CHAPTER 10: Lycanthrope

13 0 0
                                    

Artemis POV

Sa huling gabi ng pananatili namin sa camping grounds. Nagsimulang ayusin ang kahoy para sa bonfire. Tumulong ang counselor ng lugar.

After the incindent sinabihan kaming wag nang bumalik sa loob ng gubat dahil delikado.

What happened to the dead wolves that day?

Who knew na pakalat kalat ang rogues sa ganito kamodernong panahon. They should be hiding away somewhere deeper than this kind of place.

Cloudy night sky almost let the rain fall. Buti na lang ay sumilay sa amin ang malaking buwan at daang daang bituin.

"Lucky for you guys mapapanood niyo ang meteor shower ngayon" natutuwang anunsyo ng camp scout.

"I've read that sa social media."

"Ngayon lang ako makakakita ng meteor shower"

Sinimulan namin ang bonfire habang inaabangan ang pagulan ng mga bituin. The smell of burning woods and guitar tunes filled the night air. Hooting owls and crickets are our companion.

The breeze made the fire glow more vibrant. Orange, yellow and red reflected our shadows as we sit in circle.

"Camp site stories, guys!"

Excited ang lahat sa narinig. Nagtagpo ang mga mata namin ni Naia. A ghost of excitement hinted behind her gold like eyes.

As expected, her child-like personality slips everytime this happens. We've been to camping before. Girl scouts and the like made us so. I know campings are fun pero hindi ganitong kadelikado.

Sinimulan ng scout ang pagkukwento.

"Kwento-kwento sa lugar na ito ang tagapagbantay... Naninirahan daw ito sa gitna ng gubat. May mga nakakakita sa anino nito tuwing gabi."

Nagyakapan ang iba naming kasama habang tuwang-tuwa ang katabi kong nakikinig. Half of my curiousity sits with me to hear it, the other half feels none.

"May mag-asawang nagcamping dito noon. Nakita nila ang anino nang nagbabantay sa lupang ito. Lumabas ang lalaki sa para itaboy ito dahil malapit sa tinutuluyan nilang tent. Kahit may dalang flashlight ay hindi pa din makikita ang kabuuan ng kanilamg pwesto."

Tumigil ang scout sa pagkukwento at tumingin sa amin. Huli kaming tinignan nito.

I am attentive but my face says no. Maybe that's why.

"Kumaluskos ang ibang tent sa paligid nila. Ang malamig na ihip ng hangin ang tanging naririnig. Luminga-linga siya sa kanyang paligid... Lumingon siya sa bawat pinagmulan ng kaluskos. Hindi malayo sa kinatatayuan niya ng mga matang nakasilip sa likod ng kakahuyan. Pulang mga mata. Inilawan niya ang pwesto nito at unti-unting lumabas sa pinagtataguan nito ang nilalang"

Umihip ang malamig na hangin. Ang mga mata ng kasama ko ay may halong takot at kyuryoso.

Walang gustong magsalita tungkol sa narinig.

"Totoo po ba iyan?" basag sa katahimikan ni Dexter galing sa klase ni Naia.

"Naniniwala ka ba?" balik sa kanya ng scout.

Tinuloy niya ang pagkukwento. Kumapit sa kamay ko si Aia. Nanlalamig ang kamay niyang nakakapit sa akin. Nagkatinginan kami. Her eyes speaks.

Nararamdaman mo ba iyon?

Tumango ako sa kanya. Sumenyas na tahimik kaming maghintay hanggang sa matulog ang lahat.

"Nagulat siya ng makita ito. Itim na balahibo, pulang mata at matalas na mga ngipin. Binato niya ito ng bato, sa pagaakalang lalayo ay lalo itong lumapit habang pinapakita ang matalas na pangil. Inatake nito ang lalaki ganun ang asawa nito."

Sumigaw ang mga kasama namin sa pagalulong na narinig. Takot ang bumalot sa kanila. Naramdaman ko ang kaunting kaba.

Umiiyak na ang iba sa amin.

Pinakalma ng Faculty members at scout ang mga kasama ko. Inalo ko ang kaninay natutuwang si Aia sa tabi ko.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
10:55 pm. 5 minutes bago magmeteor shower.

Kalmado na ang lahat ng magsimula ang meteor shower.

Lahat kami ay nakatingin sa langit.

May nanonood sa amin. Kaming dalawa lang ni Aia ang nakakaalam sa oras na ito. Pinili kong ibaling ang tingin sa langit pero ang tingin nito ay parang binubutas ang likod namin sa pagtitig.

Tss...

Naghintay kami ng tamang oras hanggang sa magpahinga na ang lahat. Tahimik kaming lumabas ni Aia sa tent tanging ilaw namin ay ang cellphone flashlight.

"Err, sigurado ka ba sa gagawin natin?" nagaalinlangang tanong ni Aia

"Oo, tingin ko hindi lang kwento ang sinabi ng scout kanina."

"Baka mahuli tayo ng faculty..."

"Shhh... Malapit na siya. "

"Grrr..." galing ito sa kakahuyan malapit sa amin. "nagkita din tayo... Luna."

Isang Lycan. Yumuko ito sa harap namin at mistulang nagmamasid kung may nakakakita sa amin.

"Ako si Herman, ang bantay ng kakahuyang ito. "

"Totoo nga..."

Alam ng bantay ang kwento tungkol sa kanya. Nasabi niyang hindi tugma sa kwento-kwentong naririnig sa lugar na iyon ang nangyari.

"Bibigyan ko sana sila ng babala... Dumating sila at umatake"

Mabilis na yumukod at bumalik sa kakahuyan si Herman nang narinig ang pagbukas ng isa sa tent.

"Hanggang sa muling pagkikita, Luna..."

Luna?

Tulad ng nasa panaginip ko noon.

"Sandali-"

Huli na bago ko masabi sa kanya ang itatanong ko

"Narinig mo naman yung sinabi niya kanina di ba?"

"May tinawag siyang Luna sa atin."

"Oo, narinig ko."

Gusto naming pasukin ang gubat pero masyadong delikado.

Nagkunwari kaming galing sa palikuran. Bukas ang flashlight at sabay na naglakad pabalik sa tent.

Kinabukasan ay naghanda na kami para umalis sa Camp site. Nag-almusal muna kami bago tumulak paalis.

"Sandali!" habol ng camp scout sa amin.

Tinanggal ko ang earphones na nakakabit tenga ko at hinarap siya. Nagtatakang tinignan siya sa mukha.

"May naiwan po kayo..." sabay abot ng dalawang gintong pounch.

"Hindi po sa akin yan." naguguluhan kong sagot.

"Nakapangalan po sa inyo"

May initials namin ni Naia ang mga pouch.

"Ah... Salamat po!"

Iaabot ko na lang sa kanya ito mamaya bago kami umuwi.

Kumaway sa amin ang dalawang Camp scout. Nakangiting nagpaalam sa amin at gayun din ang ginawa namin. Nakabantay pa din sa gate ang isang bantay at ngumiti sa akin.

Mist and Moonlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon