CHAPTER 7: Camp Red Field

23 0 0
                                    

Artemis POV

"Excited na ako para sa camping!"

"Nagpabili na ako ng mga gamit."

"3 days daw tayo sa bundok sabi ng Principal"

"Bonfire at smores"

Iyan ang usapan sa buong school.
Bukambibig nila simula ng iannounce ito sa school intercom.

Naglay low muna ako sa extracurricular activities. Training at academics lang tapos uuwi na ako.

I didn't check the bulletin board. I bury myself to academics and sports.
Malapit na ang inter-school sports festival.

After camping magsisimula amg sports fest.

Nararamdaman kong may nagbabantay pa din sa akin. May ilang araw na hindi nagpaparamdam pero madalas ay nagmamasid tulad noon.

"Ms. Jacinto meet at the faculty room para makuha mo ang consent form mo." sabi sa akin ng adviser habang nasa pasilyo.

Si Ma'am lang pala. Her spectacles gleams with the sunlight. Hindi ko makita ang mga mata niya.

Mukhang hindi ako makakatakas sa camping trip ng school namin.

"Yes, Ma'am"

Bago magsimula ang afternoon classes ay pumunta ako sa faculty room para kunin ang consent form.

"By the way. Sabi ng mga kaklase mo hindi ka daw sumunod sa kanila sa General Assembly." agap niya ng magkasalikop ang mga kamay.

"May emergency po sa bahay." sagot ko ng kalmado.

One thing to learn at this point is making excuses.

"Ah ganoon ba?" tumango siya. "You may go. One last thing bring your consent form tomorrow."

"Yes, Ma'am."

Nag-announce ng group project ang teacher namin tungkol sa camping.

It's group essay tungkol sa kung anong matututunan namin sa camping. 1 page back-to-back, that makes 3 pages for us.

I love academics but not this way.

He called my classmates by three's.

"Mr. Samson, Ms. Ramos, Ms. Esperido..."

Natuwa ang unang tatlong binanggit

"Ms. Lumeda, Ms. Cuson, Ms. Rivera"
Nagapir naman ang tatlong babae sa likuran.

Matatapos na ang pagtawag ay hindi ko pa naririnig ang pangalan ko.
Ang iba sa amin ay nagpaplano na ng gagawin sa araw na iyon.

Itinuon ko ang pansin sa librong binabasa ko. Inangat ko ang tingin ko sa libro ko ng marinig ang pangalan ko.

"Mr. Sison, Mr. Mendez, Ms. Jacinto."

Wait, what? He is kidding right?

"Sir..."

"Yes, Ms. Jacinto?"

"Ah wala lang po."

I realized na kaming tatlo na lang ang walang grupo. That sums up the three of us. This is just temporary.

"Camping?" tanong ni Papa

"Opo"

"Hon, ano sa tingin mo?"

"Kung indi naman magiging delikado. Why not?" Mama's permission

"Alright! Basta mag-iingat ka."

"Thanks Ma, Pa!"

Hiniram ko ang tent ni kuya kahit overnight lang kami.

Pinasa ko ang consent form sa adviser ko kinabukasan. Since half day lang kami para makapaghanda sa camping nagdecide na magtetraining kami for 3 hours.

3:30 ay pinauwi na din kami.

I double checked the things I need. Toiletries, extra clothes, PB... Etc.

2 bus para sa 63 na estudyante at faculty ang naghintay sa amin.

5 am ang departure time namin para maaga kaming makadating sa pupuntahan namin. Doon na daw kami maglalunch.

CAMP RED FIELD

Bold red capital letters are etched on the arched gate. Red roses are planted on the porch and leaves the open area for the tents.

Malawak ang camping site na pinuntahan namin. May snackbar, dalawang public CR, open area na may tap water. Napapalibutan ng gubat ang site.

Malamig ang hanging dumampi sa mukha ko pagkababa namin.

Napatitig ako sa gubat na nakapalibot sa lugar na pagatatayuan namin ng tent.

Creepy yet mysterious.

"Temi!" hila ni Naia sa braso ko

"Oh!"

"Di ka yata natulog eh."

"Tinitignan ko kasi yung gubat."

Pinicturan ko ang lugar at tinago ang cellphone ko.

Naalala ko yung sinabi ni Mama bago pirmahan ni Papa ang consent letter.

"Enjoy, okay? Kailangan mo yan. You are stressed nakikita ko kahit hindi mo sabihin sa amin."

"Babalik ka dito ng buo. Walang labis walang kulang"

"Sab, share tayo sa tent mamaya"

I'll ask her kung may sumusunod sa kanya dati. We'll talk about werewolf things, just the two of us.

Nagset up na kami ng tent before lunch.

Naghanda ng buffet ang campsite para sa amin. Entrée, dessert, drinks.
Kasama kong kumain sa bench si Aia at mga kaibigan ko.

"May nawawala na naman daw" simula ni Justin

"Di ba sa sundivision niyo iyon, Eli?" segunda ni Lindsey

"Oo, nabalitaan ko nga"

"Meron din sa kabilang bayan sabi ni Momma" si Genevieve.

"Puro babae ang nawawala" tingin ni Lincoln sa kakambal

"Hindi na ako pinapalabas ng hindi ka kasama" roll eyes ni Lindsey

"So safe kaming mga boys!" natutuwang sabi ni Justin.

"Guys, wag na natin pagusapan ito okay?" agap ni Andreu "nasa camping site tayo kaya dapat relax tayo."

"Tama ka diyan" pagsangayon ni Lincoln.

Pagkatapos magtanghalian ay tinawag kami sa camping site.
Ang grupong binuo sa school ay para sa camping

Ako, Si Dan at Jared.

Hiwalay si Naia dahil kasama niya sila Genevieve.

4:00 on my wrist watch.

"Good afternoon guys!" si Sir. Valdez sa unahan.

"Good afternoon" bati namin pabalik.

"Hindi magiging masaya ang camping kung walang games tama?" tanong niya sa amin "maglalaro tayo ng Treasure hunt, gamit lang ang mata, tenga at kamay niyo ay kailangan niyong kumilos bilang isa."

"Paano po iyon?"

"Ang una sa inyo ay tatakpan ang tenga, ang pangalawa naman ang mata, ang pangatlo ang mata at tenga." paliwanag niya.

"May mga bag kaming sinabit sa loob ng guba, may laman itong papel sa loob na maari niyong makuha sa bonfire. May nagiisang kulay gintong bag na sinabit upang makuha ang pinaka magandang regalo"

Binilin pa na huwag lalagpas sa lubid na itinali nila. Nagsisilbi itong boundary sa gitna ng gubat. Kailangan din namin bumalik bago lumubog ang araw.

Sinimulan namin ang paghahanap.

May piring sa mata si Dan, may takip ang tenga ni Jared at ako naman ang tinakpan ang bibig.

Mist and Moonlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon