#BCUnwantedFeeling
Andria's POV
'Aish. Kainis talaga!' wika ko sa sarili. Nakawan ka ba naman ng halik ng isang nagse-sleep talk. Sana nga unconscious siya, dahil yari talaga siya sa akin kung hindi. -__-
Bababa na sana ako ng biglang napalingon ako muli doon sa pintuan ng kwarto ni Timmy. Maya-maya'y di ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko doon sa tapat ng kwarto niya at ng inikot ko yung door knob ay hindi pala ito naka-lock, kaya pumasok ako.
'It's the same old room. This same old room which filled with precious memories. Memories that I would always and will forever cherish' Naglakad ako papuntang study table ni Timmy. Napangiti ako habang hinahaplos ko yung mga gamit niya na nasa lamesa.
"natatandaan ko pa noon Piggy, noong una mo akong dinala dito. Nahihiya pa nga akong pumasok nuon, dahil baka anong isipin nila. Kung hindi sana ako nahihirapan sa Math noon, hindi na sana ako mag papatutor sa'yo." nakangiti kong pagbabalik-tanaw. "...ngunit kung hindi yun nangyari sa akin, eh 'di hindi sana kita mas nakilala at naging piggy ko. Kaya okay na rin cguro 'yun.."
Nilibot ko yung kwarto niya at habang ginagawa ko iyon ay nagbabalik-tanaw ako sa lahat ng magagandang memories namin. "Piggy, I miss you every single day." wika ko habang hinahaplos yung picture namin na nasa bed-side table niya at medjo na paluha din ako. Kahit one year na ang nakalipas ay di ko pa rin nalilimutan kung gaano ko siya ka mahal. Siya pa rin ang laman dito, dito sa puso ko.
Maya-maya'y umalis na ako at baka hanapin na ako ni Tony.
Ng makababa na ako ay nagkasalubong naman kami ni Tita Tina.
"kamusta ka na iha? tagal mo na 'ring di nakapasyal dito" wika ni Tita Tina habang sinalubungan niya ako ng yakap.
"okay lang po tita, kayo po?" at hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi.
"okay lang din naman, halika join me for lunch" at pumunta kami sa may graden. "I heard si Tony ang sadya mo dito?" tanong niya ng makarating kami sa may lamesa na puno ng mga pagkain.
"ahh, opo" umupo ako sa tapat ng upuan niya, "...magkaklase po kasi kami at partners kami sa isang project" sagot ko sa kanya.
"mag kaklase pala kayo?" tanong niya.
"opo Ti----" bigla naman dumating si Tony.
"Mommy!" tawag niya at sa hindi ko alam ay napatulala ako sa kanya. Maaraw na kasi kaya ng lumabas siya ay nasilagan siya ng araw. Suot-suot niya ay isang Blue Shirt, brown walking shorts at panglalaking tsenelas. Nakashades din ito at may pendant na suot. Yung buhok naman niya ay nakaayos na parang buhok ni Timmy. Para akong na starstruck ng makita ko siya.
"Tony, Good Morning, come let's have Brunch together. Ngayon ka pa lang ba nagising?" tanong ni Tita
"Yes, Mommy." sabi niya at umupo sa tabi ng Mommy niya.
"So Tony, mabuti naman at naging magkaibigan na kayo nitong si Andria" -- Tita Tony
Kumuha muna ng hotdog and bread at isinubo niya, "Mom, hindi po kami friends, classmates lang po. And kung hindi dahil sa isang project di po kami---" napahinto siya ng mapansin niya akong nakatulala sa kanya.
"..Hoy!!" sigaw niya, na siyang ikinagulat ko naman. "Ayy PALAKA!"
Napataas naman ang kilay niya, "sa gwapo kong ito, magiging palaka ako?!"
Nakabalik naman ako sa ulirat ko, "excuse me, ikaw gwapo? Yung mukha mo siguro pero 'yang ugali mo.... ewan ko na lang..." sabi ko sa kanya at kumuha ng bread at isinubo ito.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...