Chapter 12

6.1K 159 14
                                    

#BCUndertheRain

Tony's POV

Pagkatapos mangyari 'yung awkward moment namin doon sa shop ay nagsimula na kaming magkailangan ni Bunganga. Di na rin kami masyadong nagbabangayan at nagsisigawan. Iniiwasan at nag-iilagan na din kami. Kung mag-uusap naman kami ay civil lang. At kung mangyari man iyun ay puro tungkol lamang sa business project ang magiging usapan namin pagkatapos ay mag-iilagan na naman uli kami. Parang hindi nga ako sana'y sa ganito eh. Nasanay kasi akong parati siyang inaasar at inaaway. Parang namimiss ko yung mga sigawan at bangayan namin. 1 week na lang ang natitira at matatapos na 'tong project namin at tiyak hindi na kami magkikita o magkakasama pa, lalo na ngayo't nagiging seriouso na talaga si Joe sa panliligaw sa kanya. Oo, magdadalawang linggo na siyang nililigawan ni Joe. Hindi ko alam kung pumayag ba ito o sadyang mapilit lang talaga yung kaibigan ko. Halos araw-araw ay hinahatid-sundo siya nito at palagi din silang magkasabay sa lunch kahit hindi nman estudyante dito sa university itong si Joe. Nung isang araw nga, masayang-masaya si Joe kasi nakilala na daw nito ang magiging future-in-laws niya. Hindi ko alam ngunit para talaga akong sinasaksak sa puso sa tuwing nagkukwento siya sa akin tungkol sa panliligaw niya sa kanya.

"...Timmy...." panimulang sambit ko ng makarating na ako sa harapan ng puntod niya. Andirito ako ngayon sa cementeryo at binibisita siya. Birthday na kasi namin bukas at saka madalas na din akong bumibisita dito. Kung di sa bar dito ako tumatambay lalo na't tila ako'y na lulumbay.Kundi alak 'yung nilalaklak ko, kinakausap ko naman itong puntod niya na tila ba andiyan siya at tahimik lamang na nakikinig sa mga hinanaing ko.

"...birthday na natin bukas.... sayang at wala kana para samahan akong magcelebrate. Matagal na din since huli tayong magcelebrate na magkasama." tapos inilapag ko yung mga bulaklak na dala ko at umupo.

"...sa tingin ko, nahahalata mo na ako diba? Alam kung pinapanood mo ako diyan mula sa kung nasaan ka man...." tapos napatingala ako. Hindi masyadong maaraw ngayon kasi medjo kumakapal ang ulap. "... Tim, magagalit ka ba kung sakaling mamahalin ko din siya?" tanong ko habang nakatingala parin. "...alam ko naman 'toh eh mula ng magkakilala kami. Alam kong maykakaiba na sa kanya. Ako lang naman itong deny ng deny kasi natatakot ako na baka magalit at multuhin mo ako." tapos medjo napatawa ako.

"...ang swerte mo Tim alam mo ba yun? kasi nagmahal at minahal ka ng isang katulad niya. Kahit maingay, madaldal, makulit at may pagka-nagger yun pero hindi naman siya mahirap mahalin.... kung physical appearance yun paguusapan natin, kahit maypagka-petite siya, cute din naman ito. May mala-anghel na mukha at may nakakaakit na mga mata. Her smile is like a sunshine who can brighten up your day. Her presences gives joy in my gloomy life. Alam mo yun Tim sigurado ako..... ahhhh...." tapos napasubsub ako sa mga kamay ko, "....Tim sorry kung hindi ko napigilan yung sarili ko na mafall sa babaeng minahal mo.... galit kaba sa akin?" tapos napahawak ako sa buhok ko at tila parang tanga na naghihintay ng kasagutan mula sa kanya.

"para kang tanga jan alam mo ba..." para naman akong pusang nagulat ng biglang may narinig akong nagsalita. Napatayo ako bigla at dahan-dahang lumingon sa aking likuran. "B-Bunganga?" sambit ko ng makita ko na ito. Nakacross-arms ito at nakataas ang isa nitong kilay, "...kinakausap mo kasi ang sarili mo..." tapos inilapag niya ang dala niyang mga bulaklak.

"ka-kanina kapa j-jan?" kinakabahan kong tanong. Baka naman kasi narinig niya 'noh.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko na siyang mas ikinakaba ko. "Hindi..." maikli niyang sagot tapos naglapag ng pagkain sa ibabaw ng lapida ni Timmy.

"Hi Piggy, pasensya na ngayon na lang uli ako nakabisita. Dinalhan kita ng paborito mong adobo. Luto yan ni Mama." wika niya at nag squat ito sa damuhan, malapit lang sa lapida ni Timmy. Nagsindi na din ito ng kandila. "Piggy, bukas na pala yung birthday mo..." sambit nito habang tinititigan ang lapida. Napalingon din ito sa akin, "...at saka birthday mo rin..."

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon