#BCKnightandShiningArmour
No One's POV
Kinabukasan ay maagang nagising si Tony para pumunta sa school. Maaga kasi ang klase nila ngayon. Maaga din itong nagising dahil susunduin niya si Andria. Tinatamad man ito ay kinakailangan niyang tuparin yung hinihingi ni Andria. Para na rin makabawi ito dahil sa hindi pagsipot kahapon. Ng makaalis na ito ay siya namang pagkagising ni Joe. Nanatili muna ito sa kama hanggang sa nakaramdam na ito ng gutom. Feel at home lang ang peg nito, nakiligo at nakihiram siya sa mga damit ni Tony pagkatapos ay bumaba na ito para makakain. Ok lang naman ito kay Tony kasi matalik naman niyang kaibigan si Joe. Pagkatapos niyang mkapagbreakfast ay nagpasiya na itong umuwi sa kanila. Simula kasi ng dumating ito dito sa pilipinas ay di pa ito nakakapunta sa kanila.
Samantalang, dumating na si Tony kina Andria at naghihintay na lamang ito sa kanya. Medjo napaaga kasi yung dating niya kaya ayan naghihintay siya. Nakita naman ito ni Mrs. mendez at inaya siya na pumasok muna. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal ngunit wala sa hapagkainan si Andria. Naliligo pa daw kasi ito anya ng mama niya.
'babae nga naman' wika ni Tony sa kanyang isipan. -__- Teka babae din naman ako ahh... hmmm...
After almost 30 minutes ay all set and ready to go na itong si Andria kaya naman ay umalis na sila dahil baka malate pa sila sa una nilang klase. Tahimik lamang silang dalawa sa loob ng kotse. Ngunit itong si Tony ay di mapigilan ang sariling sumulyap-sulyap kay Andria every now and then. Napansin naman agad ito ni Andria,
"Ano bang problema mo?" lumingon ito sa kanya at nag cross arms.
"h-huh? a-ano bang klaseng tanong yan?" umiwas agad ng tingin si Tony at nagfocus lang sa daan.
"Kanina kapa sumusulyap sa akin." nakataas ang kilay nito.
Napatawa naman ng bahagya si Tony, "ang feeling mo rin noh . . ."
Napakunot naman ang noo ni Andria, "eh ba't ka---"
"doon sa side mirror ako tumitingin...tumabi ka nga jan ng konti" singit ni Tony na siyang ikinatahimik naman ni Andria. "feeling mo kasi.." pahabol na sabi nito at saka nag smirk. Bigla namang namula ang mukha ni Andria.
Himalang, tahimik na nakarating ang dalawa sa university. At dahil blockmates sila ay sabay silang naglakad papuntang classroom. Pinagtitinginan naman sila ng mga estudyante. Bibihira lang naman kasi silang magkasabay at ni hindi pa sila nagbabangayan. Nagsimula ring magbulong-bulongan ang iilan sa mga estudyanteng madaanan nila ngunit yung ikinakuha ng attention nila ay yung narinig nila galing sa isang groupo ng mga babae na sinasabing haters ni Andria. Mga ingitera naman kasi at insecure.
"ano ba 'yan dahil ba wala na si Timmy, si Tony na naman yung titirahin niya" Girl 1
"sana naman ibigay na niya sa atin yung isang kambal." Girl 2
"pero diba tom yang si Tony, seriouso ba siya" Girl 3
"hay naku girls, alam niyo naman, pagmaglalandi walang pinipili..." Girl 1
"oo nga naman, kung wala na yung isa, tumitira ng kapatid na kasing gwapo at kasing yaman pa" Girl 3 sabay tawa.
Ng marinig ito ni Andria ay agad itong napatigil at nanggigit-git sa galit. Masasakit din naman kasi yung mga pinagsasabi ng mga babaeng ito.
"akala ko ba enemies for ever yang dalawang yan. Mukhang palabas lang pala ang lahat..." Girl 2
"baka nagpapahard to get lang, ngunit di makayanan kaya bumigay din..." Girl 1 sabay tawanan.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...