Chapter 5

5.9K 171 4
                                    

#BCPartners

Andria's POV

1 week na rin ang nakalipas simula noong pasukan. 1 week na rin akong nag titiis sa pang aasar at paninira ng araw nitong si Tony. -__- ewan ko ba jan. Ang sarap talagang pektusin. Nag eenjoy atang asarin ako, Kainis! MagkaBlock kasi kami, so ibig sabihin, halos lahat ng subjects ko ay magkaklase kami. Expect sa isang Subject namin na biology, Hindi ata niya kinuha, kaya doon nakakahinga ako ng maluwag kasi wala siya.

Buti na nga lang ngayon at tila seize fire muna kami. May sakit ata siya, kasi tahimik lang siyang nakaupo at nakikinig sa isang sulok doon sa upuan niya. Ewan, hindi din ata cya nakikinig dahil naka tunga-nga lang ito at tila palipad-lipad yung isipan niya. Ay, ewan! Why do I care ba  -__-

Ng maglunch break na, dumeretso na agad ako sa canteen kasi kumakalam na ang tiyan ko. Ng maka-order na ako, agad na akong humanap ng upuan para makakain na.

"hmmmm... mas sumasarap talaga tong spaghetti lalo na't gutom  na gutom ka na" sabi ko sa sarili ko habang nilalasap ang bawat subo ko ng pagkain. Medjo napadami din yung inorder ko, kasi nga diba, gutom ako. Maya-maya niyan eh biglang napadaan yung mokong na si Tony, pero inisnaban ba lang naman ako. Ni hindi siya tumingin sa akin at derederetso lang siya sa pag lakad.

'Ano kaya nangyari doon?' curious na tanong ko sa sarili.

'eehhh... ano bang paki ko? mabuti na nga toh diba, di niya ako inaasar. Di rin masisira yung araw ko.' sabi ko uli sa sarili ko habang tinatapos yung pagkain ko.

Tony's POV

One week na rin ang nakalipas mula ng magsimula ang pasukan. One week ko na rin palaging inaasar yung si Andria. Napaka Pikon kasi, ang sarap asarin tuloy. Pero ngayon, seize fire muna. Inaatake kasi ako ng hika ko. Ewan ko ba, akala ko wala na toh. Pero kagabi, inaatake na naman ako. Hindi to alam ni mommy at wala din akong balak na ipaalam ito. Si dad naman akala din niya nawala na toh. Haist. Kainis, hindi tuloy ako makapag jogging nito, kaya eto ang tamlay-tamlay ng araw ko.

Habang nasa klase ako, tahimik lamang akong nakikinig, napapansin ko namang palaging sumusulyap si Andria.

'ano toh, namimiss niya ba ang pangbubwesit ko sa kanya?' hahahaha ang feeling ko lang noh. 'teka, ano kaya ang gagawin niya kung di ko siya papansinin? Tama! yun nga! kakapagod narin naman kasing makipagsigawan at tarayan sa mataray na maingay na babaeng 'to.' Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa mall at doon naghanap ng makakainan. Ayoko kasing tumambay doon sa university, baka magtagpo na naman yung landas namin ng maingay na yun at di ko mapigilang asarin na naman siya. Pagkatapos kung kumain, bumalik na agad ako sa university. Dederetso na sana ako sa classroom ko kaso naalala ko bigla na kailangan ko pa palang uminom ng gamot para sa hika. Kaya yun, dumaan na lang muna ako sa canteen para bumili ng tubig.

'sana naman tapos na siyang kumain at wala na dito' bulong ko sa sarili habang deretso lang ang tingin sa daan. Maya-maya'y napadaan ako sa harap niya. Takam na takam pa atang kumakain. Napaka-PG naman nito. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit iniisnaban ko siya.

Sa loob ng Classroom

Tahimik na naman uli akong nakaupo dito sa upuan ko habang nakikinig sa Prof ko na busy sa kakadiscuss. Passive lang akong nakikinig and partly lumilipad yung utak ko. Nabobored na kasi ako. Maya-maya'y napasulyap ako kay Andria at nakita ko kung gaano siya ka busy sa pakikinig. Halos lahat ata ng sabihin ng Prof eh sinusulat niya. 

*TING!* 

Bigla namang may nag pop-in na evil plan sa utak ko. *evil smile*

Kumuha ako ng papel at pinunit ito into small pieces tapos I crumpled it. Habang busy na busy siya sa pagsusulat, tinapunan ko siya at ayun, first try pa lang pero bull's eye na! Natamaan ko yung ulo niya. Nagpipigil naman ako sa pagtawa pero syempre dapat act cool lang ako para hindi halata. Napalinga-linga ito at bakas sa mukha niya ang pagkaasar. Alam kong sa gawi ko siya tumitingin kaya ako, nagpapanggap na nakikinig ng mabuti kay Prof.

Ng bumaling na uli yung tingin niya kay Prof at nagsimulang magsulat uli, ay tinapunan ko na naman siya ng isa pang papel at natamaan yung tenga niya. Pero hindi gaya nung una, hindi niya lang ito pinansin. At dahil dito, nagtapon na naman ako uli, at isa pa, at isa pa, at SAPUL! natamaan ko yung ilong niya at dahil dito na gising na ang nakatagong tigere sa kaloob-looban niya.

"ANO BA!?!" sigaw nito habang napatayo. Napatingin naman ang lahat sa kanya habang ako wala lang, act cool nga diba. Lumapit ito sa akin ng mapansin niyang hindi ko siya pinapansin. "ANO BANG PROBLEMA MO!?" sigaw niya uli. Nasa harapan ko na siya ngayon. Napataas lang ang kilay ko habang pinipigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"ANO BA!? KANINA KA PA KASI TAPON NG TAPON! KITA MO NAMANG NAKIKINIG AKO KAY PROF!!" sigaw niya uli habang inihampas niya ang kanyang mga kamay sa lamesa ko.

"AHem!" nabaling naman ang attention namin kay Prof na mukhang naiinis dahil sa ginawang pangiisturbo ni Andria sa klase. "what is going on Ms. Mendez? kita mo namang nagdidiscuss ako diba?!" naka cross arms na wika nito. Nakita ko namang medyo nag cool down si Andria, "pasensya na po Prof." tapos bumalik uli siya sa upuan niya. Ng makaupo na ito ay nag-glare naman siya sa akin at nagwika, "hindi pa tayo tapos..." Nagsmirk lang ako sa kanya. 'NapakaPikon talaga nito. Sarap Asarin'

"...so as what I was saying a while ago, before Ms. Mendez here interrupted, I'm talking about the two major requirements na kailangan ninyong ipasa para sa semester na ito. Hindi naman whole sem magdadal-dal lang ako dito sa harap ninyo,'noh. So for the first major requirement, I'm asking you to have your own business and you have to record all your transactions within 2 months. Before midterms ay dapat natapos na ninyo ito at dapat ay maipasa na ninyo sa akin. For the second requirement, gusto ko kayong gumawa ng thesis para sa nasabi ninyong business. Sa business ninyo, pwede kayong gumawa ng inyong sariling business, pwede rin franchised, depende na sa deskarte niyo." sabi ni Prof. "...at dahil 40 naman kayong lahat dito, I want to have this requirements by partners. Kung sino ang magiging partner niyo sa business yun na rin sa thesis." dagdag pa nito. Tapos nagsimula ng magsibulungan yung mga kaklase ko. Nagsitawagan na yung gustong maging magpartner. 

"Sally, partners tayo" narinig kong tawag ni Andria sa seatmate niya.

"ahmm, Ms. Mendez..." tawag pansin ni Prof kay Andria.

"ah, yes po Prof?" -- Andria

"Dahil sa pangiisturbo mo sa klase kanina eh, ako yung pipili sa partner mo. At si Ms. Gonzalez ang magiging partner mo." wika nito.

"HO?!" gulat na gulat nitong tanong at napatayo pa talaga.

Andria's POV

"HO!?" gulat na gulat kong tanong. 'Kainis naman ba't siya pa?! nakakabwesit na nga yung ugali at mukha niya, tapos siya pa yung magiging partner ko. ARRGGGHHH!!!'

"bakit Ms. Mendez, may problema ba doon?" taas kilay na tanong sa akin ni Prof.

"k-kasi po..." napatingin naman ako kay Tony at ayun nakasmirk siya sa akin. KAINIS TALAGA!!!

"Kung ano man 'yang rason mo Ms. Mendez ay hindi mo na mababgo ang isip ko. Kung gusto mong makapasa sa subject na ito, ay dapat mong sundin yung iaatas ko sa'yo." sabi ni Prof sa akin at napaupo naman ako sa sinabi niya, "...ok po sir, sorry po.." tapos na pabuntong-hininga ako. Ng tumingin uli ako kay Tony ay, ayun nagpipigil sa tawa. Nageenjoy atang makita akong nanlulumo. ARRRGGGGHHHH!!! 'Piggy, bakit ba ganito kasama yung kakambal mo' Naiiyak kong wika sa sarili ko.

===

A/n: Hey! Hey! Hey! Short Update lang muna. Sorry dahil na delay ito. Busy kasi ako kaya pasensya na. Update na lang uli ako pagmay time :D

Thanks for reading

Adios!

*Unedited Version

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon