighed.
"...hahanap ako ng tiyempo.""Okay. Ikaw bahala."
Malungkot ang napatingin sa langit.
What did we do to deserve this?
"Thank you nga pala sa regalo galing camping." tinignan ko ang polseras na kuminkinang sa pulsuhan ko.
"Oh that? Bigay nila sa akin yan."
"May keychain naman na galing sa kanila"
"It's weird. Nagmamadali pa nga yung scout na kasama nung ranger. Kaya tinanggap ko na lang."
"I see."
The cold wind blow the curtains on my door.
Pumasok na ako sa loob sa takot na magkasipon.
"Anong death threat ang natanggap mo? "
I shivered at that memory.
Kukuha sana ako ng gamit sa locker. The smell reeks and rubs under my nose. Amoy malansa na nabubulok.
Hindi ko na hinanap kasi may basurahan sa locker area baka doon galing.
Pagbukas ko ng locker ay may box. A small one. Wrapped in black paper with a golden wax on top.
I shouldn't have been excited that time. Akala ko secret admirer.
A dead bird without a head is inside.
A secret admirer who sends a dead bird?!
Nanginginig akong kinuha ang papel sa loob. Nabahiran na ito ng dugo. Nandidiri na natatakot na ako sa nakita ko.
DEATH WAITS FOR YOU
Tinapon ko agad ang box sa basurahan.
Lutang ako buong maghapon noon at hindi nakapagfocus sa klase.
"Nandiyan ka pa ba?" Artemis' voice brought me to reality.
"Oo naman."
"I'm sorry about that. Ikaw din pala nakatanggap."
Humiga na ako sa kama. Tinitignan ko ang kisameng may glow in the dark na stickers.
Sounds childish pero isa sa nagpapakalma sa akin ang constellations.
BINABASA MO ANG
Mist and Moonlight
FantasyEvery generation the eclipse choose those who will lead. A tradition of ascendance to be the leader. To identify the chosen one. What if there are two instead of one? Plots of revenge and seeds of evil will rise. Secrets, lies and betrayal collide w...