Artemis POV
Kumalat sa social media yung nawala sa kabilang sibdivision. Hinanap ko sa yung report sa balita at confirmed na totoo.
Camille Salcedo
18 years old
B13 L24 Pearl ave. Hill Burrow Village
Sta. Barbara street, Tondo Manila
Last seen on May 12, 3:22 pm
Waering white printed shirt, shorts and black sneakers.
Please contact 09326754286
Nagpatupad ng curfew ang mga village. 10 pm - 5am.Kahit kami takot nang lumabas. Maluwag pa naman sila sa akin pero bago mag-8 ng gabi ay dapat nakauwi na ako.
----------------
Nagready ako para magjogging sa loob ng subdivision namin. Ginagawa ko ito kapag stressed ako at madaming iniisip. If only I know na may kapalit ang tatlong araw na katahimikan...Eerie silence and cold morning embraced me. Misty morning for a jog.
Kinabit ko ang earphone ko sa tenga ko at nagsimulang tumakbo. Thinking is pointless, I should tell my parents what's happening.
Natanggal ang sintas ng sapatos ko. Since malapit naman ako sa park doon ko na lang tinali ulit. Nakita ko sa peripheral vision kong may papalapit sa akin. With my heightened senses, nakaiwas ako sa gagawin niyang pagatake sa akin.
He's no ordinary, that I can tell.
Sa amoy pa lang niya at hangin sa paligid niya.Rogue.
Trained ang isang ito. He moves precisely, kahit ako na purong Lobo ay nasasabayan niya.
Kahit sa siyudad nagkalat na sila. I should warn them.
Pulang pula ang mga nito at kitang-kita kong hayok ito sa pagpatay. May hawak itong kutsilyo na may lason, sumasama sa hangin ang amoy nito.
Isasaksak na sana sa akin ng kaharap ko ang patalim na hawak niya pero nakailag ako.
Tatamaan sana ako sa dibdib ng mahagip ang cord ng earphones ko.
Ayaw ko pa naman ng walang music kapag natakbo ako.Inaatake ako nito na para bang hindi napapagod. Bakit hindi ko siya napansin sa simula pa lang? Isa ba siya sa sumusunod sa akin.
Buti na lang wala pang tao sa park.
Tinapon ko sa damuhan ang naputol na gamit at sinabayan siya ng kilos.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko habang nasa pagitan namin ang swing.
Ngumiti siya ng nakakatakot bago magsalita.
"Ang makitang bangkay ka na."
"I've heard that before but in a different way."
Two death threats already?!
Wala naman akong atraso sa kanila.
Hinagis niya sa akin ang patalim pero nakaiwas ako. Hindi ko inaasahang ganito ang bubungad sa umaga ko.
Good morning Eli!
Ako naman ang umatake. I can't change form in here. Ay bahala na. Ginamit ko ang lakas ko para matumba siya sa pagsipa ko. I am trained with self defense, in case of emergency sabi ni Papa. And this is emergency!
Nasiko ko siya bago niya mahawakan ang patalim sa kanyang baywang. Nasipa ko ang tuhod niya kaya napaluhod siya sa damuhan.
"Sinong nag-utos sayo?"
Hawak ko ang kamay niya sa likod habang siya'y nakaluhod.
"HAHAHAHA!!!" tumatawa niyang sagot "bakit ko ikokompromiso ang nagutos sa akin?"
"Nababaliw ka na."
Sisipain ko na sana siya pero may mga nadinig akong parating. Mabilis siyang tumakbo paalis ng park.
Security guards...
Naiwan niya nag patalim na gagamitin para saktan ako. Tinago ko ang patalim bago umuwi sa bahay.
I decided na hindi muna pumasok sa morning classes. After lunch na lang. My parents tried to complain pero narahimik sila nang ipakita ko ang patalim.
"Saan mo nakuha ito?" si Papa sa kusina
Kinuha niya ang patalim. Pinagaralan niya ang disenyo niyo.
"I was attacked"
"Attacked?"
"Uh huh... Rogue"
Nabasag ang pinggang pinupunasan ni Mama ng marinig niya iyon.
"Pasensiya na dumulas sa kamay ko yung plato..."
Sinubukan niyang pulutin ang basag na piraso ng pinggan pero inunahan siya ni Papa. Nagtinginan pa sila pero sa huli ay hinayaan niya na lang si Papa.
"Pa wala ka bang trabaho?" agap ko
Thank God Kuya got to school early.
"Half day. Ihahatid kita sa school mamaya"
"Kaya ko na p-"
"Ihahatid kita. Period"
"Tama ang papa mo..." hawak ni Mama sa kamay ko.
"Pero hindi na ako bata" sagot ko kay Mama
"Ayaw lang namin na maulit yung na nangyari kanina." alo niya
"Fine. Just this time okay?"
"Sure baby."
Hinatid nga ako no Papa sa school. Sinigurado niya na ligtas ako bago siya pumasok sa trabaho.
I missed the morning classes na ngayon ko lang ginawa. Intentionally.
Iniabot sa akin ng class monitor ang hand-outs na binigay kaninang umaga. Yung iba syllabus para sa ibang subjects.
Iyong pagatake sa akin kanina mukhang hindi aksidente. My curiosity will kill a cat.
"Nagsurprise quiz kanina noong wala ka." sabi ng katabi ko
"Okay" malamig kong sagot "kakausapin ko na lang si Mr. Perez"
"Iniiwasan mo ba ako?"
"No, Bakit?"
"Wala naman..."
Natatandaan ko pang siya ang nakakita ng contact lenses ko sa basurahan.
Lumingon ako sa likod ko ng makitang walang tao doon.
Absent si Dan?
Tinawagan ko siya habang walang teacher. Nasa paborito niya palang lugar. Clinic. Namiss siguro niya yung nurse.
Matagal bago bumalik si Dan. 2 period na lang bago maguwian ng pumasok siya sa classroom. Magulo ang buhok at hindi maipinta ang mukha.
BINABASA MO ANG
Mist and Moonlight
FantasyEvery generation the eclipse choose those who will lead. A tradition of ascendance to be the leader. To identify the chosen one. What if there are two instead of one? Plots of revenge and seeds of evil will rise. Secrets, lies and betrayal collide w...