*Unedited Version
All of us crave something in life, and for Andria it's to marry her boyfriend of three years, Tim.
Lahat naman tayo ay may inaasam sa buhay. Ako, simple lang naman ang gusto ko, ang magkaroon ng simple at mapayapang buhay kasama ang mga tunay na kaibigan, ang aking pamilya at ang pinakamamahal kong kasintahan na si Timmy.
Ako nga pala si Chloe Andria Mendez. Isang simpleng babae mula sa isang simpleng pamilya. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang nag-iisang anak na babae. Hindi naman ako spoiled brat, although inaamin kong may pagka daddy's girl. Ang papa ko ay nagtatrabaho sa isang sikat na pagawaan ng chocolate dito sa pilipinas. Office base yung trabaho niya. Si mama naman ay isang housewife ngunit may side line siyang bakery. Mahilig kasing mag bake si mama, kaya naisipan niyang magtayo ng ganoong negosyo. Gusto din naman kasi niyang tulungan si papa sa mga gastusin lalo na't tatlo ang kanilang papakainin and bubuhayin.
Anyway, tama na muna yang tungkol sa family ko.
Si Timothy Johnson Gonzalez o mas kilala sa pangalang Timmy. Ang unang lalaking minahal ko na siyang inaasam kong panghuli rin. Nagkakilala kami noong 1st year of college. Naging magkaklase kami sa isang subject noon at tila na love at first sight ako sa kanya at yun din daw ang nangyari sa kanya. Gwapo, Matalino, Mabait, Makulit, Masayahin, Matulungin at Mapagmahal, yan si Timmy ko. Gaya ng ibang magkasintahan ay nagsimula kami bilang magkaibigan. Kahit naman in love na in love ako sa kanya ay pinilit ko parin maging cool at hard to get noh.Hahaha... Ngunit dahil sa pagiging makulit, sweet at sincere ni Timmy, ay di rin nagtagal ay sinagot ko siya at naging kami. Sa loob ng halos 3 taon, naging napakasaya ng aking buhay. Siguro masasabi kong yun yung pinakamasayang mga taon ng buhay ko, ngunit dahil sa isang trahedya ay lahat ng iyon ay nagimbala at nawala na parang bula.
4th anniversary namin nun ni Timmy at excited akong naghahanda para sa date namin.
"Mama, okay na po ba itong suot ko?" tanong ko kay mama, habang nagpaikot-ikot ako para makita niya.
Ngumiti at lumapit siya sa akin, "naku naman iha, baka naman alukin ka na ni Timmy niyan pag nakita ka niya. Ang ganda-ganda mo kasi."
"Mama naman, so ibig sabihin ba niyan ngayon lang ako gumanda?" tanong ko sa kanya habang naka pout.
Inayus niya ng bahagya ang aking buhok, "aba hindi noh, palagi ka kayang maganda, since birth" tumawa naman ako sa sinabi ni mama. Maya-maya ay bumuhos ang napakalakas na ulan.
"ayy, ano ba yan.." pagmamaktol ko habang sumisilip sa may bintana.
"anong oras ka ba susunduin ni Timmy, anak?" Tanong ni Mama habang tinitiklop ang mga bagong laba naming mga damit.
"dara----" sasagutin ko na sana si mama ng biglang mag ring ang phone ko. "Teka lang po Mama, si Timmy tumatawag sasagutin ko lang po." nag nod lang siya at naglakad na ako medyo malayo sa kanya. "Timmy ko, asan kana ? ready na ako, ikaw nalang ang hinihintay ko." sabi ko sa kanya sabay pout.
"Bunny, on my way na ako. Medjo matraffic lang pero darating ako." sabi niya sa akin. Hay naku, gumagaan talaga ang pakiramdam ko sa tuwing tinatawag niya akong Bunny. hahaha.. Yan yung endearment niya sa akin. Ewan ko ba sa kanya, pero it sounds pretty cute to me.
"Magingat ka Piggy ok, lumalakas na kasi yung ulan eh.." Piggy naman ang tawag ko sa kanya. Hindi dahil mataba at malobo siya, kundi dahil sa katakawan niyang kumain. Hahahaha... ang cute din naman kaya noh.
"yes Bunny, oh cge ibababa ko na to. Wag mo akong mamiss masyado okay." narinig ko siyang tumawa.
"ikaw din, wag mo akong masyadong mamiss"
"cge na, I love you Bunny ko"
"I love you too Piggy ko" sabi ko sa kanya.
"Bunny?" ibababa ko na sana ng biglang tinawag niya uli ako. "Ano yun Piggy?"
"..gusto ko lang ipaalam sa'yo na mahal na mahal na mahal kita... hanggang sa dulo ng walang hanggan" Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.
"P-piggy, alam ko na naman yan eh. At dapat lang noh, kasi ikaw lang din ang mamahalin ko habang buhay."
"Bunny, I love you so much" May kakaiba talaga akong nararamdaman eh, promise.
"I-I love you too Piggy ko..." Narinig ko naman siyang bahagyang tumawa, "..ang sarap namang pakinggan."
Hala, kinilig ata toh, "cge na, mamaya na tayo maglambingan, nagdidrive ka eh."
"Hala, cge sabi mo yan ah" sabi niya na may halong pangaakit.
"heh! dumudumi na naman yang isip mo Timothy Johnson Gonzalez"
"hahahaha, tinawag pa talaga ako sa buong pangalan ko. Nagbibiro lang naman 'ho ako Chloe Andria Mendez"
"Cge na " sabi ko habang tumatawa.
"Bye-bye Bunny" at natapos na ang tawag. Yun na din ang huling beses naming paguusap, ang huling beses na maririnig ko ang malambing niyang boses.
Ilang oras ang lumipas at matiyaga parin akong naghihintay, habang nakaupo sa may veranda. Hindi pa rin tumitila ang ulan at tila mas lumalakas pa ito. Sinubukan ko siyang tawagan muli, ngunit cannot be reach na ito. Tinetext ko siya ng ilang beses ngunit hindi naman siya nagrereply.
"Timmy, nasaan ka na ba?" nagaalala kong sabi habang atras-abante akong naglalakad.
Maya-maya ay hinihingal-hingal na dumating ang bunso kong kapatid na si Andre, "A-ate" nanginginig niyang sabi habang inaabot sa akin ang telepono. Wireless kasi yung telepono namin. Lumapit siya sa akin at tiningnan ko ang telepono, "m-mommy ni kuya timmy" sabi niya at kinakabahan to the max talaga ako. Nanginginig kong tinanggap ang telepono at sumagot, "t-tita?"
Maya-maya'y nabitawan ko na lamang ang telepono habang unti-unting bumabagsak ang mga luha ko. Dali-dali namang tumakbo si Mama, ng marinig niya ang lagapak ng nahulog na telepono. Pagkarating niya ay bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig at yumuko.
"Ate!" -- Andre
"Andria!" -- Mama
Pareho silang nagaalalang lumapit sa akin.
"Anak ano---" bigla kong niyakap si Mama at doon ako umiyak ng napakalakas.
"Anak... anong nangyari?" nagaalala niyang tanong habang hinahagod-hagod niya ang aking likod.
"Ma *sob* na-aksi-*sob*-dente s-si *sob* T-Timmy *sob*"
"a-ano?!"
"Mama, *sob* w-wala na p-po s-si T-Timmy k-ko..." hinagod na lamang ni mama ang likuran ko habang patuloy na umiiyak. Tila nakikisabay ang mga luha ko sa bawat pagbagsak at pagpatak ng malakas na ulan.
Wala na si Timmy. Ang mahal na mahal kong si Timmy. Ang first love ko, ang makulit at masayahing kasintahan ko. Ang taong hinihiling kong makasama habang buhay....Wala na siya.... WALA NA.....
===
A/N: Hey! Hey! Hey! Welcome po sa bagong story ko. Bigla nalang po kasing nag Pop-in ang story sa utak ko. Sayang naman kung next time ko pa isulat, baka makalimutan ko pa.
Sana magustuhan niyo :D
Happy Reading!
Adios!
(4/27/22): Cringe, but hey Andria is still a cutie!
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
أدب الهواة*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...