#BCAsoAtPusa
"Ayoko ng maulit pa toh, do you understand?" wika ng Guidance Counselor kina Andria at Tony. "Dahil pag naulit pa to, ipapaalam ko natalaga ito sa department dean ninyo at tsaka, mapaparusahan na kayo, my ghad, 4th year students pa naman kayo, ngunit kung umasta kayo para kayong kindergarten." dagdag pa nito.
"Sorry po sir..." sabay nilang sabi, "...di na po mauulit..." sabay uli nila, at dahil doon ay nag-glare sila sa isa't isa.
'Gaya-gaya' bulong ni Andria
"Hoy, narinig ko yun at hindi kaya..." tinapunan din ng masamang tingin ni Tony si Andria.
"Kakasabi ko nga lang diba?" galit na sabi ng Guidance counselor.
"SOrry po." sabay uli nilang sabi.
"haist. Teka, diba Ms. Mendez, boyfriend mo si Mr. Gonzalez yung si TImmy?" biglang naitanong ng counselor na siyang ikinagulat ni Tony.
"Ano?! Girlfriend ka ni Timmy?!" gulat na gulat na tanong niya na siyang ikinaasar ni Andria.
"OO, bakit, may problema ba doon?!" tinaasan niya ito ng kilay.
Nag smirk naman ito sa kanya, "I can't believe pumatol ang utol ko sa'yo"
Napatayo naman si Andria, "Excuse me?!" mataray na sabi niya habang nakahawak sa magkabilang side ng waist niya ang kanyang mga kamay.
"Oh! oh! Ms. Mendez, Ms. Gonzalez, please tumigil na kayo. Umalis na nga kayo dito at baka mag-bago pa yung isip ko't isumbong ko na kayo sa dean niyo." napipikon na sabi ng counselor, "para kayong aso't pusa... sige na alis na kayo, para maka palit na kayo ng damit. Tignan niyo nga yang mga itsura niyo." tapos nagsitinginan naman sila sa kanilang mga sarili.
****
Ng makalabas na sila sa office, ay agad na sinalubong ni Stephanie si Andria.
"Sis, so okay ka lang? di ka ba ikikick out" tanong niya sabay abot sa kanya ng tuwalya.
"Ano kaba, hindi noh. tara na nga, samahan mo ako sa shower room para mka ligo na't makapagbihis" sabi ni Andria at nagsimula ng maglakad.
"Hoy! Bunganga Girl!" sigaw ni Tony.
Dahan-dahan namang humarap si Andria sa kanya, "excuse me ?! ako pa ang itinutukoy mo?!" at nakacross arms pa
"Natural, humarap ka sa akin eh!" sabi ni Tony at napatawa naman sina Stephanie at Robi.
"aba't" umuusok na naman ang ilong ni Andria. "....talagang sinu---" susugod sana ito kaso pinigilan na siya ni Stephanie. "Alam niyo, time out muna kayo. Ang dami niyo ng away sa araw na to, seize fire muna, okay..." wika niya, "tara na nga..." at hinila na ni Stephanie si Andria papuntang shower room. May shower room kasi sa loob ng university which is intended for the athletes.
Naiwan naman si Tony at Robi.
"Aish. Kainis talaga yung babaeng yun, Maka-uwi na nga lang." bulong ni Tony sa sarili habang nagsisimula na itong mag lakad.
"Teka.." habol na sabi ni Robi.
"isa ka sa kasama ng maingay na babae na yun diba?" tanong niya habang tinitingnan si Robi.
"OO" at ngumingiti-ngiti pa. "Ay, ako nga pala si Robi, isa ako sa mga matalik na kaibigan ni Timmy." inilahad niya ang kanyang kamay at inabot naman ito ni Tony. "alam kong magkaiba kayo ng ugali at isip ni Timmy, halata naman. kaso di ko talaga maiwasang maramdaman ang presensya niya sayo eh, lalo na't magkamukha talaga kayo."
"ahhh..." maikli niyang sagot.
"basta, kung kailangan mo ng kaibigan, wag ka mahiyang lumapit sa akin okay..cge alis na ako." Ng maka-alis na si Robi ay umalis na din si Tony at nagtungo na pabalik sa mansion ng mommy niya.
BINABASA MO ANG
BY CHANCE (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version All Andria wants in her life was to marry her first love, Tim, and become a family. Unfortunately, the promise of a lifetime together was broken when Tim died in a car crash. A year after his death, Andria continues to l...