CHAPTER 8: Glimpse Of Future

20 0 0
                                    

Kumakain sa isang restaurant ang mga mag-asawang Aries at Minerva, kasama ang kapatid na si Menandro kasama ang asawa—si Asther.

A Double date.

The fancy restaurant is busy. Friday night at araw ng sweldo.

Umiilaw ang pangalan ng restaurant.

Le Petite Paris

May katabi itong maliit na Eiffel tower.

Napagdesisyonan nilang sulit ang araw na ito habang wala ang mga anak nila sa bahay.

Minsan lang sila magkakaroon ng ganitong okayson dahil halos araw-araw ay nasa bahay ang mga anak nila.

Their children—Ali, Artemis, and Naia—offered to help them pero pinipili pa din nilang pagsilbihan ang mga ito. Kahit may maid ay si Asther pa din ang nagluluto kapag nasa bahay siya.
Naia prefer the food she cooks kaysa yung sa maid.

"Sana nageenjoy ang mga bata." sambit ni Asther.

"Of course Hon." hinawakan nito ang kamay ng asawa.

Patapos na din sila sa pagkain. Dessert na lang ang hinihintay nila.

"Ehem! Kailan pala masusundan si Naia?"

Namula ang pisngi ni Asther sa tanong ni Minerva.

"Sorry about that Kuya." napakamot sa batok si Aries.

"Okay lang." Si Menandro.

"What?" umikot ang mata ni Minerva.

"Manang-mana si Artemis sayo."

"Si Ali hindi ba sayo nagmana?" nakahalukipkip na tanong nito.

Natatawa si Asther sa magasawa.

"Wine Sir, Ma'am?"

"Yes, please." sagot ni Menandro.

Nagsalin ng redwine ang waiter sa baso nila.

"Seriously, ayaw niyo talaga?" si Minerva

"Gusto naman namin pero alam mo na..." si Menandro.

"Na?" tanong ni Aries.

Minsan lang silang makitang umasta na parang mga teenager.

"...mahihirapan kami dahil sa edad namin."

"After Naia was born we became busy."

"Walang busy-busy. We can take of Naia while you two... " isang makahulugang ngiti ang ibinigay ni Minerva. Nagiwas naman ng tingin si Aries sa Asawa.

Is she really my wife? Naisip nito.

"Do you want to..." nahihiyang tanong ni Menandro sa asawa.

"...have another child?" si Asther na ang tumapos.

Hinihintay ng magasawa ang sagot ng kaharap. Another child won't hurt doesn't it? Matutuwa pa amg unica hija nilang laging nagsosolo hindi tulad nila Ali at Artemis na halos magaway kapag nagkikita.

"Kung bibigyan pa ng pagkakataon."

Nakapukol ang tingin ni Menandro sa asawa at matamis na ngumiti.

Natawa naman ang kapatid nitong nanonood sa kanila.

"I'll shut you up later." bulong ni Aries sa asawa.

"Make me..." naghahamon ang matamis nitong ngiti.

Dumating ang dessert sa table nila. Strawberry Panna cotta cheesecake na sikat sa restaurant na iyon.

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad sila bago umuwi.

May lumapit sa kanilang isang manghuhula. Bulag ang isang mata nito.

Hindi sila naniniwala sa mga hula. Ngunit ang narinig nila ay nagpakaba sa kanila.

Two moons are meant to bleed
One to sacrifice the other to lead
One to rule the other to be dead
The fallen will rise, the power she wields
The chosen half will be at stake
Under the blood moon she will pray

The happiness that they feel turned out a short lived. Their happiness...

...may be their last.

Imbis na umuwi sa kanilang bahay ay pumunta sila sa mansyon ng magasawang Menandro at Asther.

"Naniniwala ba kayo sa sinabi nung manghuhula?" tanong ni Aries.

"Bakit naman?" tanong ni Asther.

"Tingin mo may kinalaman ang eclipse noon?" si Minerva

"Hindi ko din alam." si Menandro habang nakahawak sa baba.

"Hindi lang sila ang may kaarawan noon..." si Asther.

"May tatawagan lang ako."

Kinuha ni Menandro ang cellphone sa bulsa niya.

"Tatawagan mo ba siya?" si Minerva.

"Oo, kinakailangan."

10 seconds after the second ring the person on the other line answered.
Pinindot niya ang loudspeaker para marinig nila ang sasabihin nito.

"Hello?"

"Hello po. Si Menandro po ito. Anak ni Salem Luna."

"Napatawag ka?"

"Hihingi po kami ng tulong para bantayan ang mga anak namin."

"Tungkol diyan... may nagbabantay na sa kanila."

"Paano po—"

"May dinala ang apo ko ditong babaeng kamukha ni Helen. "

"Paano po siya napunta diyan?"

"Ask her yourself. It's not my story to tell."

The man ended the call.

The man on the other line is the only person that their family trusted. He is a hunter. He came from a family of hunters from the old times.

He knows that their parents—Salem and Helen—personally. The two of them started the pact of truce.

Using their blood they sealed the pact. Nangako sila sa ilalim ng Lunar Eclipse bago maglaslas ng pala at magkamay. The family now serve as a protector although there are still some who don't agree with them.

They pledge a promise of protection for the two families.

The two couple agreed to talk to their children.

Kukuha sila ng tiyempo para dito. Ayaw nilang pwersahing magsalita ang mga ito.

Minerva heaved a sigh because of whats happening.

Nagalala sila sa pinuntahan ng kanilang anak nang hindi alam ang nangyari sa camp site.

Mist and Moonlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon