Chapter 20

5.3K 153 8
                                    

#BCLostInLondon


DECEMBER

"Okay class, so next week na yun...blah blah blah.." busy sa kakadiscuss ang Professor ni Andria ngunit tila ito ay hindi nakikinig. Nakatanaw na naman kasi ito sa labas ng bintana at ang layo-layo ng kanyang tingin.

2nd semester na nga pala at a few months from now ay ga-graduate na siya. Magsisimula na nga din pala itong mag-OJT nxt month, after ng new year doon sa Chocolate Factory na pagmamay-ari ng pamilya nina Timmy at Toni. Tinanggap kasi siya ni Tita Tina dahil sa galing at high grades nito. Hindi naman kasi porket kilala na niya ito at medjo naging close na ay tatanggapin na lamang niya ito ng basta-basta. May pinagdaanan parin processo sympre si Andria.

"Ms. Mendez?" pukaw atensyon ng Prof ni Andria ng mapansing hindi na naman ito nakikinig.

"S-sir?" pagbabalik-ulirat nito.

"Haist. Pasalamat ka at good mood ako ngayon, Ms. Mendez. Dahil kundi, hindi na talaga kita ipapadala doon." dismayado niyang sabi.

"S-sorry po sir..."

"well, anyway... as what I was saying. May gaganaping young billionaires summit na iheheld sa ****** University sa London....." tinuro nito si Andria, "..and you, Ms. Mendez, is one of the lucky students that will participate in the said event...."

"HO!?"

"You hear it, right. Kaya magdiwang ka at maghanda na. Aalis ka next week together with the other 9 lucky students. Sagot na lahat ng university ang mga expenses niyo, pwera lang sa pocket money nyo. Regarding naman sa visa, base sa nasabi sa akin ay pinoprocesso na daw ito at baka maibigay na sa inyo, this sunday or maybe tomorrow."

Hindi naman lubos na makapaniwala si Andria sa oppurtunity na kanyang nakuha. Bihira lang kasi yung pagkakataong ito. Ngumiti lang ito ng nakakaloko habang nakatulala.

"Are you okay, Ms. Mendez?"

"Yes Sir, Sobrang happy lang po talaga ako sa oppurtunity na naibigay sa akin ng university..." wika niya.

"well, may kapalit naman yung pagpunta niyo doon. Dahil, paguwi niyo dito ay kailangan niyong maishare din sa lahat ng students dito ang mga natutunan niyo at yung mga naobserve niyo, kaya sana gawin niyo din ang best niyo at wag puro gala ang atupagin doon."

"Yes Sir, Don't worry po...."

"Okay. Now, I think that's all for today. Class dismissed"

All the way out, Binabati at kino-Congratulate si Andria ng lahat. Hindi lang ng mga block mates niya kundi pati narin yung mga ibang estudyante sa university. Pinost kasi yung mga taong magpaparticiate sa summit kaya nalaman na agad ng lahat kung sino-sino yung mga pupunta.

"Oy, girl..." tawag sa kanya ni Stephanie ng magkasalubong ito, "...Congrats ahh.... swerte mo naman....."

"Thanks Steph!" tapos niyakap niya ito, "...alam mo ang saya-saya ko. Ngayon lang kasi ako makaka-punta ng ibang bansa. AT..... sa London pa...." halatang-halata sa mukha nito ang labis na pagka-excite.

"eyyy... I'm so happy for you." tapos kumalas na sa pagkayakap ang dalawa. Sabay silang naglakad patungong cafeteria para kumain ng lunch.

Ng makarating na sila ay bumili muna sila ng kanya-kanyang mga pagkain saka naghanap ng pwestong maaari nilang upuan.

Habang kumakain sila ay nagkaroon ang dalawang magkaibigan ng konting kwentuhan.

"Himala atang hindi mo kasama si Robi my labs mo ngayon steph?" tanong ni Andria habang sinusubo yung kinakain niyang spaghetti.

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon