Artemis POV
Sa lawa sa isang parte ng gubat makikita ang repleksyon ng bilog na buwan. Hinihila ako nito papalapit dito.
Red cloak, white dress, silver and blue eyes.
Naglalakad ako sa tabi ng lawa. Dark shallow water calls for me. Kahit wala akong balak na maglublob o lumangoy ay nilagay ko ang paa ko sa tubig.
Ang malaking buwan na makikita sa tubig ay naging pula.
Sa pagtingin ko sa tubig ay iba ang nakita ko...
Ang imaheng nakikita sa tubig ay hindi ako. Isang babaeng halos kasing edad ko lang ang makikita.
Itim na baluti, black to gray hair, red and gold eyes, at duguang bistida. Ngumiti ito ng nakakatakot habang may dugo sa gilid ng mapupulang labi.
Ginulo ko ang tubig ngunit parehas sa naunang imahe ang nakikita sa tubig.
May kamukha ito at tila pamilyar.
Timingin ako sa langit. Ang pulang buwan ay sinisinagan ang babaeng kanina'y nasa tubig.
Malamig ang pawis na lumabas sa akin.
Hindi ako nakatulog pagkatapos ang kong magising. Tumingin ako sa orasan at nakitang 5:22 am.
Suot ang sports bra na pinatungan ng windbreaker, shorts at rubber shoes. Naamoy ko agad ang pancake, itlog at bacon na niluluto sa kusina. Nakita kong nakasilip si Mama galing sa kusina.
"Maaga ka yatang lalabas" titig niya sa suot ko
"Magjajogging lang po."
Nagaalala siyang tumingin sa akin. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis ng bahay.
"I'll be safe." lingon ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa mahamog na kalsada. I shuffled my playlist and plugged my earphones
That dream seemed so real.
Naikot ko na ang subdivision nang makita ang isang papel sa poste.
Micaela Benitez
17 years old
Last seen: Herod street, 6:43 pm
Wearing green t-shirt, jeans, white sneakers.
Please notify: Fernando Benitez/0924616523Isa na namang biktima.
Diretso ako sa kwarto pagkatapos magjogging.
Tinanggal ko ang earphones ko bago kumuha ng towel at pumasok sa banyo.
It's Sunday dapat ay may rehearsal na kami. Postponed muna dahil rest day galing camping.
Tinanggal ko muna ang pinagpawisang damit bago tumapat sa ilalim ng shower. Warm water drip from my head to foot bago ko pinalitan ng malamig na tubig.
My dreams became a series of vision alike. May kumausap din sa akin noong natutulog ako bahay ng matandang iyon.
'You can't die... not yet'
'You can't die... not yet'
'You can't die... not yet'
Pinatay ko ang shower bago pinuno ng tubig ang bathtub.
Nilublob ko ang sarili ko sa bathtub. My nerves calm down. Naisip ko ang sin
The voice came from somewhere deep. Underground. It's cold and too hollow to hear.
BINABASA MO ANG
Mist and Moonlight
FantasyEvery generation the eclipse choose those who will lead. A tradition of ascendance to be the leader. To identify the chosen one. What if there are two instead of one? Plots of revenge and seeds of evil will rise. Secrets, lies and betrayal collide w...