Chapter 21

4.5K 148 8
                                    

#BCStartingAllOverAgain

"Andria?" gulat na gulat na bulalas ni Tony.

"Tony?" bulalas din nito at ng masigurado niyang si Tony talaga yung nasa harap niya ay agad niyang niyakap ito.

"Tony! Ang saya-saya ko kasi nakita kita dito..." Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Tony dahil sa naging pagyakap ni Andria sa kanya.

"A-ahh..ano bang...." hindi na niya na tapos ang kanyang sasabihin ng kumawala na si Andria mula sa pagkayakap at hinarap siya. Para namang nanlambot ang bukong katawan nito ng masilayan ang naluluhang mata ni Andria.

"A-ano ang nangyari sa'yo?" tanong ni Tony, "..at saka bakit ka nandito sa London?" dagdag niya. 'Sinundan niya kaya ako? Tinanong niya kaya si Mommy?''

Pero imbis na sagotin nito ang mga tanong niya ay muli niya itong niyakap na siyang ikinabigla na naman ni Tony. "a-ano bang p-problema mo?" tanong niya uli habang napatingin sa paligid. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga tao na nasa paligid nila.

"E-eh kasi..." 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Shalamat nga polosh sha libreh.." masayang wika ni Andria kay Tony habang nageenjoy ng sobra sa kinakain niyang chocolate cake. 

"Aish. Don't talk when your mouth is full. Bunganga girl ka pa rin hanggang ngayon." wika ni Tony sabay abot ng hot chocolate nito.

Linunok muna lahat ni Andria yung cake na nasa loob ng bibig niya bago siya muling nagsalita, "...ehhh, hanggang ngayon masunget ka pa rin." sabay pout.

"Masunget?" bulalas ni Tony, "...pasalamat ka nga nilibre kita tapos sasabahan mo akong masunget..." sabay irap nito sa kanya.

"ehhh..." tapos bumalik na uli sa pagkain si Andria habang palihim na pinagmamasdan siya nito ni Tony. 'Akala ko madali lang makalimutan itong feeelings ko para sa'yo, kaso ang hirap talaga. Ang hirap, lalo na't malakas ata ang naging tama ko sa'yo' wika nito sa sarili.

"Baka matunaw ako niyan..." wika ni Andria sabay smirk.

Napa-smirk din si Tony at napa-crossed arms, "...ang feeling mo... Teka, di mo pa ako sinasagot kanina, ano bang ginagawa mo dito sa london?" Bigla namang nalungkot ang expression ng mukha ni Andria. Kasi naalala niya bigla yung naging pagiwan sa kanya sa Hyde Park.

"Ehh kasi naiwan ako ng bus noong pumunta kami sa Hyde Park." parang bata niyang wika.

"Bus? Park? Ano, Linawin mo nga" tapos inabot ni Tony yung inumin niya.

"ganito kasi yun..." tapos kwenento ni Andria lahat-lahat na nangyari sa kanya. Mula sa magandang oppurtunity na nakuha niya hanggang sa naging pagiwan sa kanya ng group at ng bus.

"So?" mataray na tanong ni Tony.

Napakunot naman ang noo ni Andria, "..ang haba-haba ng kwento ko tapos sasabihan mo lang ako ng 'SO'?? 

"ehh bakit kasi di mo na lang icontact yung prof mo."

"Hello, low bat kaya yung phone ko, nakikinig kaba?!" napipikon niyang sagot.

"eh di use my phone..." sabay abot nito.

"Hello!? Wla akong number! Nangaasar kaba?!" asar na asar na tanong ni Andria samantalang natatawa naman si Tony. 'Nakakamiss namang asarin'tong isang toh xD'

"Chill Shorty Princess, yung kuya mo na lang kaya yung tawagan mo..." wika nito ngunit mukha mas nagagalit pa ito.

"WALA SABI AKON----" sasabog na sana itong si Andria ng biglang ipinatong ni Tony ang kanyang left index finger sa ibabaw ng mga labi nito na siyang ikinatahimik niya. "Shhhh.... relax... may number ako ng kuya mo jan sa phone ko." tapos tinanggal na ni Tony yung daliri niya habang nakatulala naman si Andria. 

Nagsnap ng fingers si Tony sa tapat ng mga mata ni Andria na siyang ikina-back-to-earth niya, "Timang ka parin.." sabay tawa. Napa-glare lang naman etong si Andria sa kanya habang tawang-tawa pa din si Tony.

****

"kuya..." masayang salubong ni Andria kay Andrew.

"Princess, I'm so glad walang masamang nangyari sayo..." wika ni Andrew at sinalubungan niya ng yakap ang kapatid. "Salamat Bro, maaasahan ka talaga..." nakangiting wika ni Andrew kay Tony ng makita niya ito.

"It's nothing. Gustohin ko mang iwanan yan dito pero baka multuhin pa ako ni Timmy." she chuckled.

"Bro, anyari jan sa shirt mo?" napahiwalay naman bigla si Andria sa pagkayakap sa kapatid at napatingin doon sa damit ni Tony

"Shooot, naalala ko, Sorry talaga sa shirt mo" nag-aalala nitong wika kay Tony

"assuuss, wag ka na magsorry. Nasanay na kaya akong palaging nadudumihan ang shirt ko. Sa tuwing nagkikita kasi tayo parang palaging nadidisgracya tong damit ko." sabay smirked. Napatawa naman doon si Andrew habang nahihiya naman si Andria. 'Ganoon, na ba talaga ako ka clumsy?'wika nito sa sarili, 'pero teka!...'

"Hoy, dinumihan mo din kaya yung damit ko dati! Naalala mo nung una tayong magkita, pinutikan mo yung buong damit at pati yung buong mukha ko!" galit na bulalas nito. Napatawa naman ng malakas si Tony dahil doon sa sinabi ni Andria. Naaalala kasi nito yung madungis na mukha nito habang nanggigitgit sa galit.

"Ahem! mukhang may throwback na nangyayari dito ah..." Medjo na OP na kasi si Andrew. "Haist, the weather is not doing good. Mukhang magso-snow na mamaya..." pagiiba nito ng topic. Baka kasi mag-away pa yung dalawa sa harapan niya. Baka maging referee pa siya, mahirap na.

"Snow?!" naeexcite na wika ni Andria, "..naku, kung magkataon, eto yung first time ko..." masayang-masaya niyang sabi habang nga nga lang yung dalawa habang tinitignanan siya. Tumatalon-talon kasi ito na parang bata.

"Haish. Halika ka na nga Princess. Baka sobrang nag-aalala na yung Prof at mga kasama mo sa'yo. Ihahaid na kita." wika ni Andrew

"ehhh kuya kasi..."

"don't worry, alam ko kung saan gaganapin yung young billionaires international summit, kaya tara na. Bago pa ako maging yelo dito..." tapos binuksan na nito ang pinto ng passenger seat, "let's go?"

Lumapit na si Andria sa sasakyan ng Kuya niya pero bago ito pumasok ay lumingon muna ito uli kay Tony, "I didn't really expect that I will see you here by chance, but I'm glad to see you again, Sunget..." wika niya tapos ngumiti ito sa kanya.

Napangiti naman si Tony sa kanya, "... Nice to see you too, Bunganga." tapos tuluyan na itong sumakay at umalis na sila patungong ***** University. Para namang natamaan ng saltik itong si Tony dahil sa hindi parin maalis alis ang ngiti na nasa kanyang mukha. Ang saya kasi niya, kasi di niya akalaing magkikita sila muli.

"Ang liit nga naman ng mundo" bulong nito sa sarili. Bigla naman siyang nagulat ng biglang magring ang phone nito.

"Hello?" sagot niya.

"Sir, I'm sorry for disturbing you, but your father wants to remind you about tomorrow's event...." wika ng secretary ng Dad ni Tony sa kabilang linya.

"Oh yes, don't worry I will be there..." tapos binaba na nito.

===

A/n: Thanks for reading and voting :D
Leave a comment if you do too, I'll be glad to read them.

See you in the next chapter :D

- Rawwwrrr!!!

*Unedited Version

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon