Chapter 13

4.7K 159 6
                                    

#BCTheBlessing

Andria's POV

Maaga akong nagising at pumunta sa starbucks para bumili ng paborito kong cappuccino. Matagal-tagal na rin kasi mula noong huli akong bumili at uminom nito. Eh kasi naman, naaalala ko si Timmy sa tuwing umiinom ako nito kaya nalulungkot ako. Nang matapos akong magorder ay umupo muna ako doon sa isang vacant table. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko.

"excuse me miss andria?" wika ng isang pamilyar na boses. Agad ko itong nilingon at hindi nga ako nagkakamali, "T-Timmy?" sambit ko  at ngumiti ito sa akin.

"Eto na yung cappuccino mo. Especially made for you kasi antagal mo na ring hindi nakakainom niyan." nakangiti niyang sabi.

"T-Timmy ikaw ba talaga yan?" tapos napatayo ako at niyakap ito. "...Timmy.... I miss you so much!" Niyakap din niya ako, "ako din bunny...miss na miss na kita." tapos kumalas ito mula sa pagkayakap and he cupped my face. "....alam mo bunny, ang saya-saya ko kasi unti-unti ka ng bumabalik sa dati mong sigla. Labis akong nalungkot noong pinapabayaan mo ang iyong sarili..." tapos he kissed my forehead.

"Piggy, sorry kung naupset kita. I just can't afford losing you. I don't know how to live without you. I'm so lost without you...." naluluha kong sabi habang hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. 

"I know bunny... I'm sorry kasi iniwan kitang mag-isa. Sorry kung hindi man lang ako nakapagpaalam sa'yo.... Bunny, biglaan kasi lahat." sincere niyang sabi.

"Piggy, wag mo na akong iiwan....mahal na mahal na mahal kita...." wika ko sa kanya habang mahigpit akong nakayakap.

"Bunny, I would love to stay and be with you...." tapos kumalas ito at tinitigan ako sa mga mata habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko, "...but this is not the right place and the right time for us bunny... we are not meant to be...." napaluha naman ako ng marinig ko 'yong mga sinabi niya. Pinunasan niya naman yung mga luha ko gamit ang kanyang thumb.

"P-pero, I want you Timmy, I need you in my life....." iyak ko.

"Bunny, may ibang nakatadhana para sa'yo."  wika niya habang nakangiti.

"pero *sob* ikaw ang gusto ko *sob* " 

"pero hindi na ako ang laman nito..." sabay turo sa puso ko na siyang ikinagulat ko.

"a-ano?"

"hindi ako magagalit bunny. Sundin mo kung ano ang tinitibok ng puso mo. Gusto kitang maging masaya uli...." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tapos ay tumalikod na ito.

"Piggy saan ka pupunta?" sigaw ko habang pilit na hinahabol ito. Lumingon uli ito sa akin at nagwika, "kampante na ako kasi alam kong nandiyan na siya. I love you bunny... til we met again..." ngumiti ito at tuluyan ng pumasok sa liwanag.

"Timmy!!!!' sigaw kong habol. Tatakbo na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko na para bang pinipigilan ako.

"Hoy! Bunganga!"

****

Naalingpungatan ako dahil sa biglang pagsulpot ni Tony sa panaginip ko. Hinahabol-habol ko pa nga yung hininga ko ng mapaupo ako sa kama. 

"panaginip lang pala.....eto yung unang beses na nagpakita sa panaginip ko si Timmy" wika ko.

Maya-maya'y napansin kong wala ako sa kwarto ko. "ay oo nga pala, nasa condo ako ni Tony kasi hindi kami makauwi kagabi..." tapos napatingin ako sa paligid at nakita kong himbing na himbing na natutulog ito sa may sofa. Tumayo ako at nilapitan siya,

"ba't dito toh natutulog...." tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. 'Hindi mo talaga mapapansing babae siya. Mukha kasi talaga siyang lalaki.' wika ko sa isipan.

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon