Chapter 2

8.7K 171 4
                                    

#BCTheOtherTwin

Tony's POV

"C'mon, c'mon, c'mon, c'mon baby, let's get ridiculous (oh-ohh-oh!)

C'mon, c'mon, c'mon, c'mon baby, let's get ridiculous (oh-ohh-oh!)
C'mon, c'mon, c'mon, c'mon baby, let's get ridiculous (oh-ohh-oh!)
C'mon, c'mon, c'mon, c'mon baby, let's get ridiculous (oh-ohh-oh!)

Crazy, loud, get wild in the crowd. Let's get-
Crazy, loud, get wild in the crowd. Let's get-
Crazy, loud, get wild in the cro---"

*ring*

*ring*

*ring*

Feel na feel ko na ang music ng biglang naputol ito dahil sa may tumawag.

Jessica Calling . . . .

*sighed* "hello?"

"TONY!! babe where are you?! I've been waiting for you since yesterday!!" a girl from the other line blunted.

"oh, uhmmm... I'm sorry babe, I have to run some errands for my mom so..."

"Come on don't make some lame excuses again !!"

"but I'm not..." then I hang up. Nakakainis din tong mga ganitong klaseng mga babae. -__- napaka possesive at selosa. 

Kasalukuyan akong nagdidrive papunta sa bahay ng aking napakamamahal na ina. Kakarating ko lang mula sa states, Matagal-tagal ko na rin itong hindi nakikita simula noong naghiwalay sila ni dad noong 8 years old pa lamang ako. By the way, ako nga pala si Antonette Jane Gonzalez o mas kilala sa pangalang Tony. May kakambal akong lalaki, si Timothy Johnson Gonzalez o kilala sa tawag na Timmy. Yes, Opo, Kakambal ko po siya.

Ngunit simula ng magdivorce ang parents namin, pati kami ni TImmy ay nasali sa paghahatian. Si Timmy ay nandoon kay Mommy, habang ako naman ay naka-tira kasama si Dad. Si Timmy naman talaga ang gusto ni Dad kaso, ayaw sumama sa kanya ni Tim kasi mas close sila ni mommy kaya napilitan na lamang siyang kunin ako. Actually, ayaw naman tlaga ni Mommy itong ideang paghatian kami, kaso yun ang gusto ni dad. Yun yung kasunduan nila bago pumirma si dad sa divorce paper nila kaya kailangan niyang sumunod. Habang nasa puder ako ni dad sa states, ay tila parang isang concentration camp ito o should I say isang presinto na kung saan hindi ako malayang nakakalabas ng basta-basta nalamang at dapat lahat ng inuutos niya ang dapat masunod. Araw-araw din niyang pinaparamdam sa akin na sana si TIm nlng yung kasama niya kaisa sa akin na isang babae na di naman niya mapakikinabangan dahil magaasawa at mapapalitan lang din naman ang apelyedo. Dahil sa mga pagcocompara at sa pagpapahirap niya sa akin ay unti-unti akong nagbago. Ang dating masunurin at mabait na batang anak na babae, ay naging rebelde at wild na Tom. Oo isa akong Tomboy, Tibo, Les at kung ano pa yang ka ekekan ang tawag niyo sa mga katulad ko. Natutu akong maging suwail at maglakwatsa. Halos atakehin si Dad noon dahil sa sobrang galit niya sa akin. Muntikan na nga niya akong palayasin at ipagtabuyan noon eh, ngunit dahil sa napagsigawan ko sa kanya yung lahat ng nararamdaman kung sakit na natatanggap ko mula sa kanya ay tila natauhan yata si Dad at nagbago ito. Natutuhan niya akong pahalagahan at alagaan. Mas naging close na rin kami niyan at tila bagets na bagets sa tuwing magkasama kaming gumimik.

Anyway, nang nabalitaan namin ang pagkamatay ni Tim ay nakita ko ang labis na pagkalungkot ni Dad. Umuwi kami agad ni Dad dito sa Pilipinas ngunit hindi na namin ito nasilayan sa huling pagkakataon dahil sa nakacremate ito. Hindi na din kami nakasama sa pag hatid sa kanya sa huling hantungan dahil kailangan na naming umuwi. Pero nangako naman ako kay mommy na babalik at dito na magtatapos ng pag-aaral. Para kasi siyang nabuhayan ng makita niya ako. Kamukhang-kamukha ko kasi daw si Tim, lalo na't pumupurmang lalaki ako. Noong una, ayaw pumayag ni Dad, pero nakumbinsi ko rin naman siya sa huli. Mawawala narin naman kasi ng bisa yung naging kasunduan nila, since nasa wastong edad na ako. 

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon