Chapter 25

5.9K 171 3
                                    

#BCPerfectChristmas

Andria's POV

Andito na kami ngayon ni Tony sa sinasabing meeting place daw namin ni Kuya. Pina-extend niya kasi ang stay ko dito. Ang sweet diba? eh kaso hindi ko naman siya makakasama kasi daw regalo niya kay kuya yung pagsastay ko dito. Parang may pagdududa na ata ako dito sa mokong na toh, talaga bang Tom ito o nagpapaka as if lang, may gusto ata kay kuya ehhh.. -__- 'Nagseselos ka naman..'haist, baka maging karibal ko pa dito yung kuya Andrew ko. Oh nga pala, balot na balot na pala ako ngayon. Grabe ang lamig pala talaga pag winter noh. Parang times 100000 pa yung lamig dito kaisa doon sa aircon namin doon sa pilipinas. Nababalot na din yung buong paligid ng mga niyebe. Kumikislap nga yung mga mata ko. Gusto kong humiga doon at gumawa ng snow angel, yung parang nasa movies. Hahaha, so childish lang eh ano. Pero hindi ko naman magawa-gawa kasi nahihiya ako at mapagkamalan pa akong ignorante dito. At saka baka pagtawanan pa ako ng mokong na 'toh.

"Antagal naman ni Andrew, grabe giniginaw na ako..." nanginginig niyang wika. Nasa parking lot lang kasi kami at nakasandal lang sa labas ng kanyang magarang kotse.

*ring*

*ring*

"sagutin mo baka si Andrew na yan!" sigaw niya sa akin kasi ako nakatunga-nga na naman doon sa snow. Eh sa natetempt talaga akong gumulong-gulong doon eh.

*Kuya Andrew Calling . . . .*

Me: hello?

Andrew: Hi Princess, uhmm pwede mo bang ibigay muna kay Tony yung phone?

Me: uhmm okay...

"hoy! gusto kang kausapin ni kuya.." sabay abot ko sa kanya ng phone. Busy kasi tong isang toh sa pagpapainit sa kanyang nanlalamig na katawan. Giniginaw din naman ako kaso yung pagkakasabik ko ang tila naging init sa katawan ko kaya di ako nanginginig ngayon. Sobrang naeexcite naman kasi akong makakita ng snow.

Tony's POV

Sobrang nanginginig na talaga ako sa lamig nito. Nasaan na ba kasi yung mokong na kapatid ni bunganga. Giniginaw na talaga ako ng sobra nito. Tila nabuhayan naman ako ng marinig kong tumawag ito. 'Nakuuu.. uupakan ko talaga siya pagsinabi niyang malalate siya ng konti.' Pakiramdam ko kasing, anytime magiging yelo na ako dito dahil sa sobrang lamig. Habang nanginginig naman ako sa ginaw dito, etong si Andria naman parang kulang na lang ay tumulo yung laway niya habang nakatanaw doon sa snow.

'Iba talaga pag first timers.'

"Hoy! gusto kang kausapin ni kuya.." sabay abot niya sa akin ng phone.

Me: Hello? Nasaan ka na ba!

Andrew: Whooow... Chill Bro

Me: Chill? Eh Chill na chill na nga ako dito, Saan ka na ba!? Yung usapan nating oras lumagpas ka na!

Andrew: *chuckles*

'Inaasar talaga ako ng mokong na toh at talagang pinagtawanan niya pa ako!'

Me: Ano na!

"Hoy! wag ka ngang sumigaw jan!" suway sa akin ni Andria. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

Andrew: Hahaha... bro, huwag niyo na akong hintayin jan.

Me: Anong ibig mong sabihin!?

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon