(a/n: this one's minorly edited.)
Artemis POV
DEPENSA...
Atake...
Depensa...
Atake...
Namimilog ang mga mata ng kasama namin. 10 minuto kada pares lang ang binibigay, ang iba ay mabilis lang natapos . Parehong silang magaling. Unang makalimang puntos ang patakaran.
"Kasama si Marcus sa fencing team dati 'di ba?"
"Kateam mate niya si Eli"
"Nagquit daw dahil sa injury at madalas magkasakit."
Kwentuhan ng mga babae sa unahan ko. Wolf hearing. Nilipat ko na lang ang mata ko sa dalawang lalaki sa unahan.
Sa pagsipol ng teacher namin ay huminto na sila. Pumalakpak kami pagkatapos nila.
"Very good." si Ma'am unahan.
Ang score ay 3 - 2, panalo si Jared.
"Next, Ms. Jacinto at Ms. Ramirez"
Pumunta na ako sa unahan bago makaupo ng dalawang lalaki.
Sinuot ko ang head gear at pumusisisyon ako tulad ng turo sa amin noon. Depensa lang ako ng depensa hanggang sa makaatake ako.
Control, iyan lang ang nasa isip ko. Habang gigawa iyon, ayokong makasakit dahil iba ang lakas ko kumpara sa kalaban ko.4 - 1 panalo ako.
Inabot ko ang kamay ko sa kaklase ko.
Sign of sportmanship.Pinagpahinga kami ng limang minuto.
"Walang kupas..."
"Magaling pa din siya."
Lumadlad ang mahaba kong buhok pagkatanggal ko ng head gear.
Inabot ko ang tubig na nasa tabi ng regalong binigay sa akin.Sa huling laban ay nagbotohan ang klase kung sino ang maglalaban.
"Ms. Jacinto at Mr. Sison"
Inayos ko ulit ang buhok ko bago isuot ang head gear.
Depensa...
Depensa...
Atake...
Depensa...
Atake...
Pabilis ng pabilis ang pagkilos namin. Bumibigat din ang bawat atake namin sa isa't - isa. Sa pagtama
ng espada o épée niya sa akin ay muntik ko nang mabitawan ang akin.Halos sampung minuto na kaming sa pagdudwelo ay hindi pa nakakatama ang pangatlo naming atake sa isa't-isa. Pagod na kami pareho sa pagdepensa at atake nang matamaan ko siya sa kanyang dibdib.
Mabigat ang hangin na dumaan sa pagitan namin. Tensyon? Kaba?
Tahimik ang mga nanonood sa amin halos walang kumukurap at hindi umiiwas ng tingin.Hindi pa kami nakakabawi sa posisyon ng pagatake ay pumalakpak ang Teacher namin ganoon din ang mga kaklase kong nanonood sa amin.
"Bravo! Para akong nanonood ng olympics..." papuri niyang agap
It's not graded?
Tinanggal ko ang head gear ko para makahinga ng maayos. Nagbow ako ng kaunti sa kalaban kong nakatingin lang sa akin.
Ganoon din ang ginawa niya bago tumalikod sa akin.
"Class dismiss"
Dumiretso kami locker namin. Magkatapat lang ang locker ng babae at lalaki. May shower room na din sa loob.
Tinanggal ko ang contact lenses ko bago maligo. Mabilis na natapos ang iba kong kasama. Huli akong lumabas at dumiretso sa locker ko.
Pagkatapos magbihis, ikakabit ko na yung contact lenses ko. Kukunin ko na sana sa loob ng locker ng mapansing bukas ito.
"Sinong nandito? Hindi magandang biro 'to!"
Pinapakalma ko ang sarili ko nang makita ko ang sulat sa pader gamit ang pulang pintura.
Go out or Go blind
Umuwi na lang ako pagkatapos ng PE.
The paint looks fresh. I smell the strong faint scent of it when I stand near the wall.
Kung sino man ang may gawa noon, he or she is not her right mind.
I'm too tired to think about what happened. I'm physically tired to confront that person today.
The security. Siguro may kopya sila ng CCTV.
Humiga ako sa pagod. I let the gentle wind from the window cradle me into darkness.
Nasaan ako? Sobrang dilim naman dito.
"May tao ba diyan?"
Nangangapa ako sa dinadaanan ko. Mabilis na lakad ang ginagawa ko anggang sa madapa ako sa isang matigas na bagay. Malapit na ako sa liwanag. Nasa gitna ako ng gubat. Tanging liwanag lang ng buwan ng nagsisilbing ilaw ko.
"Maligayang pagbabalik Luna..."
Luna?
Napansin ko ang mga matang nagkikislapan sa likod ng mga itim na baluti. Kahit ang damit ko ay iba. Bistidang puti habang nakapatong sa akin ang pulang baluti.
Pinaupo nila ako sa kabisera ng mahabang lamesa at tinitigan ako ng maigi.
"Alam namin na naguguluhan ka ngayon ngunit kailangan namin ng magiging pinuno."
"...pinuno" bulong ko.
Nakita ko ang repleksyon ko sa kopitang may alak. Puting buhok, abuhin at asul na mata na kumokontra sa maputi kong balat. Sa takot ko ay napatayo ako at natumba ang upuan. Hindi ako ito... sumigaw ako sa takot ngunit sumasabay ang repleksyon ko.
Nagising ako sa kwarto ko ng nanlalamig ang pawis. At patakbong lumapit sa salamin. Mas nangibabaw na ng kulay ng buhok ko.
"Panaginip lang iyon..." paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Tumingin ako sa orasan at nakitang 3:12 na ng madaling araw.
BINABASA MO ANG
Mist and Moonlight
FantasyEvery generation the eclipse choose those who will lead. A tradition of ascendance to be the leader. To identify the chosen one. What if there are two instead of one? Plots of revenge and seeds of evil will rise. Secrets, lies and betrayal collide w...