#BCBirthdayBash
Andria's POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung mukha ni Tony ng makita niya akong lumalapit sa kanya habang nakatupis lang ako. Hindi ko alam may effect din pala 'tong sexy kong katawan sa kanya. Hahahaha... Pero kinakabahan din naman ako ah, baka kasi bumaliktad yung situasyon at ako na yung magmukhang napagtripan. Pero, HAHAHAHA... laugh trip pa din ako. Ewan ko nga ba't anong nakain ko para gawin ko yun sa kanya. Basta bigla ko na lamang yun na isip.
Matapos nung nangyari ay patuloy ko pa rin itong inaasar at kinukulit hanggang sa maihatid na niya ako sa bahay.
"cge na bumaba ka na, dudugo na kasi ata tong tenga ko dahil diyan sa kaingayan mo..." masungit niyang wika sa akin.
"Eto naman birthday na birthday mo tapos nagsusungit ka jan!" wika ko sa kanya.
"baba na..." tapos tinutulaktulak pa ako nito. -__-
"oo na...sunget!" agad na akong bumaba. Aalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin uli mula sa bintana, "psssttt... Halimaw!?...."
"Halimaw ka jan!!" lingon ko.
"eh lumingon ka naman" tatawa-tawa nito.
"che!"
"sandali!" pagpigil niya.
"Ano?!" tapos tinaasan ko ito ng kilay.
"..Salamat ulit..." tapos ngumiti ito. Para namang nagkagulo yung mga butterflies sa tiyan ko ng masilayan ko yung ngiti niya. Ewan ko ba pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon lalo na't na kasama ko siya.
Ngumiti din ako pabalik, "wala yun sunget..." tapos umalis na ito habang ako naman ay tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
***
"ahhhh...buti na lamang at nag retreat yung mga professors namin ngayon. Makakapagpahinga ako...." wika ko habang nakaslouch sa sofa. In-on ko yung tv at nagsimulang mag channel surfing, "...ano kayang magandang palabas ngayon..." Habang busy ako sa kakahanap ay biglang kong naalala yung nangyari noong nasa cementeryo kami ni Timmy.
'Ayy sh*t! Bakit pa ba ito pumasok dito sa utak ko. Nabobother na tuloy ako. -__- Kakahiya naman kasi. Matapos naming maghalikan doon na parang nasa telesery lang ay parang wala lang nangyari. Parang balik lang kami sa dati. Yung typical me and her as frenimies. Hindi ko rin tukoy kung ano ba talaga, kung may gusto ba ako talaga ako sa kanya? At saka yung tungkol sa pagpapakita sa akin ni Timmy doon sa panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Lalo na yung mga pinagsasabi niya sa akin.
.
.
.
.
Hindi kaya, si Tony yung tinutukoy niya?" Naputol yung malalim na pagiisip ko ng biglang tawagin ako ni mama.
"Nak? andito si Joe, hinahanap ka..." wika nito at tumayo naman ako para tunguhin si Joe na kasalukuyang nasa mag veranda.
"Joe?" tawag ko.
"Andria..." lumapit ito. "...saan ka kagabi? di kasi kita macontact sa phone mo. Nang tumawag naman ako dito sa bahay mo, sabi nila di ka umuwi..." tanong nito. 3 weeks na rin akong nililigawan ni Joe ngunit wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Ayoko sanang maging paasa sa kanya, kaso makulit eh. Kaya hinahaan ko na lamang siya.
".. ahh eh kasi na lowbat ang phone ko kagabi, sorry kung di kita na pagsabihan. Mukhang napag-alala kita." wika ko at inaya ko siyang maupo muna kami.
"Saan kaba nag punta? na trap kaba sa traffic?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...