Chapter 1

9.8K 192 5
                                    

#BCSeeingYouAgain

Andria's POV

It's been 1 year na din, since Timmy passed away, at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ang katotohanang ito. Halos mawala ako sa aking sarili noong unang dalawang linggo ng kanyang pag panaw. Halos ilang buwan akong walang tamang alaga sa sarili at hindi rin maayos ang pagkain at pagtulog ko. Sobrang nagaalala sila mama at papa sa akin. Dahil baka magkasakit ako at malagay pa sa panganib ang buhay ko. Nawalan na ako ng ganang mabuhay at araw-araw kong dinadasal na sana ay mawala na lamang ako, upang makasama ko na si Timmy ko. Ngunit araw-araw ding nakikiusap sa akin sina mama na sana isipin ko rin daw yung mga taong nabubuhay pa para sa akin. Kung sakaling nandirito daw si Timmy ay tiyak magagalit siya sa ginagawa kong pagpapabaya sa aking sarili. Mula noong araw na iyon ay pinilit kong bumangon at ayosin ang buhay kong nasisira na. Ga-graduate na sana ako, kaso dahil sa pagiging pabaya ko, eh na drop ako. Kaya ngayon ay nag enrol muli ako para matapos ko na ang huling taon ko at para makapagtrabaho na. Ayoko na rin kasing maging pabigat kina mama at papa kaya kahit mahirap ay pinipilit kong umayos at mabuhay.

Nandito ako ngayon sa sementeryo at dinadalaw ko si Timmy ko.

"Piggy, pasensya na ngayon lang ako nakadalaw. Enrollment na kasi kaya kailangan kong asikasuhin yun, para maka graduate na ako." wika ko habang inaayus yung dala kong flowers at sinindihan ang dalawang puting kandila. "Nahihiya na din kasi ako kina mama, dapat kasi ngayon nagtatrabaho na ako. Piggy naman kasi, ba't mo pa ako iniwan." naluluha ko na namang sabi sa kanya habang hinahaplos-haplos ang kanyang lapida. "Sana okay ka na jan. Kasi ako pinipilit ko talaga. Mahirap naman din kasing mabuhay na wala ka na sa tabi ko. Alam mo bang miss na miss ko nang marinig yang napaka-seductive mong boses..." napatawa naman ako ng konti, "...pati yung kakulitan mo, yung pagiging maalagain mo at yung pagiging sweet mo.." Napagbuntung hininga naman ako. "ano na kaya ang ginagawa natin ngayon kung sakaling nabubuhay ka pa...... siguro kinasal na tayo at ipinagbubuntis ko na yung panganay nating anak.." tumawa na naman ako. Para na talaga akong baliw nito, "...ano ba yang iniimagine ko..." nakaramdam naman ako ng malamig na hangin na tila yumayakap sa akin. Napapikit ako, "Timmy, I miss you. . . ."

*****

First Day Of School

"Mama, alis na po ako.." paalam ko kay mama at lumabas na ako ng bahay.

"Ate sandali.." pahabol na sabi ni Andre sa akin, "sasabay na ako sa'yo"

Nandito na kami ngayon sa labas ng subdivision at naghihintay na ng aming masasakyan. Sabi ko naman sa inyo na hindi kami mayaman, kaya walang kotse-kotse sa amin. Hindi din naman kami mahirap. Dalawa lang kasi yung kotse namin, yung isa ginagamit ni papa at ang isa naman ay si kuya Andrew ang gumagamit. Gustuhin ko man magkaroon ng sariling akin, eh nahihiya naman akong manghinge kaya tiis-tiis na lang muna ako sa pag co-commute. Tutal, ilang buwan na lamang yung titiisin ko. Sariling pera ko yung ipambibili ko, pinangako ko yan sa sarili ko.

"Ayy, ang tagal naman, male-late tayo nito!" naiinip kong sabi habang tinitignan ko ang suot-suot kong relo.

"okay lang yan ate, habaang mo lang pasensya mo at may darating din. Think positive lang. Ang aga-aga nagpapaka nega ka na" nakangiting sabi ni Andre sa akin. Medjo gumaan naman ang loob ko ngunit biglang naglaho ito ng parang bula ng biglang may isang sadistang, akala-mo-kung-sino ang mabilis na dumaan sa harapan namin at natalsikan kami ng putik, Umulan kasi kagabi kaya medjo basa-basa pa yung kalsada.

"Sh*t!" napasigaw ako ng matalsikan yung damit at mukha ko ng putik.

"Ay Ano bA yan!!!" yung cool na cool at good vibes na bunso kong kapatid, ay nabad trip na rin.

Huminto naman yung kotse, aba dapat lang! Di porket mamahalin yung kotse niya pwede na siyang umastang hari ng kalsada!

Umiinit na ang dugo ko at walang ano-ano ay galit akong sumugod.

"Hoy! BUMABA KA DIYAN!! KUNG SINO KA MAN! ANG BASTOS-BASTOS MO! ALAM MO NAMANG BASA YUNG DAAN, NAGPAPATAKBO KAPA NG MABILIS!!" sigaw ko habang hinahampas-hampas ko ang front hood ng sasakyan niya.

"HOY! BUMABA KA!!" sigaw ni Andre ng makarating siya sa tabi ko. Nakatayo kami ngayong sa harapan ng sasakyan at tila nagmumukha kaming ilang araw ng walang ligo dahil sa sobrang dumi namin. Puti pa naman yung suot ko. TT__TT

"HOY!! SABI NG BUMABA KA!!!!" sigaw ko muli habang nilalakasan ko na ang paghampas. "LUMABA---" napatulala naman ako ng makita ko yung taong lumabas mula sa kotse. Isang lalaki na naka plain white shirt at may black leather jacket; jeans; at nakasuot ito ng black na bonet at shades.

"The F*ck! Can you please stop banging my car!" at siya pang may ganang magalit.

"Hoy! wag mo kaming englishen jan! Tingnan mo nga ang ginawa mo sa amin!" galit na galit na sigaw ni Andre.

"Kasalanan ko bang umulan kagabi kaya basa yung kalsada. At ang tanga niyo rin naman, doon pa kayo pumwesto!" aba talagang sinusubukan ako ng lalaking ito!

"Hoy!" lumapit ako sa kanya, "ang kapal mo rin eh noh! kaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit!" galit na galit kong wika habang tinuturo-turo ko siya sa kanyang mukha.

Iniwaksi niya naman ang kamay ako at tinanggal niya ang kanyang shades, "Hoy miss! pwede bang wag mo akong duruin! at saka umalis na nga kayo dahil male-late na ako!!" Napatulala naman ako sa kanya. "miss!?!" biglang nanlalambot ang mga tuhod ko habang tinititigan ko ang kanyang mga mata, ilong, at labi. "T-Timmy..." nanginginig kong sambit habang unti-unti kong inilapit ang kanang kamay ko sa kanyang mukha.

"Umalis na----" napatigil siya sa kakasigaw ng hinawakan ko ang pisngi niya. "A-anong ginagawa mo?"

"T-Timmy" at hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap na ako sa kanya. "Timmy! Akala ko di na kita makikita pang muli!" sambit ko habang nakayakap sa kanya.

"Ate..." narinig kong tawag ni Andre sa akin ngunit di ko ito pinapansin.

"hey! get off me!! bitawan mo ako!!" sigaw nung lalaki habang itinutulak ako papalayo sa kanya. "ARGHH!! Look what have you done!" namansahan ko yung puting damit niya. Basa pa kasi yung putik sa damit ko kaya nung niyakap ko siya eh nagkadikit siguro. "Sh*t!" tapos tiningnan niya ako ng masama, "quits na tayo, masaya ka na!?" tapos bumalik na siya sa loob ng kotse niya at bumusina, na siyang ikinatabi namin ni Andre. Mabilis niyang ipana-andar yung kotse at sa isang iglap ay naglaho na ito sa aming paningin.

"A-ate?" iwinagay-way ni Andre ang kanyang kamay sa harapan ng mga mata ko habang nakatulala pa rin ako.

Bumalik ako sa aking ulirat, "A-Andre... si Timmy yun diba?"

Napailing naman siya, "Ate hindi yun si kuya Timmy, pero magkamukhang-magkamukha silang dalawa noh...." sabi ni Andre habang pinupulot niya ang bag namin. "tara na ate, bilisan na nating bumalik sa bahay upang makapagbihis. Para makahabol pa tayo sa klase natin."

===

*Unedited Version

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon