#BCSameFaceDifferInPersonality
Tony's POV
Argh!! Ang aga naman atang nasira ang araw ko! Buti nalamang at may extra shirt ako na nakalagay sa kotse, at nakapagbihis ako. Nakakahiya namang magmukhang batang kalye ako sa unang araw ng pasukan noh.
Mabuti na nga rin lang at pinapasok pa ako ng prof ko. Halos 30 minutes na kaya akong late. Galit na galit nga yun nang malamang pumuslit ako papasok, ngunit bigla naman itong nagulat at sobrang namutla ng masilayan ang napaka gwapo kong mukha. Feeling ko lang eh noh, pero totoo naman :D
Para itong nakakita ng multo, at hindi lang si Prof ang nagkaganoon, pati yung mga kaklase ko at ang buong estudyante sa campus.
Haist. Alam ko na toh, -__- Akala na naman nilang ako si Timmy, kaya natatakot, nagugulat, at nagtataka sila kung bakit ang namayapang ko nang utol ay palakad lakad pa rin at nakikita pa nila. Hindi ko nga alam kong matatawa ba ako o maaasar sa mga mukha nila.
"Sorry Sir I'm late" binasag ko yung napaka-awkward na atmosphere.
"a-ahmm" hindi ata niya alam kong ano ang kanyang sasabihin.
Ngumiti na lamang ako at, "so uhmmm, I'm Antonette Jane Gonzalez by the way, but I prefer you to call me Tony. And if you guys are wondering, I'm the twin sister of Timothy Johnson Gonzalez , or also known as Timmy. Nice to meet you all" pagpapakilala ko. Nagsimula namang magbulong-bulungan yung mga kaklase ko.
"Oh my babae siya? Akala ko naman lalaki, ang cute-cute panaman niya" -- Girl 1
"may kakambal pala si Timmy?" Boy 1
"parang masyado naman siyang gwapo para maging babae at magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Timmy" Girl 2
"Malamang, kambal nga diba..." Sagot ni Girl 3 kay Girl 2
"Ba't ngayon lang natin siya nakita??" Girl 4
"M-Ms. Gonzalez, ngayong lang ata namin nalamang may kakambal na babae pala si Timmy?" tanong ng Prof. namin.
-__- Haist. "nakatira po kasi ako sa dad ko doon sa states, that's why I never got a chance to be here together with my twin..." I answered
Napayango naman silang lahat.
After an hour ay natapos na yung unang klase ko. Hindi naman gaano ka importante yung mga i-dinidicuss ni Sir kasi unang araw palamang, kaso kailangan ko paring pumasok. Nagbabagong buhay na kasi ako. :D Sa totoo lang, dapat graduate na ako ngayon at tumutulong na sana kay Dad sa kanyang negosyo, kaso dahil sa pagiging suwail at mala-rebelde kong ugali noon eh, na drop out ako nung 2nd year college.
Naglalakad na ako ngayon papuntang 2nd class ko at pinagtitinginan na naman ako ng mga students. Maya-maya ay may lumapit na isang babae sa akin,
"Oh my Ghad! Timmy??" nanginginig niyang tanong. Lumapit naman yung isa niyang kasama na lalaki.
"D-dude? so totoo ngang, nagbalik tao ka." -__- nagbibiro ba to?
Napataas naman yung kilay ko, "excuse me . . .?"
May sasabihin pa sana ako ng biglang may dumating na namang babae, mula sa likuran ko.
"Andria!!" tawag nung babaeng nasa harapan ko.
"Stephanie..." tugon ng babae habang sinasalubong siya nung Stephanie. "Bakit wala ka kanina??" tanong niya.
"may bwesit kasing kotseng dumaan at---" napahinto ito ng makita ako. "T-Timmy.." mahina niyang bulong kaso na rining ko parin. "...I mean, IKAW?!?" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...