#BCFaceOff
Tony's POV
"Tony, iha hindi na ba talaga kita mapipilit?" tanong ni Mom sa akin. Nasa may balcony kami ng second floor dito sa mansion. Nakaupo lang ako sa isang upuan habang nakatanaw sa malayo.
"yes, Mom... sorry po" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"okay lang iha kung yan ang decision mo." malungkot niyang sagot.
"Mom, don't be upset...." tumayo ako at lumapit sa kanya. "...bibisitahin ko pa naman kayo, from time to time... or you could visit me there, if you want to." wika ko sa kanya
"Tony dito ka na lang kasi. Magiging malungkot na masyado itong bahay ko." wika niya tapos niyapos ko ito.
"I know Mom....." kumalas ito sa pagkayakap at hinarap ako, "Ay basta, Tony promise me that you'll still visit me okay?" tapos pinipisil-pisil nito ang magkabilang cheeks ko habang ako naman ay nagno-nod lang. "Anyway, everything is ready na nga pala para sa flight mo bukas. Are you sure iha na hindi mo na ipapatapos ang first sem mo?" wika niya at may inabot sa aking isang brown envelope.
"uhmmm... I already fixed it Mom. Tinapos ko na lahat ng mga kinakailangan kong tapusin for this semester. Sinabi ko na rin sa mga Prof ko ang pagalis ko and ifofollow up na lang daw nila sa akin ang grades, probably next week or so." sabay balik doon sa kinauupuan ko at tumanaw uli mula sa malayo.
"Iha, is there something bothering you?" out of the blue na tanong ni Mom sa akin at umupo ito sa tabi ko.
"uhmmm no Mom, marami lang po akong iniisp..." kalmado kong sagot.
"iha, gusto mo ba talagang pumunta ng England for you to continue your studies there or . . . .you have some other reasons?" napatingin naman ako sa kanya.
"what kind of reasons naman po, mom?" kinakabahan kong tanong. Alam na kaya ni Mom?
Inakbayan niya ako at ipinasandal ang ulo ko sa balikat niya, ".... you can share to me everything naman anak, wag mong kimkimin...."Napangiti naman ako, Ngayon lang naman kasi kami nagkaroon ng ganitong moment ni Mom. "hmmm... I'm fine Mom...don't worry..." tapos sideways ko itong niyakap.
***
Pagkatapos ng moment namin ni Mom doon sa balcony ay nagsipasok na kami sa rooms namin. Tinapos ko muna yung pagiimpake ko tsaka ako pumasok sa banyo upang makapagshower.
Napapikit ako at napasandal ang ulo ko sa may dingding habang nakababad ang buong katawan sa shower.
'Aalis ka na lamang ba Tony? Ganoon na lang ba talaga? Ang Duwag mo naman!' Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
***** FLASHBACK *****
"Tony!" sigaw ni Joe at lumapit ito sa amin. Napabitaw naman kaming dalawa ni Andria mula sa pagkahawak at napatingin sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito at para bang nagtitimpi. "Let's Talk!" tapos naglakad ito papunta sa labas ng bar.
"Ano--" magsasalita sana si Andria ngunit napatigil ito ng lumingon ako sa kanya at napangiti. "Baka may problema lang siya. Bumalik ka muna doon sa table kasama nina Stephanie at Robi, maguusap lang kami" tapos umalis na ako para masundan ito.
[Sa labas ng Bar]
"Oh Joe, ano----" *SAPAK!*
"Tony, I know what I saw!" deretsahang wika sa akin ni Joe. Pumilit naman akong tumayo mula sa pagkabagsak dahil sa isang malakas na sapak niya sa akin. "The F***, Joe!" sigaw ko habang pinapahiran ko yung dumurugo kong labi.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...